chap 35- payback time

1.5K 54 0
                                    

MISSA'S POV

"Are you ready?"

Tumango lang ako sa tanong na iyon ni Zevi.

Nandito kaming dalawa ngayon sa harap ng mansiyon ni Walles. Hindi na namin pinasama iyong iba para may mag aasikaso kina Kira.

Nasa hospital na sila at kasalukuyang sinasalinan na daw ng dugo. Wala naman daw natamaang vital organs sa kanila at dahil lang sa dami ng nawalang dugo sa katawan kaya sila nawalan ng malay.

Alam ko na iyon. Nakita ko rin naman kanina ang mga tama nila sa katawan.

"Good. Be careful ok?"

Tumango ulit ako sa kanya. Ilalagay ko na sana iyong mask ko nang pigilan niya ang kamay ko kaya kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya nang nagtatanong.

*tsup!*

"I love you, Sweetheart." malawak ang ngisi niyang sabi.

Parang bulang nawala ang inis ko at ngayon alam kong namumula na ang mukha ko hindi na dahil sa inis kundi sa hiya.

"I-I love you, too."

Nagningning ang mga mata ni Zevi saka ako ulit hinalikan sa labi pagkatapos ay siya na ang nag ayos ng mask ko.

Ipinilig pilig ko ang ulo ko dahil parang nawawala na ang rason kung bakit kami nandito. Geez. Sa susunod siguro hindi na dapat kami magkasama ni Zevi sa isang mission. Dapat hindi na kami mag ka team kasi parang mas nanaisin ko na lang na magtitigan kami buong maghapon kahit umuulan ng bala ang paligid namin eh.

Tsk. Tsk. Focus! I need to focus! Iyong madalas kong sabihin kay Tristan noon ay dapat sa sarili ko na dapat pinapaalala.

Madilim ang paligid namin dahil magkakalayo ang mga bahay sa subdivision na ito. Good thing na rin iyon para kung sakali less audience.

Pinigilan ako ni Zevi na maunang maglakad papunta at sa malaking gate at siya ang nagpunta doon.

Tatlo lang naman ang guard doon pero may mga CCTV sa paligid. Wala naman nang problema sa mga CCTV dahil na i-freeze na namin ang mga iyon kanina.

Maingat at mabilis ang galaw na hinatak niya sa dilim iyong unang guard na nalapitan niya at saka ito malakas na hinampas ng baril na hawak niya sa batok. Hinayaan niyang mahulog na lang iyong katawan noong guard sa sahig basta kaya nakalikha iyon ng ingay.

Tss. Wala talagang pakialam ang isang ito sa ibang tao. Di man lang naawa. Pag siya minulto ni kuya hindi ko talaga siya lalapitan! Nakakatakot kaya yun!

Naalarma iyong dalawang guard na pinakamalapit sa gate at agad na nagkasa ng mga baril.

Napasipol ako ng mabilis na nilapitan ni Zevi ang dalawa at agad na pinatumba. Ang isa ay tulad kanina na hinampas niya ng malakas sa batok at ang isa naman ay binalian niya ng leeg.

Sabi ko na nga ba. Magaling si Zevi. Ang bilis niya ay maihahanay sa bilis namin ni Raijin. Nakapanood na ako ng video ng galaw niya noong baguhan pa lang siya bago ko sila pinalaban sa grupo ni Raijin at masasabi kong ang layo ng agwat ng galing niya sa ibang D.E. Hindi siya katulad nila Gale makipaglaban na parang may pattern. May specialtist.

When he fight. He's reckless. Pero siguradong lahat ng kalaban niya ay mapapatumba niya. At dahil din wala siyang specialty ay kahit anong weapon ay nagagamit niya. Kahit hindi niya nga actually alam gamitin ay nagagamit niya.

Ngayon ko nasiguro ang hinala ko noon na hindi sila natalo kina Raijin. Nagpatalo siya.

Nang mabuksan na niya iyong gate ay naglakad na ako palapit sa kanya. Tinulak niya pabukas iyong gate at nagbow sa akin habang iminumwestra ang palad niya na mauna na akong pumasok.

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon