Chapter 15

20.4K 648 134
                                    

Pain took over the moment I set foot in my unit. I was lost for words. I was blanked. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawain. Umiyak lang ako ng umiyak. 

Namamanhid ang katawan kong umupo sa sofa. Binaluktot ko ang aking tuhod at niyakap na parang doon ako kumukuha ng lakas. Punong-puno na ng luha ang aking mukha na halos wala na akong makita.  Wala akong mapagsabihan sa katangahang ginawa ko. Wala akong ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko. 

It's my first time to feel this kind of pain. Why do I need to feel this? Sobrang sakit na hindi ko maipaliwanag. Ganito ba ang magmahal? Kasi kung ganito pala ayoko na. Tang-ina! Ang sakit sakit. 

Is it even love? Hindi ko na rin alam kong ano ba talaga ang nararamdaman ko. Isa lang ang sigurado ako. Masakit! Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin. 

Umalis ng di man lang nagpaalam. Daig ko pa ang na hit and run. Tang-ina mo, Gago! Di ka man lang nag-iwan ng sulat para may remembrance sana ako! Gusto kong pagtawanan ang aking sarili. The mighty and smart Veronica Valderama, naisahan. What the f*ck!?

Kung ano-anong masasamang salita na ang lumabas sa aking bibig. Kaya pala pinipilit niya talagang kasal kami dahil yon lang pala ang gusto niyang kunin? Pwes sayo na nag lintek na virginity na yan! Wala na akong pakialam. Sinira mo ang panagako ko sa aking sarili. 

Muli na namang nag-uunahan ang mga luha ko. Pisteng mga luha to. Mga traydor! Tumigil kayo! Siguro namamaga na ang mga mata ko ngayon kakaiyak.

Ito na ba ang kapalit sa pagiging maldita ko? Sa pagiging pabaya kong anak, sa pagiging matigas ang ulo?

"I hate you Nathaniel!" I screamed. "Wala kang kwentang tao!" You're an evil. Sinusumpa ko ang araw na nakilala kita. Pagsisisihan mo ang lahat ng ginawa mo sa akin.  Hindi ako tanga para bilugin mo ang ulo. Emergency your face! Gago ka!"

Para na akong baliw kakaiyak. Hindi ko alam kung dinig ba sa kabilang unit ang mga sigaw ko pero wala akong pakialam! Hanggang sa napagod ako. Naubos ang lakas ko. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari hanggang sa nakatulugan ko na lang ito.

Nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Wala sana akong balak tingnan pero naisip kong may pamilya pa rin akong nag-aalala para sa akin.

215 missed calls, 136 messages.

I checked the missed calls, lahat galing sa pamilya ko. Kahit galit ako sa kanya part of me is still hoping na baka tatawag siya para magpaliwang kong bakit siya umalis. Kung bakit niya ako iniwan pagkatapos may mangyari sa amin,  pero wala. Isang katangahan ang umasa at naniwala ako sa kanya. Naiiyak na naman ako. Ayoko ng umasa, ito na ang huli.

Wala na akong binuksan sa mga messages. Ayoko nang magbasa. I'm tired of this drama. 

Tatawagan ko si Mommy, sa kanya ko lang sasabihin na gusto ko munang mapag-isa. I won't tell her what happened to me dahil ayokong masira ang friendship nila ni Tita Divine. Their friendship is more than what I felt right now. Ayokong magkasira sila dahil lang sa katangahan ko.

Isang ring palang sinagot na agad ni Mom. " Veronica anak, where are you?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Mommy, parang gusto ko na tuloy umiyak at magsumbong sa kanya, pero kailangan kong pigilan ang aking sarili. Knowing my Mom, walang pinapalagpas ang isang Elize Valderama.

"M-mom..." I cleared my throat para hindi niya mahalata ang namamaos kong boses. " I'm sorry kung hindi ako umuwi kagabi. Nagpapalamig lang ako M-Mom." my voice broke after saying the last word, kaya tumigil muna ako. Tinakpan ko ang aking bibig para hindi marinig ni Mommy ang paghikbi ko. 

Sh*t! Akala ko ayos na ako. Akala ko naiyak ko na lahat kanina. Bakit ba kasi ayaw tumigil nitong mga luha ka. Tang-ina naman oh. Pagod na ako, masakit na nga ang mata ko, masakit pa ang puso ko. Lintek na mga luha to, traydor! Ayaw pang tumigil.

Tainted Series # 2: The Broken Billionaire (Nathaniel Devon Castillo) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon