chap 65- her file

734 28 2
                                    

MISSA'S POV

Nandito ulit kaming lahat sa bahay. Simpleng get together lang. Isang linggo na rin kasi ang lumipas huling magkakasama kami.

Busy sina Zero at MJ sa paglalaro kay Kei na karga karga ni Shin. Hindi ko alam kung na cu-cutetan sila o na a amaze o binubully nila si Kei dahil kanina pa sila panay sundot at kurot kay Kei. Mabuti na nga lang at hindi siya umiiyak eh.

Sila nga lang dalawa ang nagiingay dahil kaming lahat at tahimik na nakatingin kay Jace na akala mo ay namatayan o nawalan ng boses ang isang ito.

But seriously, ngayon lang namin nakitang ganito kalungkot si Jace.

"Hindi pa ba kayo napapanisan ng laway?" Icen

Lahat kami ay napatingin kay Icen at sinamaan siya ng tingin. Alam kong wala siyang intensyong masama kaso parang kalokohan ang lumalabas sa siabi niya eh.

Nagtaas siya ng dalawang kamay at muling nanahimik na lang.

"Napapanis pala ang laway Sweety pie, Honey pie the apple of my eyes?"

Hindi ko alam kung alam ni Kira kung ano ang tamang volume ng pabulong na pagsasalita dahil kahit ganoon ang inakto niya ay narinig naman naming lahat.

"Aray naman! Baby pa lang anak ko. Kapag ako namatay sa hampas mo Bal kawawa siya!" Angal ni Kira habang hinihimas ang ulo na nasaktan dahil sa paghampas ni Reena.

"Anong kawawa?! Baka magpasalamat pa sa akin si Kei no! Baka nga bata pa lang siya magka wrinkles na siya dahil sa kunsimisyon sayo!" Reena

"Halla! Grabe siya oh!" Si Kira na parang nahurt talaga. >_<

Hays..

"Jace." Malumanay na tawag ko kay Jace.

Walang mangyayari sa aming lahat kung ganitong tameme lang kami. Well, iyong iba siguro ay wala naman talagang masabi. Pero ako, meron.

"Hmm?" Tanging sagot niya sa akin at di man lang ako tinignan.

Tsk. Tsk. Malala na to.

"I saw Elena yesterday." Bigla siyang napatingin sa akin at kita kong lahat nang atensyon niya ay napunta sa akin.

Ni hindi niya pinansin ang pagngisi at pag iling ng iba dahil sa naging reaksyon niya.

Jece is so whipped!

"Saan?anong oras? Sinong kasama niya? Anong ginagawa niya?" Sabay sabay niyang tanong sa akin.

Tumingin muna ako kay Zevi. Nakakunot noo siyang nakatitig sa akin.

Of course. Hindi naman kami lumabas ng bahay kahapon eh. Pero hindi ko na siya pinansin. Binalik ko ang tingin ko kay Jace at sinabi ko sa kanya kung saan ko nakita ni Elena.

"Sa bar? Bakit naman? Wala siyang trabaho the last time na magkasama kami. Don't tell me..."

"Maybe she's hanging out with hee friends. Maybe she's lonely and sad dahil wala pa rin siyang trabaho. And maybe that's why she's not contacting you because she doesn't want your help. You know." Parang balewala kong sagot sa kanya para magiba ang takbo ng isip niya.

Ilang segundo siyang nakatingin sa akin at kung hindi pa siya binato ng nilamukos na tissue paper ni Zevi sa mukha ay hindi pa siya magrereact sa mga sinabi ko.

"Owww..." tanging sabi niya habang may malaking ngiti sa labi.

" Thank you Missa!" Tumayo siya sa akin at lumapit. Yayakapin sana niya ako at hahalikan pero bago pa siya makalapit ay sinipa na siya ni Zevi.

"Oo na! Oo na! Ang damot mo!" Nagmumukmok na sabi ni Jace.

"Tss."  Zevi

"Hoy! Saan ka pupunta?!" Sigaw na tanong ni Yvan dahil hindi bumalik sa pagkakaupo si Jace at mabilis na umalis sa umpukan namin.

"Kay pag-ibig!!!" Sigaw ni Jace at ngayon halata na ang saya sa boses niya.

Napangiti ako ng bahagya. At least, he's happy.

"Aw... he's whipped." Nakangising iiling iling na sabi ni Aki.

"Yeah. He got that really, really bad." Sang ayong ni Tristan.

"Normal feelings when you meet your the one." Sabi ni Gail habang masuyong hinahaplos ang buhok ni Jane.

Phew! Of course, he's the same. All of them.

"I'm happy for him." Si Im-han.

"I'm not."

Napatingin silang lahat kay Jane ng may pagtataka.

Nagkibitbalikat si Jane at may kinuhang folder sa kanyang bag.

Nilapag niya iyon sa mesang nasa gitna naming lahat.

"What's this?" Si Shan at kinuha iyong folder sa lamesa.

"No way!" Si Tristan na naki silip sa nilalaman ng folder.

"Her reflex." Si Aki na nakangisi. Ang tinutukoy niya ay iyong noong nasa bar kami.

Yes alam kong napansin din nila iyong nangyaring iyon sa bar. But still, maybe, sadyang mabilis lang nag reflex niya. Pero ngayon. Heto na ang patunay namin na hindi lamang iyon simpleng bilis ng reflex.

Tumikhim si Zevi kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang paglunok niya dahil sa pag galaw ng adam's apple niya. Hindi rin siya mapakali sa kinauupuan niya at medyo dumistansiya sa akin. Nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang nag iwas ng tingin.

Hindi ko mapigilang mapangisi sa kinikilos niya. Ngayon alam na niyang alam ko kung sino ang nagtangka sa kanila ng anak namin.

Kapag bumabalik ang ala alang iyon sa akin. Ang hitsura nila nang pagbuksan ko sila ng pinto ng gabing iyon. Agad na kumukulo ang dugo ko at nangangati ang mga kamay ko na gantihan ang gumawa niyon sa kanila.

But then, there's Jace. Ang saya at pagmamahal na nakikita ko sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit napipigilan ko ang sarili ko. But i swear, kapag sinaktan din niya si Jace. I wouldn't think twice.

Nope. I wouldn't even think.

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon