Kabanata 2
Sana
Lumuluha ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang lapida ni papa. It’s been fucking years since he left us for good. At sobrang sakit pa rin sa akin na tanggapin iyon. I love him, more that I love myself. Siya lang kasi ang pinaka-close ko sa kanilang dalawa. Kaya sobra akong nangungulila sa pagkawala niya. All I want to do is to ask God for another life for him.
Kung totoo lang sana si Jennie, baka matagal ko ng hiniling sa kanya na ibalik ang buhay ni papa. I really missed him so much. Yung tipong kapag naaalala ko ang mga tawanan namin, ang lambingan at ang lahat ng ginagawa namin, hindi ko mapigilan na umiyak sa lungkot at pangungulila. He is the man who never left me, ngayon lang niya ako iniwan…nung kinuha na siya ng Panginoon. I close my eyes, remembering my father’s memories.
“Aurea, gusto mong magbakasyon sa ibang bansa?” my father asked.
I smiled sweetly. It’s my fourteen years old and I just finished my junior high school.
“I want it, papa. Pero gusto ko kasama si mama.” nakanguso kong sagot.
He sighed heavily.
“You know that your mom is busy with her business, darling. Kaya siguradong hindi siya sasama kung sakaling umalis tayo.” malungkot niyang sabi.
Lumungkot din ang mukha ko. Ever since my father married mom, palagi na siyang walang oras sa amin. Ni hindi na nga namin siya makita sa bahay kapag sobrang busy sa kanyang business e. Kaya lumayo ang loob ko kay mama dahil isa rin iyon sa rason. She can’t give us a time, all she wants to do is to work and to be rich.
“Bakit ganoon si mama, pa? Wala na siyang oras para sa atin.” my voice is being sad.
“Darling, we have to understand your mother. Ganyan talaga ang buhay kapag may pamilya na. I know, she’s thinking about your future kaya todo kayod siya para sayo. I loved your mother for being responsible, kaya intindihin nalang natin siya.” sagot ni papa.
Napahinga ako ng malalim. I don’t know if I can understand her. Kailangan kong malaman kung bakit ginagawa niya ‘to? May trabaho naman si papa ah, may sariling negosyo kaya alam kong kayang-kaya niya akong bigyan ng magandang kinabukasan. Hindi naman na kailangan ni mama na magtayo at magkaroon ng sariling negosyo. There is something wrong, I can feel it!
“Okay. Let’s just go to Boracay, papa.”
Iyon ang napag-usapan namin ni papa bago ko naisipang pumunta sa office ni mama sa bahay namin. I want to ask her if she can come with us. Kaya ngayon ay malakas ang loob kong binuksan ang pinto ng office niya, napahinto nga lang dahil sa nabungaran kong pangyayari. Mom is kissing another guy in our house. Natuod ako habang pinagmamasdan ang kanilang labi na magkadikit animo’y uhaw na uhaw sa sarili. My tears formed and it so painful seeing my mother having an affair.
Nabitawan ko ang juice na hinanda para sa kanya, naging dahilan iyon para magtigil sila sa halikan at para humarap sa akin ang lalaking kahalikan niya. Mas lalo akong nagulat, hindi makapaniwalang nakikita si ninong na kumpare ni papa ang siyang kahalikan ni mama. My mouth open in shock, nataranta si mama ng mabilis akong tumalikod para umalis.
Oh shit! Si ninong? Yung kumpare ni papa? Siya? Siya yung kabit ni m-mama? How come? How come they fool my father? Mabilis nahawakan ni mama ang palapulsuhan ko kaya napatigil ako sa paglalakad, hinarap niya ako sa kanya ngunit hindi ko siya tinignan sa mga mata.
“Aurea…listen to me---”
Mabilis na tumilapon ang palad ko sa mukha niya. Tsaka ko palang siya tinignan sa kanyang mga mata. Walang tigil ang luha ko sa pagtulo habang bumabalik sa isipan ang pangyayari kanina.
BINABASA MO ANG
Villiones Series 1: His Forbidden Pleasure (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAng pag-ibig ay madaya sa larangan ng paglalaro. Ito'y mapusok, nakakapanghina ng loob. Ngunit masarap sa damdamin. Gaya ng pagmamahal, ang bawal ay masarap din kapag pinipili at ginagawa. Kaya kahit alam na bawal at ipinagbabawal ay ginawa pa rin...
