"Hoy Valderama, bakit andito ka?" maangas na tanong ni Mira sa akin.
I pretended that I didn't hear them, nanatili lamang akong nakayuko at kunwari nagbabasa ng libro pero ang totoo ay nakikinig lang ako ng music sa airpods ko.
Pinili kong tumambay mag-isa ngayon dito sa likod ng building dahil iniiwasan kong mapaaway sa grupo ni Mira. Wala akong kasama dahil nag-halfday lang si Cassandra tsaka di ko alam kung saan naman nagsususuot si Kathiana. Tatlo lang kaming magkakaibigan. I'm choosy with my friends, Kath and Cassy are enough for me.
Ayaw ko din ng maraming kaibigan dahil yong iba pinaplastic lang ako. Nakikipagkaibigan lang ang mga ito sa akin para mapalapit sa mga kuya ko.
Gaya na lang nitong mga kaibigan ni Mira, dati nagfe-feeling close ang mga ito sa akin pero nung hindi ko sila ni-reto kay Kuya Derick bigla na lang nagbago ang mga ugali ng mga 'to.
Lumayo na nga ako para makaiwas sa kanila pero heto sumunod parin ang mga 'to sa akin dito sa likod para awayin ako.Iniiwasan ko ang grupo ni Mira dahil palaging wala sina Mom at Dad dito sa bansa at si Kuya Henrick ang palaging pumupunta kapag tinatawag ang mga magulang namin sa tuwing napapaaway ako.
Mabait naman ako, maldita nga lang tingnan ang pagmumukha ko. Hindi ko rin alam kung bakit lapitin ako ng gulo. Never akong nanguna, pero hindi din ako umaatras lalo na kapag sinaktan na ako.
Umiiwas ako hindi dahil takot ako sa kanila. I just don't want to ruin my brother's busy schedule. Halos di na nga ito natutulog, dadagdagan ko pa ba ang aalahanin niya?
I know Kuya Hendrick is busy with his work in the company kaya ayaw ko siyang disturbuhin. Kaso minsan hindi ko rin napipigilan ang sarili kong pumatol sa mga nang-aaway sa akin.
Maagang nalipat kay Kuya Hendrick ang pagmamanage sa ibang branch ng negosyo namin kaya halos isubsob na nito ang sarili kaka-trabaho. Si Kuya Derick naman ay busy dahil graduating na ito sa kursong arkitekto.
I'm the youngest at alam kong mahal na mahal ako nina Kuya kahit pasaway ako. Minsan nga napapaaway din si Kuya Derick dahil sa akin. So, as much as possible iniiwasan ko talaga ang gulo. Lalo na't next year magka-college na ako.
Mira's father is a businessman and her mother is an actress. She's a brat dahil sunod lahat nang gusto niya. Madami ding takot sa kanya, kaya kahit binu-bully niya ang mga ito walang nagsusumbong ni isa.
But lately, Mira and her friends keep annoying me, habit na ata ng mga ito ang maghanap nang away. Kung sino-sino lang ang pinagti-tripan ng mga ito, wala ng pinipili. Feeling ata nila nasa pelikula sila at last full show na itong last year namin sa high school at ano-anong kalokohan ang naiisip nila.
I just hope na sa ibang school na ito magka-college para hindi na magko-krus ang landas namin. Pasalamat pa nga ito at may kontrol pa ako sa aking sarili.
"See that Mira? She's pretending that she didn't hear you" Dinig kong sulsol ni Jenny kay Mira, pero deadma pa rin ako. Wag lang nila akong galawin at okay lang sa akin ang mga parinig nila.
"Ay naku Girl, hindi siya takot sayo...tingnan mo nga o ang tapang pa ng anyo." dagdag pa nang isa.
"Kung ako yan kanina ko pa yan sinabunutan." pagmamayabang naman ng isa.
"O, talaga sige nga." hamon naman ng isa.
"Stop! Tumahimik kayong lahat. Let me do it!" saway ni Mira sa mga kaibigan niya at sabay sabay na nagtatawanan ang mga ito.
Such a brat!
I tried my best to remain calm. Hindi ko pinansin ang mga pasaring nila sa akin at pilit kong pinipigilan ang aking sariling magalit. I know they're provoking me para patulan ko sila but i'm controlling myself.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 2: The Broken Billionaire (Nathaniel Devon Castillo) COMPLETED
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Tainted Series#2: THE BROKEN BILLIONAIRE ( Nathaniel Devon Castillo & VERONICA CHRYSTELLE VALDERMA) When you truly love someone, mistakes will never change your feelings because t...