Chapter 23

21.1K 729 160
                                    

"Ma'am Ver, tumawag po ang Mommy niyo kanina, sabi niya po tawagan mo siya pagka-uwi mo."

Katatapos ko lang patulugin si Baby Natie Kanina kasi pagkarating ko halatang inaantok na ito at sadyang hinintay lang akong maka-uwi. She's such an adorable baby, I'm so lucky to have her.

Nagtataka akong tumingin kay Ate Vilma. Siya ang nag-aalaga kay Baby Natie nung kinuha ko ito sa bahay ampunan kaya nung sinabi ko sa kanya kung ayos lang bang siya na lang din ang gawin kong yaya pumayag naman ito.

"Bakit daw ate? Did Mom tell you something?" Bigla tuloy akong nag-alala na baka may nangyari sa kanila sa Pilipinas.

"Wala pong sinabi Ma'am, ang bilin niya lang po na tawagan mo siya kasi hindi ka raw niya makontak."

Simula nung pumunta ako dito sa Paris hindi pa ako nakauwi sa Pinas. Sina Mom at Dad lang bumibisita sa amin ni Baby Natie dito.

Si Kuya Derick nagawi din dito minsan, kasama si Calyx, may hinahanap daw sila. Hindi ko lang sure kung babae ba pero malakas ang kutob ko na babae nga, yon nga lang hindi ko alam kung sino sa kanila ang nawalan.

Si Kuya Hendrick at si Ava nakabisita na rin dito kasama ang kambal na si Amara at Vonn tsaka ang bunsong si Troy.

"Let's eat na ate, I'm hungry na. I will call Mom later kasi tulog pa ang mga yon ngayon." Aya ko sa kanya . Philippines is six hours ahead of Paris kaya ayokong istorbohin ang tulog nina Mom.

I always see to it na pag may time ako sinasabayan kong kumain si Ate Vilma. Ang lungkot kayang kumain mag-isa. I don't treat her as a nanny, she's more like an ate to me.

Malaki ang utang na loob ko kay ate Vilma dahil siya ang naging karamay ko nung mga panahong nasasaktan pa ako. Saksi ito kung paano ako umiyak kasabay ni Natie noong maliit pa lang ito.

" Nga pala Ma'am, saan ko po ilalagay tong bagong bouquet na dala mo? Araw-araw ata may pabulaklak si Mayor sayo ah." Natatawang bito nito sa akin.

I paused at her joke, though alam ko namang expresion niya lang yong 'pabulaklak ni Mayor' pero ngayon lang nagsink in sa akin na parang half meant yung joke niya, palagi nitong dinudugtong ang 'major or mayor'. Is she pertaining to Nathaniel? He's a retired major and ate knew about him.

Is she referring to my ex-husband? But it's si impossible na ito ang magbibigay ano? Paano yon special delivery? Naka schedule everyday  or every other day ang delivery?

Pero ang tanong, ex na nga ba? I really need to check on my lawyer. Ayokong magka problema balang araw lalo't wala naman akong balita na sa kanya.

I doubt kung sa loob ng tatlong taon hindi ito nakahanap ng kapalit ko. For sure madaming babaeng naghahabol dito. Isa na si Snow white doon. I still can't forget what Cassandra told me about them dating.

"Ma'am?" Nag-aalalang tanong niya pero agad din napalitan ang expression niya ng makita ang mukha ko. " Uyyyy si Ma'am nagba-blush." Tukso niya sa akin. "Kilig yarn Ma'am?

Umiling ako sa kanya." Anong blush ate? Tsaka kilig for what?" Tumalikod ako sa kanya.

I hide my face from her. Hindi ko naman kasi alam na namumula na pala ako. And blushing for what? For thinking about him giving me the flowers or namumula sa inis dahil naalala ko ang tungkol sa kanila ni Snow white. My gosh Veronica.Kumalma ka! Ayan ka na naman.

Kumuha ako ng tubig sa ref ngunit natigilan ako ng muling nagsalita si Ate Vilma.

"Ilang pitsel po ba ng tubig ang iinumin mo Ma'am?" Natatawang tanong niya. Doon ko lang narealize na may tubig na pala sa mesa.

Tainted Series # 2: The Broken Billionaire (Nathaniel Devon Castillo) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon