chap 42- huuwwat?!

1.1K 53 2
                                    

MIKURA'S POV

Hay... Hanu ba naman itong si tanda! Bakit ko ba kailangang makinig pa sa mga paguusap ng kachikahan niya?!

Eh ano naman sa akin kung anong pagtsitsismisan nila ng mga bisita niya? Hindi naman ako interisado sa mga tsismis hay!!!

Eh kung naglaro at gumala na lang kami ni Babyboo e di mas masaya pa?! Sina Missa naman nasa isang bahay ampunan naman ngayon. At ako heto... Hay...

Kung iniisip ninyo kung nasaan ako. Nandito ako sa computer room ni tanda. May mga ininstall si Babyboo kahapon na mic at camera sa study room ni tanda para sa panonood kong ito ngayon.

Asan si Babyboo? Wala. Inutusan ni tanda kaya mas naiinis ako! Panira talaga minsan itong si tanda sa lovelife eh!gggrr!

Dumukot ulit ako ng pretzel stick at sinubo iyon. Ang tagal naman kasi nakakagutom!

Natigil ako sa paunti unting pagkagat ng pretzel stick ng magbukas iyong pinto ng study.

Yosh! Eto na!

Galing talaga ni Babyboo! Kitang kita ko iyong mga mukha nila at malinaw ang naririnig kong mga boses.

Pagkaupo nila ay nagtitigan muna si tanda at ung bisita niya.

Pansin ko lang ha. Wala akong nakikitang pagtataka doon sa mukha noong bisita ni tanda. Magkakilala na ba talaga sila noon pa? O tinatago niya lang?

Pero hindi eh. Dapat kung ngayon pa lang sila nagkita dapat magtataka siya kay tanda. Pero wala eh.

Alam ba to ni Missa? At ako lang ang hindi nakakaalam?

Nah. Hindi alam ni Missa to.

"So? What do you want to do now? Sa nakikita ko you're confuse. You know they care for you. That's why you're confused." sabi ni tanda.

Napakagat kagat ulit ako sa pretzel ko habang hinihintay iyong pagsagot noong bisita niya.
Bumuntong hininga si bisita at napahilamos ng kamay sa mukha.

"No, I'm not confused! I still want to kill her." diretso at seryosong sabi ni bisita kay tanda.

Napadukot ako sa pretzel ko ng hindi tumitingin kasi ayaw kong may ma-miss akong eksena at reaksyon nila.

Napabuntong hininga si tanda. Hindi halata pero kita kong disappointed siya.

Sus! Ano namang bago doon eh matagal naman na niya kaming gustong pa-

"so, nakakaalala ka na nga. Or should i say, itinigil mo na ang pag inom mo ng 'vitamins' mo?" nang uuyam na sabi ni tanda.

"Yeah." simpleng tumango lang iyong bisita.

Tsk! Sabing wag kakalimutang uminom ng vitamins eh!

"But i can't let you kill her." sabi ni tanda at for the first time gusto ko siyang i-hug!

"I know. Pero buo na ang desisyon ko. Pinatay niya ng ina niya ang mama ko. At ngayon, inalis niya ang alaala ko at niloko ako. Para ano? Para pagtakpan ang kasalanan ng magulang niya?" galit na sabi ni bisita.

Whew. Tameme ako doon ah. Pero hindi naman eh. Ginagawa niya lang ito dahil gusto niyang protektahan ang mga taong mahahalaga sa kanya hindi para takasan ang kasalanan ng mommy niya sayo.

At sa totoo lang. Wala naman siyang kasalanan sayo eh. Pero dahil mahal niya ang mommy niya at siya ang gusto mong magbayad inilagay niya na sa kamay mo ang buhay niya. Ang gusto niya lang naman ay kaunting panahon lang. Kapag nasiguro niyang wala ng nagbabadyang panganib sa buhay ng mga taong mahal niya.

"Your mom. She's not your real mom." sabi ni tanda.

"Yeah. But i really love her like my real mom. Namatay ang tunay kong ina sa panganganak sa bunsong kapatid ko. Hindi ko nakilala ng personal ang tunay kong ina dahil kinidnap ako noong dalawang buwang sanggol pa lamang ako. Iyon ang sabi ng mama kong nagpalaki sa akin."

Tumango tango si tanda na parang siguradong sigurado siyang iyon nga ang totoong nangyari.

"Tama iyon. Dahil iniligtas ka ng mama mong nagpalaki sayo noong i-ambush ang sasakyan ng tunay mong ina. 'Please, save my son. Take care of him.' That's what your real mom said bago ka itinakas ng mama mong nagpalaki sa'yo."

Parehas kami noong bisita na napakunot noo.

"Your mom who took care of you. Isa siya sa mga nang-ambush sa totoo mong ina. Her task is to kill your mom. Pero hindi niya ginawa. Dahil nakita ka niya. The mission is failed. Nabangga lang ang kotseng sinasakyan ninyo at nakatamo lang ng injuries ang tunay mong ina. Walang nakakaalam sa existence mo kaya itinakas ka ng mama mo. She risk her life. Pinaghahanap siya ng mga kasamahan niya para patayin. She changed her life. Pinili niyang alagaan at palakihin ka. She's a good person. She loves you like her real son. Kaya ka niya pinrotektahan kahit buhay niya ang kapalit. Ngayon, gusto mo bang masayang ang buhay niyang inialay para maligtas ka? Sa tingin mo ba sasaya siya sa mga ginagawa mo ngayon?"

Gulong gulo ako. Pero ni hindi ako makapagkomento.

"Ibabalik ka na niya sa tunay mong pamilya noon. Dahil hindi na niya kayang magtago pa. At kapag natagpuan siya ng kanyang mga dating kasamahan ay pati ikaw ay papatayin nila. She wanted you to live. Mamuhay ng masaya. Kapiling ang tunay mong pamilya. Alam niyang mas mapoprotektahan ka ng pamilya mo kesa sa proteksyong maibibigay niya. She wants everything best for you. At sinasayang mo ang buhay niyang inalay para sayo dahil sa gusto mong gawin."

Hindi ako sure pero ramdam ko ang sakit sa boses ni tanda habang sinasabi niya iyon. Pero bakit naman? At bakit niya ba alam ang mga iyan?

"How. How did you know all this?" tanong noong bisita.

Bumuntong hininga si tanda at saka ngumiti ng mapait. This time sigurado na akong nasasaktan siya. Kitang kita ko iyon sa mga mata niya. Para siyang may naaalala na napakahalagang nawala sa kanya.

"Because, Agatha, your mama, is my wife."

Omygod! Napahigit ko ng hininga ko at napatakip ako ng kamay sa bibig ko dahil sa pagsinghap ko. Sobrang laki din ng mga mata ko dahil gulat na gulat talaga ako!

Si tanda?! Nagkaasawa?! Paano?! Kailan?! Bakit walang nakakaalam?!

Sh*t! Kaya ba niya ginagawa kay Missa ang lahat ng ito dahil dito?!

"Kung ganoon bakit?! Bakit mo ako pinipigilan?! Hindi ka ba nagagalit dahil nawalan ka ng asawa?! Dapat tinutulungan mo ako! Pero hindi eh! Pinoprotektahan mo sila! Itong larong ito?! Ginagawa mo lang ito dahil gusto mo silang protektahan hindi ba?!" galit na galit na sabi noong bisita at saka tumayo at naglakad paalis.

Napabuntong hininga si tanda at tinignan iyong papaalis niyang bisita. Tinawag niya ito kaya napatigil ito sa pagbubukas ng seradura ng pinto ng study.

"Jun... Alam kong alam mo kung bakit hindi ko magawang magalit. Aksidente ang lahat. Ngayong bumalik na ang mga alaala mo. Alam kong alam mong hindi sila normal. Biktima rin sila. At isa pa, kadugo mo sila. Pamilya mo sila. She's willing to die dahil iyon ang gusto mo. You know that. And she doesn't deserve that. Maraming taong may karapatang patayin siya. Pero hindi ikaw. Wala kang karapatan para ilagay sa mga kamay mo ang buhay niya."

Pagkatapos noon ay tuluyan ng umalis si Jun.

Pakiramdam ko ay lumaki ang utak ko kaya napasandal ako dito sa swivel chair na kinauupuan ko.

Hay... Pretzel.. Kailangan kong ngumuya ng pretzel dahil hindi pa ito tapos. After 30 mins ay dadating naman iyong isa pang bisita ni tanda at ano naman kaya ang malalaman kong ikakasakit din ng utak ko?

Sa totoo lang ay sa kanya ako mas naku-curious. Like duh?! Bakit siya?!

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon