Kabanata 10
Hiding
Lumabas ako gamit ang galit na mukha. Hinarap ang lalaking walanghiyang sinaktan ang mama ko. He was still busy cooking when I neared him. Hinampas ko ang kanyang likod habang nanggigigil ako sa kanya. Walang tigil kong pinaghahampas ang kanyang katawan dahil sa galit na nararamdaman. Humarap siya sa akin na gulat sa ginagawa ko. Hinawakan niya ang dalawa kong braso habang umiigting ang panga.
“What is your problem?” takang-tanong niya.
Nag-aalab sa galit kong binawi ang kamay kaya nasampal ko siya ng malakas sa mukha. Humarap siya sa akin na madilim ang mga mata. Hinampas ko pa ang kanyang dibdib at balikat sa sobrang galit.
“Tangina mo! Manloloko ka! You lied to me! You lied to my mother! Fucking user!” I said madly.
Kumunot ang noo niya habang nagtataka sa mga pinagsasabi ko.
“What are you talking about, Aurea?” he asked.
“Manggagamit ka! Manloloko ka! Ano ah, tinuhog mo kaming mag-ina demonyo ka! Tanginang lalaki ka!” I shout at my lungs.
“What the hell? I don’t get you, Aurea! Hindi ako manloloko at hindi rin ako manggagamit! Wala akong ginagawang masama sa ‘yong ina!” sagot niya.
Inabot ko ang kutsilyo at tinutok sa kanya. He was shocked in my sudden moves. Nanginginig ang kamay ko habang nakatutok sa kanya ang matalim at mahabang kutsilyo.
“Damn it, Aurea! Are you out of your mind huh!?” he said shockingly.
“Papatayin kita! Niloko mo si mama tapos ngayon sa akin ka naman lalapit para ano? Para lokohin rin ako huh!” galit kong sabi.
He sighed.
“Hindi ko niloko ang mama mo, Aurea. She was the one who push me to the limit! I tried to stop her from being addicted playing the gamble but she didn’t listen to me.” sagot niya.
Umiling ako at hindi naniwala sa kanya. For sure, nagsisinungaling lang siya! He’s not telling the truth! He’s saying it to complicate my mind! Alam kong gagawa siya ng sariling kwento para guluhin ang isip ko. No! I will only believe my mother! Hindi ako maniniwala sa kanya! Wala siyang kwentang lalaki! Manggagamit! Manloloko!
“No! I won’t believe you! You are a fucking user! You just used my mother to take all her money and just waste it for nothing!” galit na galit kong sabi.
Umiling siya at sinubukang abutin ang kamay ko ngunit mabilis kong kinilos ang kamay kaya nasugutan ang kanyang braso. Umatras siya habang pumapatak ang dugo mula sa brasong nasugatan ko. Natigilan ako at nabigla, nanginginig kong nabitawan ang kutsilyo dahilan kung bakit siya nakalapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit, nanghihina ang katawan ko at unti-unti na akong nawawalan ng lakas. Mabilis na tumulo ang luha habang bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni mama.
“Wala akong ginawang masama, baby. I didn’t fool your mother. Siya ang dahilan kung bakit bumagsak ang sarili ngayon. She wastes the money in gambling and her vices, taking drug that makes me mad at her. I tried to stops her, pero ayaw niyang paawat kaya wala na akong nagawa sa kaadikan niya.” he explained.
Huminga ako ng malalim bago pumikit ang mga mata. Hindi namin napansin ang pagbukas ng pinto kaya ng humarap kaming dalawa doon, nagulat kami sa gulat na reaksyon ni mama. Nanlalaki ang kanyang mata habang titig na titig sa aming dalawa na magkayakapan. Humiwalay ako ngunit hindi ‘yun hinayaan ni Calem. Instead, mas lalo niya akong niyakap para ipakita kay mama na meron kaming relasyon at ako ang babaeng mahal niya.
Umiling-iling siya habang unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Umatras sanhi ng pagkakabagsak niya sa sahig.
“M-mom…”
BINABASA MO ANG
Villiones Series 1: His Forbidden Pleasure (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAng pag-ibig ay madaya sa larangan ng paglalaro. Ito'y mapusok, nakakapanghina ng loob. Ngunit masarap sa damdamin. Gaya ng pagmamahal, ang bawal ay masarap din kapag pinipili at ginagawa. Kaya kahit alam na bawal at ipinagbabawal ay ginawa pa rin...