chap 59- just love

1.1K 30 1
                                    

THIS CHAP IS DEDICATED TO:

GenuineLove_006

Hi! Hi! Hi! Sorry na late! Hehehe
Kamusta? Ok ka lang? Boboto ka na ba? Sinong Presidente mo? Hahaha charot lang! Thank you ng marami! At ang patuloy kong prayer ay ung wag kang magsasawa sa story. At wag KAYONG magsasawa sa story. Hehe

I know. Maraming flaws ang gawa ko. Ang informal at more than 48 yeas bago ako nakaka update. Sorry na... Hehe pampam.

Pero gagawin ko ang makakaya ko para masatisfy ko kayo. Sana. Sana. Kaya enjoy!

Thanks ulit sayo! At sa inyo! Take care and lablats!!

From your very beautiful,
(pls lang wag na kayong umangal jan. This is a free country! Freedom of speech! Wala naman akong natatapakan at nasasaktang tao jan. Kaya pls lang.. Wala ng aangal ha? hehehe)
Author

MISSA'S POV

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay hindi ko alam kung ano ang una kong maaramdaman.

Kanina pa ako inis na inis dahil gabing gabi wala pa sila Zsvi at Zero! Ang bata bata pa ng anak namin pero tinuturuan na niyang magpagabi ng uwi!

Tapos tumatawag ako. Hindi pa sinasagot! Hindi ba niya naisip na nagaalala ako?! Hindi man lang magawa ni Zevi na tumawag o mag text kung nasaang lupalop ba sila ng mundo!

At ngayon! Ano itong hitsura nila na umuwi! Ano napagtripan ba nilang maglaro sa lupa kaya ng dungis dungis nila?! Well, hindi naman ganoon kadungis si Zero. Malinis nga siya eh. Maliban sa konting mga mantsa sa damit niya. Itong si Zevi ang madungis at-

Dugo?!

Mabilis kong kinalma ang sarili ko ng makita ko ang benda niya sa braso. Biglang dumagsa ang kaba sa dibdib ko pero naiinis pa rin ako.

Kung nasa kapahamakan na pala sila bakit hindi man lang niya nagawang tumawag o ano?! Alam kong kay niyang protektahan ang anak namin pero-

"Pumasok na kayong dalawa sa loob." monotone kong utos kay Zevi dahil naaawa na ako sa anak ko na pinipilit na lang imulat ang mga mata niya. Ni hindi niya na nga ako nagawang batiin. Ganyan kasi talaga yan. Hindi nakakatulog kapag karga.

"A-Ahm, Missa. Una na ako."

Bago makalagpas sa akin si Zsvi ay lumingon pa siya kay Jace na nasa likod niya. Hindi ko siya napansin kanina dahil ang buong atensyon ko ay nasa mag ama ko.

Nagtanguan silang dalawa at nagpasalamat si Zevi sa kanya. Tumingin din sa akin si Jace at tumango ako sa kanya. Sumaludo naman siya sa akin bago tumalikod at naglakad papunta sa kotse niya.

Doon ko lang napansin na walang kotseng dala si Zevi pag uwi.

Tumuloy sa pagpasok si Zevi karga pa rin si Zero papunta sa kwarto namin. Alam kong alam niyang hindi pa kami tapos magusap pero bago kami ang lagi minan naming uunahin ay ang kalagayan ng anak namin.

Agad kong isinarado ang pinto at inilock iyon ng maayos. Alam kong pagod si Zevi at masakit ang katawan. Pamilya na kami ngayon at kailangan ko ng gampanan ang pagiging ilaw ng tahanan.

Mabilis akong sumunod ng sa kanila sa kwarto. Inilapag niya si Zero sa kama namin at ako naman ay dumiretso sabanyo namin.

Agad akong kumuha ng maliit na planggana at malinis na face towel. Nilagyan ko iyon ng luke warm na tubig para mapunasan ko si Zero.

Agad akong lumabas at naabutan ko si Zevi na inaalisan na ng damit si Zero sa tabi nila ay nakahanda na ang mga damit pantulog, diappers at powder ni Zero.

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon