chap 18- my name

2.4K 68 12
                                    

SOMEONE'S POV

"what's with tomorrow? What's wrong with today?as in, now."

Nagkibit balikat lang ako sa kanya at saka isinubo iyong piraso ng apple na binalatan ko.

"what's with complaining? What's wrong with just eat and eat? As in, munch munch."

Inirapan niya ako at saka ngumuya lang ng ngumuya.

Natawa ako sa inasal niya. They're different. Somehow. She's nice and childish. "She" is mean and childish. Different.

"Ah! Why don't we go there now? Ahm, later?" sabi niya ng nagniningning ang mga mata.

Iyon bang nakaisip siya ng paraan para masolusyonan ang global warming ng mundo.

"let's do it! Tayo na lang ang gumawa! Tutal wala naman tayong ginagawa ngayon. At tsaka excited na ako sa mga ganitong trabaho. Alam mo na, banat banat buto din."

Para namang maniniwala ako sa dahilan niyang iyan. Hay. Alam ko naman kung anong gusto niya kaya inip na inip na siya eh.

"Baka magalit siya. Hindi ba dapat ay stick to plan tayo?" sabi ko at saka siya sinubuan ulit.

"eh. Ang tagal tagal naman. Sayang ang oras." sabi niya habang ngumunguya at saka uminom ng hot chocolate niya.

At syempre to the rescue naman ako at magpupunas ng bibig niyang may mga chocolate sa gilid.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at nagpa-cute. Iyong nag pout siya at nag blink blink ng madami ang eyes. Beautiful eyes.

Tumitig lang ako sa kanya at nilalabanan ang pagsuko. Pero hindi siya nagpatalo at nag sad face siya at pinabagal ang pagblink ng eyes.

And there, taas white flag na ako. Hay.

Bumuntong hininga ako at saka tumango sa kanya.

Agad namang nagliwanag ang kanyang mga mata at ngumiti ng malaki. Napapalakpak pa nga siya eh.

"Yay! You're the best talaga!"

And my reward. A hug.

HER POV (not a name just "her")

Wahahaha! Eto na! Eto na ang pinakahihintay ko! Wooohhh!!!

Pagkahintong pagkahinto ng sasakyan namin ay agad ko ng hinawakan ang pinto sa gilid ko para buksan iyon at makababa na ako.

"hep! We're going to break the plan but we're going to give him a gift. For compensation. Am i clear?"

"hai!" sabi ko sa kanya na may kasamang tango.

Bumuntong hininga siya at saka may kinuha sa compartment nitong kotse niya.

"your mask."

Ay oo nga pala nalimutan ko. Hehe exhayted talaga kasi ako eh. Hihihi

Sinuot niya sa akin iyong mask ko at saka inayos iyong hood nitong jacket na suot ko.

Pagkatapos niya akong ayusan ay siya naman ang nagsuot ng mask niya.

"20 mins. Ok? That's the max. We'll meet here, ok?"

Tumango ako sa kanya.

Iyon kasi ang usapan namin. 20 mins ang max time ng mission naming ito. Magkahiwalay kami dahil siya ang bahala sa regalo namin at ako naman ang bahala sa rescue.

"ok. Let's go."

Tumango ulit ako sa kanya at ngumiti ng malaki. Napa iling pa siya ng makita niya ang ngiti ko pero di na nag komento.

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon