Kabanata 18
Command
Pumasok ako sa umagang iyon, bitbit ang pangamba na baka mahalata na ni Calem ang tungkol sa mga anak namin. I know, he has the right to know about it! He is the father for sake, pero hindi ko naman pwedeng basta nalang ipaalam sa kanya ang tungkol sa kambal. Ayokong masaktan ang mga anak ko. Calem is ruthless! He is dangerous to my twins! Ayokong dumating ang panahon na masaktan niya ang anak ko.
Huminga ako ng malalim habang nakaupo sa swivel chair. Kaharap ang bundok na papel na pipirmahan ko para sa distribution ng funds. Damn it, nakalimutan kong gawin 'to kahapon dahil sa party na ginawa ng mga kaibigan ko. Ngayon hindi ko alam kung saan magsisimula. Para akong lutang sa harap ng mga papel, hindi ko alam ang uunahin. Pumasok si Klara na may ngisi sa labi.
"Good morning, Miss Aurea." she said.
Kumunot ang noo ko. Why is she smiling like that?
"Hmm, yes?" I said lazily.
She sighed.
"Mr. Toribio is on the lobby, waiting for you."
Nanlaki ang mga mata ko. What? Why is he here? Wala naman kaming usapan na pupunta siya dito huh! Anong gagawin niya dito? And for fuck hell…papunta rin dito ang kambal kasama ni Marguz! Oh fuck! Tinignan ko ang cellphone ng makitang umilaw iyon. Mabilis kong binasa ang text ni Marg.
Marguz:
On the way na kami. Excited ang mga bata sa date natin.
Nanginig ang kamay ko ng mabasa iyon. Shit! Hindi pwede 'to! Baka makita sila ni Calem dito! Fuck! Tinignan ko si Klara, nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.
"Are you okay, Miss?" she asked concernedly.
Umiling ako.
"No! Paalisin mo si Calem ngayon din! Sabihin mong wag na siyang pupunta dito! Shit!" galit kong sabi.
Nataranta siya ng makita ang galit ko. Tumayo ako mula sa swivel chair at naglakad papunta sa kanya.
"M-masusunod…miss," she said.
Hindi ko pinansin ang sagot niya. Palabas na kami ng office ko ng biglang tumunog ang cellphone sa ibabaw ng lamesa. Parang nag slow motion ang lahat ng mapagtantong baka si Marguz na iyon. Tinakbo ko ang lamesa at mabilis na kinuha ang cellphone. Sinagot ko ang tawag ng kaibigan.
"A, medyo matatagalan kami kasi tumirik ang kotse sa kalsada."
Napahinga ako ng malalim. Oh God, thank you! Akala ko tuluyan na niyang malalaman ang tungkol sa kambal e!
"It's okay. Ipaayos niyo muna ang sasakyan para hindi magka-aberya mamaya sa date."
She sighed.
"Oo. Damn, ang init dito! Therome faster!"
Rinig ko ang iritasyon sa boses ng kaibigan. Mainit pa naman sa labas dahil ilang oras nalang at tanghali na. Baka naiinitan din ang mga anak ko.
"Marguz, sumilong muna kayo sa mall."
"Oo. Wait…"
Hindi ko na narinig ang boses niya dahil naputol ang tawag. Napahinga ako ng malalim at umayos ng tayo. Napatingin ako kay Klara na ngayon ay nagtataka pa rin ang tingin sa akin. Oh God! Thank you! Muntik ng malaman ni Calem ang tungkol sa kambal. Mabuti nalang at nasira ang sasakyan sa kalsada! Hays, may mabuting naidudulot din pala ang pagkakasira ng mga sasakyan.
"What?" I rolled my eyes.
She sighed.
"You look tense and problematic, miss." she said honestly.
BINABASA MO ANG
Villiones Series 1: His Forbidden Pleasure (HANDSOMELY COMPLETED)
Roman d'amourAng pag-ibig ay madaya sa larangan ng paglalaro. Ito'y mapusok, nakakapanghina ng loob. Ngunit masarap sa damdamin. Gaya ng pagmamahal, ang bawal ay masarap din kapag pinipili at ginagawa. Kaya kahit alam na bawal at ipinagbabawal ay ginawa pa rin...