Chapter 26

21.6K 662 187
                                    

"Daddy will be back tomorrow, Baby, okay?" masuyong pakiusap nito sa anak niyang nakapulupot ang mga kamay sa leeg niya. Sinusuklay niya pa ang buhok nito gamit ang kanyang daliri at malambing na nakatingin dito. 

He's looking at my daughter with so much love. Panaka naka niya pang hinahagkan ang noo nito para kumbinsihin itong payagan na siyang umuwi. But I know deep inside, he also wanted to spend more time with her. 

Hindi ko alam na ganito pala sila ka-close dalawa. Feeling ko naisahan nila ako pero kung ganito namang masaya ang anak ko ayos lang. Kung ako lang siguro ang involve dito baka kanina pa ako nagwala.

 Living in Paris for almost three years with my daughter taught me a lot. I can now control my emotions. Hindi na rin ako impulsive when it comes to decision making. I have Natasha now to consider. Hindi na lang ito para sa sarili ko. When I took her in the orphanage I promised to myself that I I will do everything to make her happy. And if being with her daddy makes her happy I will adjust.

"C'mon love, you need to rest now..."

Kanina pa ito nagpapaalam kay Natasha na ayaw kumawala sa pagkakayakap sa kanya. Kumikibot kibot na ang labi ni Natasha at naiiyak na ito dahil ayaw nitong paalisin ang Daddy na kanina pa pinag-iinitan ni Kuya Derick. 

Sinabihan ko na kasi si Nathaniel kanina na babalik na lang bukas at wag ng magpaalam sa bata dahil tiyak na iiyak ito at hindi nga ako nagkamali.

"No, Daddy, you sleep heyy with me and Mommy." sagot nito na nakasiksik ang ulo sa leeg ni Nathaniel. Muntik pa akong mabilaukan ng sariling kong laway dahil sa sinabi ng anak kong dito matutulog ang daddy niya kasama namin.

Halos masakal na niya ang daddy niya sa higpit ng  pagkakayakap niya dito. Nagugusot na din ang damit ni Nathaniel dahil ayaw umalis ni Natasha sa pagkakayakap sa kanya.

Paalis na sana si Nathaniel nang maabutan ito ni Natasha na katatapos lang maligo. Binilin ko na kay Ate Vilma kanina na patulugin na ito dahil siguradong pagod ito kakalaro sa mga pinsan niya pero bumaba pa rin ito.

Ayaw pa sana ni Nathaniel na umuwi pero kanina pa nagpaparinig si Kuya Derick sa kanya. Ewan ko ba anong trip ni Kuya ngayon at feeling ko badtrip talaga siya sa presensya ni Nathaniel. Pati kaming dalawa ni Nathaniel ay walang pagkakataong makapag-usap dahil ayaw humiwalay ni Kuya sa amin. Ultimo ang pagtabi nito sa akin kanina sa kainan issue pa sa kanya. Kung wala lang siguro si Mommy at Daddy baka talaga kanina niya pa pinauwi si Nathaniel.

Si Kuya Hendrick naman nauna ng umuwi sa mansion nila dahil inaantok na si Troy. Pero alam kung rason-rason lang yon ni Kuya para masolo ang asawa niya. Sabi naman ni Ava babalik sila dito bukas pagkatapos ng trabaho. Ipapahatid niya lang daw ang mga bata sa umaga para may kalaro si Natasha.

Si Daddy andun na sa silid nila inaamo si Mommy kasi mukhang totohanin nito ang bantang hindi patatabihin si Daddy sa kanya ngayong gabi. Iba din mag-inarte si Mommy eh, nagpapahabol. Si Daddy naman para ding bata na sunod-sunuran sa gusto ni Mommy.

"Tasha, come here. Tito will buy you gifts tomorrow. You want that super big barbie like you, right?" ani Kuya Derick na sinubukan pang suholan si Natasha pero ayaw talaga nitong bumitaw sa daddy niya.

"I want my Daddy, Tito Handsome." magalang na sagot nito na hindi nakatingin sa tito niya.

"C'mon baby, Tito handsome will buy toys for you. Many many many toys for my beautiful Tasha. Anything that you want, Tito Handsome will buy for you." subok niya pang muli pero muling sumiksik si Natasha kay Nate.

Dahil nakatalikod si Natasha sa kanya malaya niyang sinimangutan si Nathaniel na natatawa lamang sa kanya. "G*go!" he mouthed to Nate sabay pakita ng kamao. Tinaasan lamang siya ng kilay ni Nathaniel na lalong ikinainis nito.

Tainted Series # 2: The Broken Billionaire (Nathaniel Devon Castillo) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon