Chapter 34

21.5K 628 188
                                    

Nate's POV

"Did you tell her the real score, Dude?"

Napatigil ako sa pag-inom  dahil sa tanong ni Montenegro. Padabog kong binaba ang baso ng alak na muntik pang mabasag. Hindi lang itong ang unang beses niyang tinanong sa akin simula nung malaman naming si Veronica ang target ng mga kidnapper.

Isa sa kidnapper ang natagpuan namin at inamin nya sa amin na napagkamalan lang ang kapatid ko. Yun lang ang tangin nakuha namin sa kanya dahil nung binalikan namin ito wala na. Pinapatay na ng mastermind nila. Hindi niya na rin naituro sa amin kung saan ang nagtakas sa kapatid ko kasi wala na din silang balita pagkatapos nagka-onsehan. 

Sinabi nitong may kasama silang babae, yun at ang kinakasama niya ang tumakas kay Nathalia. Muntik ko pa siyang mabaril nang sinabi niyang baka patay na din ang kapatid ko dahil hinhunting na ang mga ito. 

Ilang taon na ang nakalipas pero umaasa akong buhay siya. Nararamdaman kong buhay ang kapatid ko at hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw magkikita kami. Magkakasama kaming muli.

"Kung ako sayo Dude, mas maaga,mas mainam kung sabihin mo na sa kanya. Parehas naman kayong hindi gusto ang nangyari. It's part of the past Dude but it can break her kung sa iba niya pa malalaman."

"I know." Mahina kong sagot sa kanya. Halos hindi ko na nga marinig ang sarili kong boses sa sobrang hina nito.

"What stopping you then?"

I shrugged my shoulder and heaved a deep sigh. Mas mahirap pa ito kesa sa training ko sa military noon. At least doon alam ko ang mga dapat at hindi dapat gawin,pero pagdating kay Veronica palagi akong hindi sigurado.

Wala akong lakas ng loob sabihin kay Veronica na siya ang target na kidnapper pero ang kapatid ko ang nakuha dahil magkaparehas ang suot nilang damit ng araw na yon.

Nagsimula ang hinala namin nung inisa-isa namin ang mga larawan nung araw na nawala ang kapatid ko. May mga kuha akong nahagip siya sa camera. May nakatikod, nakatagilid,at nakaharap siya pero kalahating mukha niya lang ang nakita.

It was my Mom who recognized her, dahil sabay pala sila ni Tita Elize na bumili ng damit na suot nila ng kapatid ko nung araw na yon.

I don't blame her though. Hindi niya naman kasalanan na ang kapatid ko ang nakidnap. Mom also told me that she's also traumatized dahil sa nangyari.

I think she couldn't remember what exactly happened that afternoon but her Mom, Tita Elize told my Mom that she's always dreaming about that incident. Hindi rin naman masabi ni Tita sa kanya na siya talaga ang target dahil baka ito pa ang dahilan na ma-depress siya.

"Bakit mo pa kasi tinanggap na maging bodyguard niya?"

Muli akong napaisip sa tanong niya. It's not really in my plan, pero nung nakiusap si Tito Vince at Tita Eize sa akin, hindi ko sila matanggihan.

"Their family is close to ours Montenegro, as if hindi mo alam?" Sarkastiko kung sagot sa kanya.

"Is that really the reason?" Ganting tanong ni gago, kaya tumalim ang tingin ko sa kanya.

"Why? Do I need to have another reason para tanggapin ang pakiusap ng Mommy at Daddy niya?Is that reason not enough for you, Montenegro?" I spatted. I'm starting to get annoyed.

Nagkibit balikat ito at kinuha ang cellphone niya. Nagsimula na itong magkalikot doon kaya akala ko tatahimik na.

"Kailan mo balak sabihin sa kanya?"

Tumayo ako at naglakad malapit sa glass wall kung saan tanaw ko ang buong syudad. Kung sana ganun lang kadali sabihin kay Veronica, matagal ko na itong sinabi sa kanya.

Tainted Series # 2: The Broken Billionaire (Nathaniel Devon Castillo) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon