Chapter 9

22.9K 786 241
                                    

"Ayoko ngang um-attend ng alumni homecoming na yan Cassandra,ang kulit mo din ano?" Sabi ko sa kanya sabay abot ng mga damit at sandals na napili niya. Shopping ulit si Cassy sa closet ko ngayon.

"Cge na,Babe, please join tayo."nagpapaawa pa itong tumingin sa akin.

I really don't understand why she wanted to attend again this year na kung tutuusin yearly naman siyang dumadalo.

"You already attended last year Cassy, tapos aattend ka ulit? Hindi ka ba nagsasawa e parati mo din namang nakikita yong mga dati nating kaklase sa bar?"

"No Babe, iba kasi ang vibes kapag sa reunion. Alam mo yong...parang bumabalik ka sa nakaraan yong carefree lang tayo.Yong tipong chill lang?

Chill lang? Parang hindi ko nga maalala yong high school days ko. Bored na bored kasi ako nung mga panahong yon. Sabagay hanggang ngayon bored pa din naman ako.

Ako na ata yong taong hindi talaga kung ano ang gusto sa buhay. Kahit nga ang pagiging modelo ko, hindi ko rin naman pinlano. Na bored lang din ako noon kaya pumayag akong magphotoshoot hanggang sa nagsunod-sunod na.

"Cge na Veron kahit ngayon lang please...kahit para sa akin lang." napansin kong iba ang tono ng pananalita niya ngayon.

Pero ilang ulit ko pa bang sabihin sa kanyang ayoko para tigilan niya na ako?

Since we graduated high school, I never get the chance to attend even once, kaya heto naman si Cassandra nangungulit sa akin.

"Please Chrystelle ...matagal ka nang hinahanap ng mga kaklase natin.Gusto daw nila makita kung gaano na kaganda ang international model nilang kaklase." Pambobola niya pa as if naman close ako sa mga kaklase namin.

As far as I can remember they all hated me before dahil sa maldita ako. Tsaka wala akong maalalang memories ko sa kanila except lang doon sa ginawa nila Mira sa akin.

Isa pa ayaw kong umattend dahil baka makita ko pa ang pagmumukha nina Mirabella tsaka yong mga kaibigan niya. For sure magpapasikat na naman ang mga ito doon.

I don't want to hear anything about them pero ito naman si Cassandra ang nagbabalita sa akin sa mga ganap tungkol sa mga dati naming kaklase. May pagka marites din kasi tong si Cassandra pero mahal ko naman kaya tanggap ko na. Siya kasi yong taga balanse sa boring kong pagkatao.

"It's a grand reunion Ver, madami ang aattend. Iba't ibang batch and this year isa tayo sa sponsors,kaya sumama ka na sa akin."

Kita ko talaga ang kagustuhan sa mga mata niya. Hindi ko alam kung anong mapapala niya doon. Puro lang naman kaplastikan ang pinapakita ng mga tao doon.

Typical rich people, puno ng hangin sa katawan. Yabang dito yabang doon. Yong tipong tila nagmamay-ari ng mundo.

Baka tumirik lang ang mga mata ko doon buong gabi sa kakairap sa kanila kaya mas maiging wag na lang.

Ako pa naman yong tipo na hindi talaga nakakapigil sarili kapag nayayabangan na ako. Baka imbes na happy homecoming ay makahanap pa ako ng away.

"Cge na Ver...just this one please..this will be my last dahil sa states muna ako magste-stay after this. Hindi ko pa alam kung hanggang kelan ako doon."

Natigilan ako sa sinabi niya. She never mentioned this to me before.

"Jordan and I broke up. Gusto ko munang magpahinga,aayusin ko muna ang buhay ko Ver." Bigla na lang itong umiyak. " Tumatanda na rin ako. I need to find my direction."

Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaaya pala gusto talaga nitong umattend. Siguro umaasa pa rin itong magkakaayos sila ni Jordan sakaling makita niya ito sa reunion. Pero nalulungkot ako ngayon pa lang.

Tainted Series # 2: The Broken Billionaire (Nathaniel Devon Castillo) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon