chap 43- siblings

1.3K 50 10
                                    

MIKURA'S POV

"Why do you want to talk to me?"

Tanong noong pangalawang bisita ni tanda. Ako din eh un din ang tanong ko.

Hindi umimik si tanda at inabot lang iyong kapeng nasa center table.

Tss. Patagal pa itong si tanda eh.

Pagkatapos sumipsip ni tanda sa kape niya ay inilayo niya lang iyon ng kaunti sa mukha niya saka siya nagsalita.

"Why did you not kill her?" tanong ni tanda.

Hanu? Bakit? Sinong papatayin?! Enlighten me!!!aaarrgh!

"Out of range." sagot noong bisita no. 2

Out of range. Woooohh! Di ka lang kamo magaling!

Nagkibit balikat si tanda at ngumiti saka niya ibinaba na ulit iyong tasa ng kape niya sa center table.

"Out of range then." sabi ni tanda kahit kitang kita naman sa mukha niya na hindi siya naniniwala.

"Why are you doing this?" tanong ni bisita no. 2

Wah. Alam mo tanong ko rin yan eh!

"You like her. At alam mong hindi na rin pwede." sabi ni tanda.

Pustahan! Si Missa yun! Sabi na dapat pinutulan ko ng buhok si Missa eh!

Nagulat si bisita no. 2 sa sinabing iyon ni tanda. Siya naman ngayon ang nailang at sumimsim sa kape niya.

Suuus! Halata ka masyado!

Pagkatapos niyang sumimsim ng kape ay ibinalik niya iyon sa center table.

Tumikhim siya bago siya muling tumingin kay tanda at nagsalita.

"Yeah. Guess so. She's a good person. Madali siyang magustuhan. Pero tulad ng sabi mo. Hindi na nga pwede."

Hay. Gusto mo patayin ko si Zevi? May sama pa rin naman ako ng loob sa kanya sa pangaagaw sakin kay Missa. You know, alam kong isa si Zevi sa mga dahilan kaya pinilit ni Missa na makontrol ako.

"So? When are you planning to kill her?" tanong ni tanda.

Tumitig lang sa kanya si bisita no. 2 at ako naman ay nakatitig lang din kay bisita no.2.

"Someday." tanging sagot niya kay tanda.

Ngumisi si tanda at napatawa ng bahagya.

"Someday? O hindi mo kaya?" nang uuyam na sabi ni tanda.

"I am trained to kill her!" may bahid ng inis na sabi ni bisita no.2.

Tumango tango si tanda at binuksan iyong drawer na katabi niya. May kinuha siya doong brown envelope. Saka hinagis sa center table.

"Yeah. I know. Ironies of life." sabi ni tanda.

Napatingin si bisita no. 2 doon sa envelope at inutusan siya ni tanda na buksan iyon at tignan kung anong nasa loob. Sinunod naman niya si tanda at zinoom in ko naman iyong camera para makita ko kung ano ang mga iyon.

"It's their family picture." sabi ni bisita no. 2 sa family picture nila Missa noong nakabalik na ang mommy niya...namin? Hihi

"This is the detmective." sabi ni bisita no. 2 sa picture noong Travis.

Ililipat na sana ulit niyang pigilan siya ni tanda.

"Look closely. Sa bandang leeg niya." sabi ni tanda.

Pareho naming tinignan nang maigi ni bisita no. 2 iyong litrato ni Travis. Nilapit niya ang mukha niya ng kaunti ako naman ay mas zinoom ko iyong larawan.

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon