Chapter 18

19.6K 632 267
                                    

(Please play the song Somewhere down the road by Barry Manilow)


"Can we talk now?"

Hindi ako nakasagot agad. Tumatanggi ang utak ko pero gustong-gusto naman ng puso ko. I won't deny that. Maybe it's the right time for us to talk. Once and for all gusto ko na rin matuldukan na kung ano man ang meron kami, kung sakaling meron man...

Pero ito nga ba ang gusto kong mangyari? Bakit ngayon pa lang parang nasasaktan na ako? 

Mabuti na lang at andito kami sa tagong bahagi ng parking, walang mga taong dumaraan. Hindi ko alam paano nangyari pero kaming dalawa lang ang nandito.

"Please , Chrystelle..." he muttered, with that simple words parang pinipiga na ang puso ko. Bakit pakiramdam ko hindi lang ako ang nasasaktan dito?

I nodded without looking at him. Hindi ako makalingon sa kanya dahil natatakot akong makita ang emosyon sa kanyang mga mata. Natatakot at nasasaktan ako dahil maalala ko lang kung anuman ang namagitan sa amin kahit panandalian lamang.

In a short span I know that he meant something to me. Hindi ako masasaktan ng ganito kung balewala lang din sa akin ang lahat. It's not only my pride, I know. I'm just being in denial of what really I felt for him. Hindi ko lang agad matanggap na sa sandaling panahon...napaibig niya ako. Napaibig ako ng isang Nathaniel Castillo. F*ck! Ang sakit. Bakit ako nasasaktan ng ganito?

If I have known that it's like this to fall in love then I wouldn't risk trying. But I fell in love with him unaware. Bigla nalang...bigla ko nalang ito naramdaman sa kanya. Well surprise Veronica!

I bit my lower lip to stop the tears from falling down my face. Wala na din namang magandang maidudulot ang pag-iwas ko sa kanya. Kahit bago man lang ako umalis may closure sa pagitan naming dalawa. Kaya ko ba? Closure ba talaga ang gusto ko?

Hiding from him will do no good to me dahil kung gustuhin niya talaga alam kong mahahanap niya ako. I even expected him to show up but I guess I was wrong for hoping that I am important to him.

Ilang gabi din akong umasa. Ilang gabi din akong naghintay na sana hanapin niya ako. Na sana magpakita siya sa akin at magpaliwanag pero walang Nathaniel na dumating. Niloloko ko lang aking aking sarili. Isang sorry lang...isang sorry lang  sana mula sa kanya kakalimutan ko ang pride ko. Pipiliin kong intindihin siya.

Nanatili akong nakatalikod sa kanya pero dama ko ang presensya niya sa likod ko. Gustong-gusto ko siyang harapin at yakapin. Gusto kong sabihin sa kanya na kahit masakit ayos lang sa akin. Ipaliwanag niya lang kung anong nangyari at handa akong intindihin kung anuman ang dahilan niya.

I will swallow my pride. I can even reconsider staying here...sabihin niya lang.

Hindi ko na napigilan ang pag-uunahan ng mga luha ko hanggang sa naramdaman ko na lang na niyakap niya ako mula sa aking likuran.

I can feel that his body is shaking too. Yumuyogyog na rin ang balikat ko at naninikip na ang aking dibdib. Para na itong pinipiga sa sobrang sakit ng aking nararamdaman. Kahit walang salitang namagitan sa amin dama ko ang sakit sa bawat isa. Bakit kailangan naming masaktan ng ganito? 

Bakit parang nararamdaman ko na...na handa na siyang... bitawan ako, na handa siyang pakawalan ako? Isang salita lang galing sa kanya mananatili ako. Sabihin niya lang...sabihin niya lang na wag akong aalis at mananatili ako sa tabi niya.

"I'm sorry, Hon..." unang salita pa lang nabasag ang boses niya. I can feel that he's crying. Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin." I'm so sorry, Chrystelle..."

I don't know why he kept on saying sorry. Ano bang kasalanan niya sa akin? Kung 'yong pag-iwan niya lang dahil may emergency siyang pinuntahan ayos lang. Iintindihin ko siya, handa akong unawain kung anong rason niya pero bakit pakiramdam ko may iba pa siyang ibig ipagkahulugan?

Tainted Series # 2: The Broken Billionaire (Nathaniel Devon Castillo) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon