chap 68- his moves

596 15 1
                                    

ZEVI'S POV

"Paano ka nakatakas?"

-_-

"Tssh" sinamaan ko lang ng tingin ang tanong na iyon ni Mikura.

Sa totoo lang nahirapan ako. Nilagyan ko pa ng sleeping pills ung gatas ni Missa kanina para lang makasigurong makakaalis ako ngayon. Ingat na ingat pa ako para di niya mahalata yun.

Sorry, Sweetheart. Kailangan ko lang naman kasi talagang gawin to. Hindi naman pwedeng ikaw na lang lahat. Alam kong ikaw talaga ang pinakabida dito pero hayaan mo namang sumikat din ako kahit papaano.(^_<) wink yan. (N/A: hahaha)

Nandito kami ngayon sa isang mansyon ng isang Governor. Nakatago kami sa mga puno para abangan ang katatagpuin nilang kapalitan ng mga droga.

Ang mission namin. Patayin ang mga sindikato pati ang mga alagad ni Gov. At kunin ang mga droga.

Simple lang.

Ang kailangan lang naman naming gawin ay i-video ang magaganap na transaction. Para kapag kumalat na ang balita ng mga bangkay nila. Ilalabas namin ito at iisipin ng mga tao na nagkaalitan lamang sila dahil sa palitan.

Anong benefit sa amin? Simple lang. Ang ipakita sa kanila na hindi kami takot sa kanila. Na hindi nila kami mapapaikot at hindi nila kami maiisahan.

Underworld is our world. Hindi nila pwedeng gawing palaruan ito. Wala silang lugar dito. Isa lang naman yan talaga eh. Pili ka. Sa panig ng batas o hindi.

At sila, isang pagkakamali lang tatatak na sa isip ng mga tao. Kami? Oo meron kaming malalaking mga negosyo. Pero hindi kami na ngangako sa ibang tao na gagawa kami ng tama at paglilingkuran sila.

Magiging masama tingin nila sa amin? That's ok. Para sa akin ang tingin ko sa bawat tao. Pantay. Walang masama o mabuti. Ang tingin ko lahat may kasalanan. Maliit o malaking kasalanan man.

Wala ring estado. Wala kung sino ang pinakamatalino. Dahil lahat ay mamamatay kapag nagutom. At hindi na makahinga.

Well, unlike itong dalawang kasama ko. -_-

Life for me is survival. Patagalan mabuhay. Kesyo mahirap ka man o mayaman. Ikaw ang panalo kung ikaw ang pinakamatagal na mabubuhay.

Hindi ako kung sinoman para pumutol ng buhay ng isang tao. Because, just like what i've said. Life for me is survival. We are all predators. The one who'll die will be the prey. The world is our hunting ground. And tonight, i'll make sure that i'll be the predator.

"They're coming in." Sabi ni Vincent mula sa earpiece na suot ko.

Di kalayuan sa pwesto ko ay may dalawang itim na suv ang pumapasok sa gate ng mansyon.

Agad na kinuha ni Mikura iyong plate number nung mga sasakyan at agad niyang hinanap kung kanino ang mga iyon.

"Giovanni Castellazo." Kunot noong sabi ni Mikura.

Castellazos. Isa isa sa mga tahimik na mafia sa underworld. Wala silang pakialam sa mga away. Pera lamang ang kailangan nila. They can kill kung iyon ang utos. Pero lahat sila mapapasunod mo lamang gamit ang pera.

Masasabi kong isa sila sa mga kasundo namin. But not tonight. I need to kill some of them.

"Let's move."

Tanging sabi ko ng makapasok na iyong mga suv at maisara na iyong gate.

Napag-aralan na namin ang blueprint ng buong mansyon at alam din namin kung saan nakapwesto ang mga CCTV cameras. Isa pa, si Vincent na ang bahala sa mga iyon. Mikura and I will do the work at bahala na siyang magtago ng mga ebidensiya namin.

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon