Chapter 17

20.7K 626 133
                                    

"Good evening Mommy..." masayang bati ko kay Mom.

Just now I came home from my days of hibernating and doing nothing. The next day after I received food deliveries from unknown person I decided to leave my unit. Ayoko ng may nagti-trip sa akin at naawa din ako sa mga riders kung hindi ko tatanggapin ang delivery so better I leave my unit.

Sinabihan ko rin ang guard at reception just in case may maghanap sa akin na sabihing wala ako. Baka kasi may magpapadala na naman ng pagkain sa akin.

Good thing at wala naman itong lason kundi tiyak tigok na ako ngayon. I decided to stay in a hotel just few blocks from my condo. 

"Good evening, Princess. How's everything? Are you feeling better now?" Tanong ni Mom sa akin at giniya ako papuntang living room. "Do you wanna eat first?"

"I'm good, Mom..." sagot ko. Hoping to be better, gusto ko sanang idagdag pero pinili ko nalang na tumahimik.

Halata ang pag-aalala sa mukha ni Mommy and it somehow makes me feel guilty. She should not be stressed lalo na ngayong malalaki na kami pero heto ako may tinatagong sekreto sa kanila.It's really a big problem, hindi lang maste-stresses si Mom baka mahimatay pa ito kapag nalamang ang nag-iisang anak niyang babae ay nauna pang ikinasal sa mga kuya niya.

Looking at my mother, she's aging but still she is the prettiest. Walang makakatalo sa ganda ng isang Elize Valderama, kaya nga head over heels si Dad sa kanya hanggang ngayon. Kahit nasa bahay lang ito nakapostura talaga. Siguro sa kanya ko din namana ang pagiging maarte ko.

"Are you sure Baby, I can ask Nana to prepare your favorite."dagdag niya pa pero umiling ako. I'm full. Nagsta-strat na din akong magdiet baka kasisangkaterbak na sermon galing kay Blane ang sasalubong sa akin pagbalik ko ng Paris.

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Mommy bago niya ako niyakap at hinalikan sa ulo.

Nakokonsensya na talaga ako. Kailangan ko na talagang maging matured sa mga decision ko sa buhay. Atleast kahit sa ganitong paraan man lang magiging proud ang mga magulang ko sa akin. Hindi ko na dadagdagan pa ang problema nila.

"Do you want to tell me what's bothering you, princess?"

Bigla akong kinabahan, para kasing may laman ang tanong ni Mommy.  Does she knew something? Oh my gosh wag naman sana. I'm not yet ready.

"What do you mean, Mom?" I ask trying to act normal but deep inside my heart is beating so fast.

Tiningnan niya sa ako mata, hinaplos niya pa ang buhok ko gaya ng ginagawa niya sa akin noong bata pa ako. "Nothing,baby. I just want you to know that you can always tell me everything. Kahit ano pa yan princess, mommy is always ready to listen and understand you."

Gusto kong maiyak dahil parang may ibang ibig sabihin ang bawat salitang binitawan ni Mommy pero hindi pwede dahil mahahalata niyang may problema ako. Tomorrow is Kuya's wedding and I dont want to cause ruckus before his wedding day.

"I know that I don't spend much time with you and your brothers but please know that I am doing my best to be the best mother I can be. I love you and your Kuyas, anak."

Malambing na sabi nito saka ako kinabig palapit sa kanya. She hugged me so tight and it warms my heart feeling the love of my mother. Kahit naman hindi kami palaging nagkakasama alam kong mahal na mahal kami ng mga magulang namin.

"I love you too,Mom..." I replied and hugged her back. I will miss this moment with my Mom.

I already informed Blane the other that I'll be coming back to Paris. Sakto naman dahil may bago daw akong offer kaya siya tumawag sa akin noong nakaraan.

Tainted Series # 2: The Broken Billionaire (Nathaniel Devon Castillo) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon