Kabanata 23

5.7K 112 4
                                    

Kabanata 23

Swear

“Ma, saan po tayo pupunta?”

Napabuntong-hininga ako sa tanong ni Clemson. Honestly, dulot ng pangamba at takot, nagawa kong mag-desisyon na lumuwas upang makita si Calem at malaman ang kanyang ginagawa sa Manila. Hindi manlang siya nagparamdam sa akin, kahit manlang text o tawag ay hindi niya nagawa. Bakit? Ano bang ginagawa niya doon? Bakit hindi manlang siyang tumawag sa akin?

Ganoon ba talaga ka-importante ang negosyo na kahit manlang magparamdam ay hindi niya nagawa? Ngayon, hindi pa rin kumakalma ang puso ko. Kung ano-ano na ang naiisip at nararamdaman ko. Naiisip kong baka nangaliwa na siya. Baka may ibang babae. Baka nakatagpo ng iba. O baka, naisip niyang hindi naman pala ako worth it na pakasalan.

Hindi mawala-wala ang kutob ko at takot. Gusto kong malaman kung ano ba ang ginagawa niya sa office niya.

“Pupuntahan natin si Daddy.” malamig kong sagot.

Kumunot ang noo ng anak ko. Iniisip niya siguro ang rason kung bakit kami pupunta sa Daddy niya.

“Bakit, Mom? May nangyari ba kay Daddy?” dagdag ni Cleya.

Umiling ako at ngumiti sa anak na babae.

“Walang nangyari sa Daddy niyo, pupuntahan lang natin siya upang kumustahin.” sagot ko.

Tumango sila at hindi na nagtanong. Nagpakuha kami kay Therome, gamit ang helicopter na pagmamay-ari nila. Maging ang pinsan ko ay nagtataka kung bakit kami umalis. Ang tanging sinabi ko lang ay gusto kong lumuwas. Mabuti nalang at hindi na sila nangulit ni Marguz. Wala akong maisasagot na tama dahil maging ako ay blangko pa rin ang nasa isip. Paano kung iba ang madatnan ko sa office niya?

Paano kung makita kong may iba siyang babae? Ano ang gagawin ko? Ano ang sasabihin ko? Ano ang magiging reaksyon ko? Hindi ko alam! Nadala lang ako ng kaba, pangamba at takot.

Malamig ang hangin ng lumapag sa plaza ng bahay nila Therome. Agad na lumapit sa amin ang pinsan ko ay kinuha si Cleya at Clemson. Niyakap agad sila ni Marguz. Inabot naman sa akin ni Therome ang kamay upang matulungan ako sa pagbaba. Bumuntonghininga ako at bumaba na sa helicopter. Ngumiti sa akin si Marguz.

“Hello, bes. Kumusta?” she asked.

Niyakap niya ako kaya medyo nawala ang nararamdaman kong kaba. Nang humiwalay siya, ngumiti ako.

“I’m fine, Marg.” mahina kong sagot.

She nodded.

“Sige, pumasok muna tayo sa bahay.” she said.

Sumama ako sa kanya, hawak ni Therome ang kambal. Nang pumasok kami sa bahay nila, napahinga ako ng malalim. Magpapahinga muna ako ng saglit bago pumunta sa office ni Calem. Ang huling update ni Klara sa akin ay nanatili siya sa kanyang office kaya doon ako pupunta.

“Ano ba talaga ang rason kung bakit kayo pumunta dito?” my friend asked me.

I nipped my lower lips. I should tell her the truth. Wala naman sigurong masama kung magsasabi ako sa kanya.

“It’s Calem. Hindi siya umuwi kagabi, sinabi niya sa akin na uuwi siya bago gumabi. No text, no call. I’m worried.” mahina kong sabi.

Tumango-tango siya bago ngumiti sa akin. Ang kambal ay kasama ni Therome. Kaming dalawa lang ang nasa sala.

“Baka sobrang busy lang talaga sa kanyang work? We don’t know? Tsaka alam ko kung saan-saan napupunta ‘yang isip mo, calm down and think properly. I trust Calem.” payo ni Marguz.

Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang nagiging reaksyon ko. Takot akong masaktan ulit. Takot akong may gawin siyang masama na ikagalit ko ulit. Hindi pa nga kami kasal, magkakaroon na naman ng kasalanan. Iyon ang iniisip ko talaga. I will be honest. Ayokong tanggalin sa isip ang laman talaga no’n.

Villiones Series 1: His Forbidden Pleasure (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon