chap 57- about the past

1.1K 40 3
                                    

I dedicate this chapter to:

@exosuho_lover

Hello hello sayo!! Waahhh!! Akala ko talaga iniwan mo na ako!! Huhuhu

Ibang acct lang pala na ang gamit mo. Hehehe lablats!! Heart heart!

At ayan. Nasayo na si Jace. Ako na nagpangalan di ka na kasi nakareply sa akin nung tinanong ko kung anong gusto mong ganing name eh. Hehe abang abang ka lang lalabas ka pa ulit sa ibang mga chaps. Kasali ka na sa main eh..wwiiiii!!! Peymus! Harhar sana magustuhan mo ang maging character mo hehehe

Take care sa inyong lahat!! Lablats!!!

Enjoy!

MISSA'S POV
(uy!! Miss niyo noh? Haha pampam si author)

"Hanggang ngayon ba wala pa rin tayong ideya kung sino ang leader nila?" tanong ni Reena habang ngumangata ng hilaw na manga at sinasawsaw sa suka.

"Bakit hindi natin tanungin si Devon mukhang close naman na sila ni Jun hindi ba?" tanong din ni Im-han na kumukuha din sa bowl ng manga at sa mayonnaise naman niya sinasawsaw.

Iyong mga tingin ng iba sa kanilang dalawa kanina pa hindi maipinta pero silang dalawa halatang sarap na sarap sa mga kinakain nila. Well, wala tayong magagawa. Naranasan rin naman nilang magulantang ang mundo noong naglilihi ako eh hahaha hindi nga lang nila nakikita minsan iyong mga kinakain ko kaya hindi nila napaghandaan ang mga ganitong bagay.

Si Zevi at Gale lang ang nakakaintindi ngayon sa sitwasyon nila Reena at Im-han. Si Tristan at Yvan naman halatang pilit na iniintindi. hahaha Pero sabagay ilang weeks na ring naglilihi iyang dalawa sanay na siguro yang dlawang yan maaarte lang talaga sila.

So back sa aming pinaguusapan.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Gale at Zevi. Kami lang kasi ang nakakaalam na si Devon ang kapatid ni Jane. Hindi din alam ni Jane dahil sa kagustuhan ni Devon. Ayaw na niyang mapahamak ulit ang kapatid niya. At kung nasa poder namin si Jane ay mas mapoprotektahan at mas magiging ligtas siya.

"waaahhhhh!!! Bububububu! Hihihi!" - Zero

"Yay! Bubububu! Hehehehe!" -Emjay

Magkasabay na pinunasan ni Gale at ng asawa ko sina Emjay at Zero na nasa taas ng conference table namin dito sa basement ng bahay ko.

"At ang nanalo ay si pareng Zero!" tuwang tuwa na sabi ni Icen.

Saan nanalo ang anak ko? Saan pa nga ba edi sa Battle of Bubbles na tinuro niya sa pinsan niyang si Emjay. Hahaha oo. Pagpapalobo ng laway!

"At dahil jan may kiss ang baby ko kay Dada!" very proud na sabi naman netong asawa ko at pinaliguan ng halik sa mukha si Zero na tumawa lang ng tumawa.

Hay... Napakagandang tanawin para sa inang katulad ko. Ang makitang masaya ang mag ama mo. Ang makitang masaya ang pamilya mo.

Masaya akong anging tama ang mag naging desisyon ko. Ang desisyong buoin ang pamilya ko. Dahil ng dumating si Zero sa amin. Pakiramdam ko ay mas naging kompleto ako.

"Syempre ako din proud sa Emjay ko. May kiss ka din kay Daddy!" di naman patatalo na sabi ni Gale at hinalikan din si Emjay na humagikgik.

Waaa... Ang sarap talaga sa pandinig ng tawa ng mga bata.

Noon boses ni Zevi ang pinakamaganda sa pandinig ko. Pero noong unang beses kong marinig ang iyak ni Zero matapos ko siyang ilabas mula sa sinapupunan ko. Naiyak ako. Naiyak ako sa saya at sa sobrang pagmamahal sa kanya. Naiyak ako dahil sa tinig niya na nagsasabi sa akin na buhay siya at makakasama ko na siya.

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon