chap 64- dream

835 31 0
                                    

ELENA'S POV

"Goodnight mahal ko... lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita!!!! Hindi lang basta mahal. At hindi lang basta mahal na mahal. Kundi madaming madaming mahal!  Sweetdreams! Dream of me! Hearts. Hugs. And kisses!"

Imbis na mapangiwi ako at mapairap na siyang natural kong reaction kapag may natatanggap akong ganitong mensahe kay Jace ay iba ang ginagawa ko ngayon. I'm smilling because of his silly message. Yeah. Like a fool. But i don't mind.

I don't know why. And i find it very weird. But it felt right. It felt that my reaction to his message is just right. I'm smilling because i'm happy. I'm happy beacuse of what the message says. I'm happy that Jace said that message to me.

Noon, ayoko sa kanya. Hell! Anong noon ayaw ko sa kanya?! I still don't like him now! Geez! Don't you dare Lena! Ugh!!!

Ayoko na! Inaantok lang siguro ako. Matutulog na lang ako! Tama. Tulog lang kailangan ko.

Inayos ko ang sarili ko pati na rin ang comforter ko at pumikit. Makakatulog din ako. Kahit mukha ni Jace ang nakikita ko kahit nakapikit ako. Makakatulog din ako. Tiwala lang Lena. Tulog lang ang kailangan mo.

Ang ganda ng paligid. Ang tahimik. Ang payapa.

Hindi ko alam kung nasaan ako pero gusto ko dito. Ramdam kong ligtas ako. Kailan na ba noong wala akong ibang iniisip kundi ang laruan kong barbie? Ang tsokolateng paborito ko. At ang pag aabang ko sa cartoon na paborito ko.

Mga bagay na ginagawa ng isang normal na bata sa isang normal na araw.

At ang lugar na ito. Pinaparamdam nito ang mga iyon sa akin. Ang banayad na ihip ng hangin. Ang huni ng mga ibon. Ang ingay ng mga dahon sa punong hinahangin. Ang liwanag ng araw na mas nagpapaganda sa lawa.

At ang mga ingay...

"Hahaha!"

"Dada! Ball!"

"Uwaahh!! Uwaahh!!"

"Hoy Kira! Bilisan mo! Ung gatas ni Kei!"

"Elena ko!!!"

Napangiti ako ng malaki. Nakaramdam ako ng panananbik na parang kanina ko pa hinihintay ang tinig na iyon para tawagin ako. Malakas at mabilis ang tibok ng aking puso pero sigurado akong hindi iyon dahil sa sobrang kaba o takot.

Masayang lumingon ako sa kaliwa ko kung saan ko narinig ang tinig na iyon.

"Ja-"

Nanginig at nanlamig ang buong katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko at ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko na kanina'y dahil sa saya ay napalitan ng takot.

Puno ng dugo ang paligid. Naaamoy ko pa ang lansa. Bangkay ng mga taong kanina lamang ay naririnig kong nagkakasiyahan. Paano nangyari ang mga ito sa kanila? Sino ang gumawa nito sa kanila? Impossible.

Pero mas nakapagtataka ay bakit biglang nagbabago ang nararamdaman ko? Bakit sa tingin ko ay napakaganda ng tanawin ng mga bangkay nilang napapalibutan ng mga dugo nila. Nababanguhan na ako sa amoy ng kanilang mga dugo.

"Ele...na... tama.. na..."

Nakaramdam ako ng malamig at malagkit na humawak sa kanang paa ko.

Tinignan ko iyon at patang nadurog ang puso ko.

Kamay iyon ni Jace na puno ng kanyang dugo. Nakadapa siya sa sahig at may dugo din sa ilang parte ng katawan niya. Nasasaktan ako sa nakikita kong paghihirap niya. Nagmamakaawa ang mga mata niya sa akin pero hindi ko maintindihan kung bakit. 

Hindi ako makapagsalita. Nasasaktan ako at nanghihina ako sa nakikita kong kalagayan niya.

Nawalan siya ng malay at agad akong yumuko para sana ay hawakan siya pero napahinto ako ng makita kong puno ng dugo ang bistidang suot ko. Maging ang dalawang kamay ko.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may masakit ba sa akin pero wala akong maramdaman.

Tinitigan ko ang mga palad kong punong puno ng dugo. Walang masakit sa akin. Pero bakit puno ako ng dugo? Ako na lang ba ang hindi nasasaktan ng taong gumawa ng mga ito sa kanila? Kanino bang dugo ang mga nakadikit sa katawan ko? Sa akin ba? O sa kanila?

Naguguluhan ako pero may isa na namang bagong damdamin ang nararamdaman ko. Kulang. Nakukulangan pa ako sa mga dugong nakikita ko. Gusto ko pa. Gusto ko pang makakita ng dugo.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako. Pero hindi sa tubig. Pakiramdam ko ay may hinahanap pa ako.

Tumingin ulit ako kay Jace. Nakapikit ang kanyang mga mata. Dinama ko ang pulso niya sa kanyang leeg. Tumitibok pa iyon ngunit mahina na.

Dumiin ang mga kuko ko sa balat niya.

Wag! Wag!

Iyon ang sinisigaw ng isip ko pero iba ang ginagawa ng katawan ko. At hindi ko iyon mapigilan.

May kaunti ng dugo ang lumabas sa balat ni Jace sa leeg dahil sa diin ng mga kuko ko ng biglang may tumulak sa akin ng malakas. Napabitaw ako at napatingin sa kung sino man ang tumulak sa akin.

"Tama na!!!" Umiiyak na sigaw niya sa akin.

Hindi ako makagalaw at nakatitig lang ako sa mukha niyang punong puno ng luha.

Ako iyon. Ako iyong babaeng umiiyak. Bakit? Bakit ko nakikita ang sarili ko? Bakit-

"Lena!"

"Lena! Gumising ka!"

Nakaramdam ako ng pag alog ng katawan ko kaya napamulat akong bigla. Tumambad sa akin ang mukha ng kuya ko na puno ng pagaalala.

Nanginginig ang katawan ko at hindi na iyon dahil sa pag alog niya sa akin. Ramdam ko ang pawis sa noo ko at ang pagpapawis ng mga palad ko. Hinawakan ni kuya ang magkabilang pisngi ko at may pinahid doon. Luha. Umiiyak ako.

"K-Kuya..." iyon lamang ang kaya kong sabihin pero alam kong sapat na iyon para malaman niyang humihingi ako ng tulong sa kanya.

Agad niya akong niyakap pinatahan.

"Tama na Lena. Nandito ang kuya. Hindi kita iiwan. Panaginip lamang iyon. Isang masamang panaginip. Tahan na."

Panaginip. Tama si kuya. Isa lamang iyong masamang panaginip. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nga imaheng nakita ko. Mga bangkay. Si Jace. Mga dugo.

Nanlalamig pa rin ako dahil paulit ulit silang nag faflashback sa isip ko. Pero tulad ng sabi ni kuya. Panaginip lamang ang mga iyon.

"Ssshhh... tahan na Lena. Nandito ang kuya. Everything is going to be okay."

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon