chap 16- Time Machine

2.2K 78 5
                                    

JUN'S POV

Malabo at naguguluhan pa ako sa mga nangyayari sa buhay naming magkapatid. Pero gaya ng ginagawa ni Onee-chan ay sumusunod na lang ako sa agos.

Pasasaan ba at masasanay din kami.

Hindi ako nagtataka sa mga magulang namin. Kamukhang kamukha nga ni Onee-chan si Mom eh. May kambal din siya. Hindi sila magkahawig pero kamukha naman ni Kuya Mikhail si Dad. Ako tulad ng sabi nila pareho kami ng mga mata ni Mom at magkaugali kami ni Dad.

Sabagay tatlong araw pa lang naman ang lumilipas simula ng magkita kita kami kaya siguro hindi pa ako nasasanay. Pero masaya ako. Sino bang hindi sasaya kung malalaman mong buhay pa pala ang mga magulang mo plus may kuya ka pa?

Naiintindihan ko ang rason nila kung bakit nila kami tinago ni Onee-chan. Inaalala lang naman nila ang kaligtasan namin.

Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung bakit ganoon ang buhay ng mga tao sa lugar namin sa Japan. Ibang iba sa mga taong nakapaligid sakin ngayon. Alam kong dapat mailang akobat manibago pero hindi iyon ang nararamdaman ko.

Parang sanay na sanay ako sa mga kilos ng mga taong nasa paligid ko. Hindi ito katulad sa lugar namin na may eksaktong bilang at alam mo ang lahat lahat sa kanila.

Ngayon iba't ibang mukha. Iba't ibang ugali. Iba't ibang bilang. Iba't ibang emosyon ang mga nakikita ko sa mga taong dumadaan sa likod, harap at gilid ko pero ayos lang. Hindi ako nakakaramdam ng paninibago o pagkailang sa kanila.

Pakiramdam ko ay para akong nakulong sa isang kwarto sa mahabang panahon at ngayong nakalabas na ako ay ang dapat na paninibagong mararamdaman ko ay hindi ko maramdaman.

"We're here."

Si Kuya Suichiro iyan.

Nagtataka ba kayo?

Well, ako din eh nagtaka noong una. Kasi una ko siyang nakita bilang isa sa mga butler ng pamilya namin pero heto ngayon. Siya pala ang presidente ng kompanyang papasukan ko bilang vice president.

Isa ito sa mga kompanya ng Tito ko. Pinsan ko daw si Kuya Suichiro sa linya ni Mom. Omoyama rin kasi ang apelyido nito at ng nakababatang kapatid nito na si Akira.

Nagpanggap din pa lang maid si Akira noon. Pati iyong si Kuya Icen na pinsan naman namin sa ama. Ang gulo nga nila eh. Bakit pa nila ginawa iyon eh kabilang naman sila sa pamilya namin kaya ayos lang kung sumali sila sa amin.

"This will be your office. Do you like it?"

Si Akira ang nagtanong sa akin noon. Mas matanda lang daw ako sa kanya ng isa't kalahating taon.

Sinuri ko ang buong office. Malaki ito para sa akin. May sariling restroom at pantry. Ang floor to ceiling na glass window ay nakaharap sa may bay kaya magandang tumanaw doon.

Actually ang floor na ito, the 21st, ay sa aming dalawa lang ni Kuya Suichiro. Magkaharap din ang office namin. Glass lang din ang pinto at dingding na humaharang sa amin. Magkaharap din ang table namin kaya kapag nakaupo kami sa aming mga upuan ay para lang kaming malapit na magkaharap.

Geez. Parang ang hirap mag concentrate nito. Hindi naman ako ganoon kagaling pa. Nagsisimula pa lang ako. He is the president at base sa mga obserbasyon ko sa kanya ay istrikto siya pagdating sa trabaho at hindi mapagkakaila ang galing niya.

"lunch time!"

Napatingin kaming tatlo sa lalaking bagong dating na may dalang dalawang supot ng mga take-out foods.

Si Brian. Magkasing edad sila ni Onee-chan pero ayaw niyang magpatawag ng kuya. Ewannko ba sa kanya. Well, mukhang si Kuya Suichiro nga lang ang naaaliw na tinatawag na kuya eh.

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon