chap 3- meet- ing?

3.2K 112 9
                                    

ZEVI'S POV

Inikot ko ang aking paningin sa aking mga kasama. Katatapos lang naming panoorin ang aming plano sa aming mission mamayang gabi. Nandirito kami ngayon sa isa sa mga function room dito sa main head quartes ng The Dragon.

We are no longer the Elements of The Dragon's Empress. We are just now simply DRAGON ELEMENTS. Kumbaga kami iyong special forces ng The Dragon. Sa amin ang mga mahihirap na mission.

Hindi ko maiwasang hindi mainis sa mga nakikita ko sa kanila. Ako ang pinili nilang mamuno sa aming grupo pero kahit kailan ay hindi ko naramdaman ang kanilang respeto. Hindi ko rin alam kung bakit ako ang pinagkaisahan nila eh kung tutuusin ay pwede namang si Mikhail o kaya naman ay si Tristan. Pero ano nga ba ang pagbabago doon? Eh kahit noon pa naman ay hindi kami takot sa isa't isa dahil magkakaibigan kaming lahat. Pero iba ngayon. Iba ang mga nangyayari ngayon...at dahil iyon sa pagkawala niya.

Si Tristan at Reena. Oo, sila na. At kasali na rin sa amin si Reena at Im-han. Kanina pa naglalambingan yang dalawang yan. Nakayakap si Tristan mula sa likuran ni Reena habang sinusubuan naman ni Reena si Tristan ng piraso ng Chippy na kulay green. Iyong Garlic at Vinegar ang flavor.

Si Yvan at Im-han naman ay kanina pa nakatulala sa isa't isa. Oo. Sila na rin. At heto nga. Tulad ng laging nangyayari ay para na naman silang nasa sarili nilang mundo.

Si Brian at Aki. Kanina pa nag aasaran pero halata mo namang naglalambingan lang. Sila na rin. Obvious naman na gusto nila ang isa't isa noon pa.

Si Kira at si Shin. Si Shin ay galing sa grupo ni Raijin. Isa siya doon sa kambal na magaling sa Katana. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang kwento ng dalawang ito. Pero ang sabi nilang dalawa ay dahil sa isang online game na naging magkalaban sila.

Masakit sila sa mga matang tignan. Kasi oo. Nasasaktan ako. Naiinggit. Nagsisisi. Kung hindi lang nasa kasi naging matigas ang ulo ko noon. Pero nakalipas na iyon. Wala na akong magagawa. Ang kailangan kong gawin ngayon ay lumimot.

Nabaling ang atensyon ko kay Jace. Kanina pa kasi tunog ng tunog ang cp niya at kanina pa siya may kausap. Nakakaistorbo pero mukhang ako lang naman ang naiistorbo.

"Yes. Thank you." pagtatapos na sabi ni Jace sa kausap niya.

Base sa pagkakarinig ko sa usapan nila noong kausap niya ay nagpabook siya ng flight papuntang Malaysia.

Isa pa yan sa mga binago ng samahan namin. Ang iba na may gf ang laging magkasama sa bawat lakad. Ang iba naman na wala ay may sari sariling lakad din. Wala na iyong mga lakad namin noon na kami kami ang magkakasama.

Si Lucien. Kanina pa busy sa kanyang laptop. Siya lang ang halos hindi nagbago sa amin. Doon pa rin siya nakatira sa bahay niya kasama si Mr. Lee.

Si Mikhail. Tulog. Kanina pa siya tulog. Hindi ko siya magawang sitahin sa mga ikinikilos niya dahil alam kong wala akong karapatan. Kung noong unang pagkawala niya ay naging responsable si Mikhail ngayon ay naging bugnutin na siya. Pero nakikita ko naman na masaya siya kapag kasama niya ang kaniyang pamilya.

Sina Mr. Cross at si Empress. At si Jane. Si Jane ay isang ulila na nasagip namin na isang alila sa bahay noong isa sa mga naging mission namin. Alam kong mahal nila ang isa't isa. Halata naman eh.

Maayos naman parati ang mga mission namin kaya hindi ko rin magawang magreklamo sa kanila. Iyon na lang ang mahalaga.

Si Icen. Si Icen ang laging nagpapakita sa akin ng disgusto. Lagi siyang asar sa akin. At hindi ko siya masisisi. Pero hindi naman kami dumadating sa point na nagkakasakitan na kami physically. Para lang siyang batang nagtatampo sa akin.

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon