chap 72- love and despair

461 11 1
                                    

ELENA'S POV

"Kuya."

I know i shouldn't be in here right now. This is an important meeting.

Nandito ngayon lahat ng mga miyembro ng aming samahan. Kasama iyong mga naidagdag.

Inilibot ko ang paningin ko sa kanilang lahat na ngayon ay nakatingin sa akin dahil sa biglaan kong pagpasok sa kwartong ito.

I feel disgusted right now. Parang nakalimutan ko na kung bakit namin ginagawa ang mga mission namin.

Greed. Iyon na lang ang nakikita ko ngayon. Greed for money. Greed for power.

Apat na kilalang mga negosyante. Isang judge. Apat na mayor. Apat na congressman. Apat na governor. At tatlong senador.

Politics. Iyon ang naisip ng kapatid ko na magandang baraha para lumakas siya at maging napakaimpluwensya. Great idea. Now he can even control the president. Dahil utang nito sa kanya kung bakit ito ang nasa position ngayon.

Nagtagumpay naman siya. Ginamit niya ang pagiging sakim ng mga tao. Ang sabi nila kapag mayaman ka ay masama ka. Hindi lahat. Dahil hindi rin naman lahat ng mahirap mabuti.

Ngayon ko napagtanto. Nagiging masama tayo dahil sa ating kasakiman sa isang bagay.

Hindi sa kakaunti lang ang meron ang iba. Kundi dahil mas naghahangad sila lagi ng mas marami.

Parang ako ngayon. Naguguluhan ako sa ipinaglalaban ko. Hindi ko alam kung anong dapat piliin ko.

Ang alam ko lang. Gusto kong sumaya. Gusto kong tumawa. Gusto kong alagaan. Gusto kong magmahal. Gusto kong mahalin.

Pero sa sitwasyon ko ngayon. Paano?

"Lena." Tawag sa akin ni kuya.

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya.

Kuya, tama na.

Iyan ang gusto kong sabihin sa kanya. Tama na. Tumigil na siya. Walang magagawa ang paghihiganting ipinaglalaban niya. Aksidente ang lahat.

Hindi alam ni Missa na nakakulong kami sa ilalim ng mansyon. Tulad ng hindi alam ni kuya na matagal na kaming nakakulong doon ni mama.

Masakit ang nangyari na iyon lalo na't hindi nakaligtas si mama. Masakit an ako lang ang nakaligtas. Minsan naiisip ko sa sana si mama na alng ang nabuhay dahil hindi ko alam kung anong gawin. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman.

Masaya ako na dahil sa pagsabog ay nawala ang ama ni Kuya nagkulong at nagpahirap sa amin ni mama. Ang taong pumatay sa ama ko. Oo. Sa ina lang kami magkapatid ni kuya.

Hindi niya pa alam iyon noon dahil sa amin siya ni mama lumaki. Pinatay ng ama niya ang ama ko at naghirap kami. O mas tamang sabihin na pinahirap ng ama niya ang buhay namin.

Pero masyado na siyang nilalamon ng galit niya. Hindi na lang basta paghihiganti ang ginagawa niya. He's becoming a monster now.

*clap!* *clap!* *clap!*

Napalingon ako sa pinang galingan ng palakpak na iyon.

Senator Rodriguez. Sa lahat ay siya lang ang mukhang masayang masaya.

"Vermouth. Sa tingin ko ay alam mo na ngayon. You're a good girl, right? Always taking her vitamins? I am always wondering. You...As a... Killing Machine. Or! A killer doll. Hahaha!"

Hindi ko alam kung ano. Pero parang may bigla na lang napatid sa pasensya ko. Agad kong hinugot ang baril ko sa likod ko.

*bang!*

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon