Epilogue (3)

647 21 8
                                    


"What do you mean he's just being a friend?" Leon is scolding me. I just told him about what happened last week sa bahay ni Ate Iza.

"Didn't know I'm marupok."

He gave me a face.

"Okay did he call after that day?"

"No but he keeps updating me about his life. And he told me na babalik na siya sa New York in a few days."

"Ay so aalis nanaman? Duda na ko dyan. Ayoko na sunugin atay ko." The last time Troye left, buong weekend ata kami parating nasa inuman.

"Libreng inom naman."

"Wag mo isumbat yon, libreng inom pero yung alaga hindi libre."

Leon is actually the one na nag-aalaga sa buong tropahan kapag lasing. Minsan sinasama lang siya sa inuman para may magaalaga sa mga lasing.

I just rolled my eyes at inubos nalang ang Paotsin na kinakain ko. Simula College, Medschool at kahit ngayong Medical Intern na ko, Siomai rice pa rin ang kinakain ko. Doctor lang pero hindi sinabing healthy doctor.

After namin kumain, we went to buy coffee at bumalik na sa Ospital. I was sipping my coffee noong biglang tumigil sa paglalakad si Leon.

"Tangina naman. Hindi na ko sanay maging pekeng lalaki." Bulong niya. Sumimangot ako at tiningnan saan siya nakatingin.

"Luh." Yoon nalang talaga nasabi ko at hinila ko siya palakad sa ibang direksyon. Pero napakaliit ng biyas ko. Kulang nalang eh buhatin ako ni Leon.

Nakita namin si Troye na kausap si Doc Levi, kuya ni Leon. Heart surgeon. Matagal naman ng out si Leon bakit niya sinasabi na need niya magpanggap?

Noong safe na kami, sinimangutan ko siya.

"Bakit need mo magpanggap? Alam na ng Kuya mo diba?" Tanong ko.

"Oo pero si Troye hindi pa. Remember muntik na ko suntukin non dati." Pagpapaliwanag niya na kinatawa ko nang malakas. Hindi niya pa rin makalimutan na binuhat niya ko papasok ng condo at nandon si Troye, kinukuha na nga daw ako ni Troye pero sabi niya wag nalang at umalis na. Gatong pa daw yung guard na siya naghahatid sakin parati. Kung hindi raw niya ko bitbit, baka wala na siyang ilong.

Hindi naman ganon si Troye. OA lang talaga si Leon.

"Sus. Hayaan mo siya mag-assume."

"Sis, naalala mo nung nakita niya tayo nung college nagdinner tayo sa Intra. Namamawis na ko non kasi ang sama ng tingin niya sakin."

Tumawa lang ako at naglakad na. Nakasunod pa rin si Leon sakin at nagkkwento ng mga scary encounters nila ni Troye.

"Pero alam mo ano pinakamalala?"

"Ano?"

"Nung tinanong siya ni Kuya kung saan banda masakit pero ikaw tinuro niya tapos late niya sinabi na kaya ka niya tinuro eh dahil nalaglag ballpen mo. Eh hindi ka gumalaw non, Sis. Edi pinulot ko yung ballpen mo. Akala ko talaga papapatay na niya ko non."

"Sira ka."

"Buti nalang kamaganak ko may ari ng Ospital. Kung hindi baka pinatanggal ako niyang childhood love mo." Hindi pa rin siya tapos chumika.

"Ano feeling maging Zobelle?" Pangaasar ko sakanya. Ang pamilya ni Leon ay isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Halos buong pamilya ata nila ay mga doctor, sakanila rin ang Ospital na pinagttrabahuhan namin.

"Bye." Kita niyo na kapag sinumimulan mo na ang pagtatanong sa pamilya niya, bigla nalang siya mawawala. So kung rindi ka na sa chika niya, just ask bakit Zobelle ang surname niya.

Taste of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon