chap 70- a life

431 12 4
                                    

JACE'S POV

"Waaahhhhh...." ang tagal naman ni pag-ibig.

Hihihi! Yes! May date kami ng aking Elena. Mainggit kayooooo!!!^____^

Nandito ako sa isang cafe kung saan niya sinabing magkita kami. 2pm ang usapan namin at 1pm pa lang. Syempre kailangan mas maaga ang lalaki kesa sa babae. At ayokong paghintayin ang mahal ko mahirap na ang ganda ganda pa naman nun baka biglang ma hokage moves. Uso pa naman daw sa panahon ngayon ang mga feeling ninja. Ako lang dapat! Ninja kaya ako! Slight. Hohoho!

"Excuse me sir. Baka ho gusto niyo pang mag order?"

Tinignan ko si ateng Pamela ang pangalan ayon sa kanyang nameplate. Server siya dito sa cafe. Kanina pa nga yan pabalik balik sa pwesto ko tanong ng tanong kung anong gusto ko. Maagala sila sa customer. Iyon ang pansin ko.

"Coffee sir? And a donut?" Tanong niya.

"Sige. Isa pang coffee at donut. Thank you!" Sabi ko na lang sa kanya ng nakangiti. Aba! Mabait kaya ako. Hehe

"Okay, sir. Please wait," iyon lang ang sabi niya at alis na.

*Bbbzzzt...bzzzt...bzzzt!*

Telepono ko yan. May tumatawag.

Icen "the monkey" calling...

Hehehe ano kayang kailangan nitong unggoy na to?

"Bakit?" Tanong ko pag sagot ko sa tawag.

Wala ng hello hello hindi uso yan kapag sila ang kausap. Hahaha

"Asan ka ba? Bakit wala ka daw sa opisina mo? May kailangan ako sayo." Tanong niya pero mukhang balewala lang naman sa kanya yun kasi di naman siya naiirita.

"May date kami ng aking pag-ibig. Sinabi ko na yun sa secretary ko. At hindi mo naman sinabi na pupuntahan mo ako."

"2pm pa ang date mo."

"Oo nga. Pero kailangan mas maaga ako. Ayoko siyang paghintayin."

"Sabi ng sectretary mo 9am pa lang umalis ka na ng opisina mo para magpunta sa date mo! 10am pass ako nasa opisina mo."

Nakarinig ako ng mga tawanan sa background. -3- magkakasama sila na pinagtatawanan na naman ako. T_T

"Tssshhhh!!! Wag ka ngang na ngengealam!"-3-

"You're pouting right now, i know. You're gay."

Abat! Hinahamon talaga ako nitong si Icen ah!

"I'm not gay! Ang gwapo gwapo ko kaya. Ni wala ka nga sa kalingkingan ko. Alikabok lang kita. Hahaha!"

"Really? Wag ka daw magpapakita sa asawa ko. Hahaha!"

>_< ibang usapan na yun! Mga asawa pa naman nila puro mga amazona. Lahat sila magagaling lumaban. Buti na lang si Elena ko anghel. Though, anghel din si Missa kapag walang sanib. Uy! Chicklet lang yan! Wag niyo akong isusumbong. T_T

"Sus! Jan ka magaling magtago sa likod ng asawa mo!"

"At least ako may asawa."

Malakas na tawanan pa sa background ang narinig ko. Grabe talaga sila sa akin.=_=

"Tse!"

"Pssh. Gay!"

"Isa mo!"

"Yung bill mo bayaran mo ha. Sabi ng manager ko jan sa cafe nakaka tatlong kape at donut ka na daw. May order ka na naman, so, apat na kape at donut na yan."

Langya! Kanya pala to! Kaya pala pamilyar itong pangalan ng cafe na pinasukan ko kanina.

"Oo magbabayad ako! Mayaman kaya ako. Don't me."

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon