"....you'll be punished." aniya at pakiramdam ko sobrang lapit niya sa akin.
Pero nagmatigas pa rin ako. Sino siya para utusan ako? I didn't open my eyes and pretended that I'm sleeping. I just don't know if it looks real.
Biglang tumahimik ang paligid. Siguro umalis na ito, pero paano nangyari dahil hindi ko naman narinig ang pagsara ng pinto.
"You really want to be punished huh?"
Muli itong nagsalita at alam kong nasa tapat ng mukha ko ang mukha niya. I can smell the cofee in his breath sa sobrang lapit niya sa akin.
Agad kong idinilat ang mga mata ko at ang nakangising mukha ni Nathaniel ang bumungad sa akin. Halos maduling na ako sa lapit ng mukha niya at kung gagalaw ako baka magkahalikan pa kami.
What the hell this guys is doing to me? Akala ko pa naman faithful ang gagong to. Kanina lang puring-puri ko pa siya pero katulad din pala siya ng iba.
I pushed him hard nang matauhan ako. Naiinis ako sa kanya. I don't like cheaters. Parang kanina lang ang lungkot-lungkot niya habang sinasabing mahahanap niya ang 'prinsesa' niya tapos ngayon heto nilalandi ako. Pa-fall din ang isang 'to eh.
Anong akala niya sa akin? Second best, na pwedeng gawing option? Ang kapal naman ng pagmumukha niya.
I will not be in the top of my career kung hindi ako magaling. Tapos ano gagawin niya lang akong isa sa mga choices niya? Wow! A big wow for him!
"What are you doing in my room, Mr. Castillo?" tanong ko sa mababang boses.
His forehead creased at tila nagulat sa pormal na pagtawag ko sa pangalan niya.
From now on I will act professionally in front of him. Nakakahiya naman kay Tita Divine na pahirapan ko ang nag-iisang anak niya.
Tsaka baka isumbat niya pa sa akin na napilitan lang siyang tanggapin ang trabahong to dahil sa pakiusap ni Kuya sa kanya.
"What's wrong?" nagtatakang tanong niya sa akin.
O, bakit parang gulat pa itong naging pormal ako sa kanya? Ayaw niya ba? Mas gusto niya atang sinusungitan ko siya?
"Are you okay?"
"I'm tired, I want to rest. "
Nagulat pa ako ng abutin niya ng aking noo. Nagbago na naman ang pakiramdam ko ng madantayan ng mainit niyang palad ang noo ko.
"I'm fine, pagod lang ako."sabi ko sabay tabig sa kamay niya.
I don't want him so close to me dahil nag-iiba ang reaksyon ng katawan ko. Hindi ko alam pero yon ang napansin ko. My body reacted strange everytime his near me.
I heard him heaved a deep sigh bago nagsalita. "Okay...take a rest. I'll be back tomorrow morning."
Tumango lang ako sa kanya. Siguro nga pagod lang ako, kaya ako nagkakaganito. Wala namang ibang dahilan diba?
Bago siya lumabas sinulyapan niya pa ang pagkaing dala niya. "Goodnight Chrystelle, see you tomorrow."
Hindi na ako sumagot sa kanya. Muli akong humiga hanggang sa narinig ko ang pagsara niya ng pinto.
The next morning I woke up feeling okay. Maaga din akong nakatulog kagabi. Pagkalabas ni Nathaniel sa room ko kinain ko muna ang pagkaing dinala niya bago ako natulog. Sayang naman ang effort niya at sayang din ang pagkain. Ayokong nagsasayang dahil maraming taong naghihirap para makahanap lang ng makakain.
And speaking about food kailangan ko na palang magtransfer mamaya ng funds para sa mga bata sa bahay ampunan.
It's been years since I started giving them my support. Portion ng kita ko sa pagmomodel inilaan ko para sa kanila, but no one knew about it. I want to help in secret. Feeling ko kahit doon man lang makabawi ako sa pagiging maldita ko.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 2: The Broken Billionaire (Nathaniel Devon Castillo) COMPLETED
Storie d'amoreWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Tainted Series#2: THE BROKEN BILLIONAIRE ( Nathaniel Devon Castillo & VERONICA CHRYSTELLE VALDERMA) When you truly love someone, mistakes will never change your feelings because t...