chap 47- the secret door

1.2K 47 3
                                    

Hello hello!!!!^_^

AC_Zain19 (appreciate ko masyado ang sinabi mong may et brain ako..masaya ako dun pramis!hehe)
JoaBR96 (aminin. Love mo rin ang P and F noh? Heheh apir tayo jan! Hehe)
SimpleMe100916 (okay lang na Fc tayo. Masaya nga un eh. That's okay. I-feel natin ang bawat isa! Hihi)
mittlescmerz (hi! Sobrang thank you kasi hanggang ngayon anjan ka pa rin para kila Missa! Lablats!^_^)

Syempre lablats din para sa inyong lahat!

At hello din sa'yo Juls!!! Nababasa mo ba ito? Hindi pa? Sige next taym mo na basahin para surprise diba! Nyahaha! Hello hello to you!

MISSA'S POV

"Missa-yah. Mian." napakunot noo ako sa sinabing iyon ni Jane.

Nakatutok kaming anim nila Lucien, Gale, Kira, Zevi at siya sa mga monitor ng mga laptops namin dahil sinusubaybayan namin ang mga ginagawa ni Shin at pati na rin ang mga tao sa buong hospital.

Kung iniisip ninyong wala pa kaming ginagawa pwes meron na. Hehe

Kagabi ay pumuslit sila Yvan, Jace, Brian, Tristan, Aki, Reena at Im-han sa hospital para lagyan ng mga hidden cameras iyong mga lugar na hindi namin nakikita. Naka-tap na rin naman kami sa mga cctv's ng hospital pero may mga areas kaming hindi nakikita.

Syempre iyong mga loob ng kwarto wala at kailangan na kailangan naming makita ang loob ng kwarto ni Lee Shi-hwan.

Sa totoo lang bata pa si Shi-hwan. Apat na taon lang ang tanda niya sa akin at dahil koreano siya ay mukhang bata pa talaga. Tipong nasa early twenties ganoon. Kung tatanggalin natin ang doctor's coat niya at ang suit niya at papalitan natin ng faded jeans at simpleng t-shirt. Voila! Student na siya ulit! Heheh

"Wae-yo?" tanong ko sa kanya. Napatingin din sila Zevi sa kanya.

May ibinigay sa akin si Jane na flashdrive at agad ko iyong isinaksak sa laptop ko.

Kuha ang video na iyon mula sa isang cctv sa hospital. Walang tao sa hallway pero mga labin limang segundo ay nakita ko si Shi-hwan na nakahospital coat habang may tulak tulak siyang babae na nakaupo sa wheelchair.

Isa ito sa mga cameras na in-install nila Brian noon.

Teka. Saan ba sila papunta?

Natapos iyong clip at sumunod naman ay iyong next na cctv camera nakatutok sa isa pang hallway na dadaanan nila Shi-hwan.

Inayos na ni Jane iyong mga clip paratuloy tuloy ang panonood ko.

Pagkatapos pa ng isang clip ay nakita ko na kung saan sila papunta.

Sa operating room.

Pero hindi ito iyong operating room ng hospital! Saan ito?

Nakita kong nagtaka na rin iyong babaeng nasa wheelchair at pumalag pero hindi siya pinapansin ni Shi-hwan at patuloy lang ito sa operating room.

Pumasok sila at walang nagawa iyong babae. What the heck?!

Nagiba ulit iyong clip pero same pa rin. Nakatutok pa rin iyong camera sa nakasaradong pinto ng operating room. Ang nagiba lang ay tumalon iyong oras. 30 munites.

May isang nurse na lalaki ang may tulaktulak na hospital bed at may nakatakip na puting tela pero halata namang walang nakasakay doon.

Saktong tumapad iyong kama sa pinto ay ang paglabas ni Shi-hwan at nanlaki ang mga mata ko dahil punong puno ng pulang dugo ang coat niya. May talsik pa sa mukha niya at tumutulo pa sa magkabilang kamay niya iyong mga dugo.

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon