"Baby? Do you know...him?" maingat kong tanong kay Natasha.Ayoko ko siyang biglain,baka matakot sa akin ang anak ko. Nakita kong natigilan pa ito pati si Nathaniel.
Tumingin pa siya sa mukha ni Nathaniel na tila nanghihingi ng saklolo. Marahang tumango si Nathaniel sa kanya bago hinalikan ang noo niya. " It's okay , love, don't be scared to Mommy. Daddy's here."
Wow may kakampi na agad si Natasha? Ano ngayon kung andyan ka? Akala siguro nitong Castillo natatakot ako sa kanya.
"Natasha?" tawag ko sa atensyon nito. "Answer me, baby."
Nakita ko ang pag-aalinlangan at takot sa mga mata niya pero nang hinaplos ni Nathaniel ang likod niya urging her to speak agad naman itong sumunod.
Dahan-dahan itong tumango. "Yes po, M-mommy, I know D-daddy." mahinang sagot nito sa akin. Gusto ko sanang tanungin kung kailan pa pero iniwas na nito ang tingin sa akin. Muli itong tumingin kay Nathaniel saka bumulong pero narinig ko naman. " No more secret, Daddy?"
Mahinang tumawa si Nathaniel. "Yes, baby..no more secret..."
"Not galit si Mommy?" paniniguro niya pa. She's looking at Nathaniel hopeful.
I throw Nathaniel a death stare pero agad niyang iniwas ang tingin sa akin at binaling kay Natasha. Binago ko din naman ang expression ng mukha ko dahil muling tumingin sa akin si Natie. " You angry, Mommy?" nag-aalalang tanong nito sa akin.
I smiled at her gently and patted her head. " Not at you, baby." I leered at Nathaniel again, giving him the 'bantay ka sa akin mamaya' look . "Mommy will never be angry at my princess." I can't lash out at him dahil nakatingin sa Natasha sa amin. Kung siguro noon to nangyari na wala pa ang anak ko, agad-agad makakatikim si Nathaniel sa akin, panigurado.
"Mommy is not angry, Daddy?" muling bulong nito. Feeling ko pinagkakaisahan nila ako.
"Yes baby, Mommy is the best." pang-uuto niya pa. Lintek ka talaga Nathaniel, mamaya ka lang talaga sa akin.
Tumingin ako sa harapan pero wala na si Ate Vilma at si Gaden doon. Nakababa na ang mga ito at nagtatawanan na sa labas. Siguro nagmamadali ang mga itong bumaba dahil natatakot na pato sila madamay. Kaya pala feeling close ang mga ito. Malamang matagal na itong nagkikita ng hindi ko alam.
"Let's go, Hon. I'll explain later." saad nito at humalik pa sa ulo ko na parang walang ginawang katarantaduhan. All this time ba pinagkakaisahan nila ako? Since when?
Naunang bumaba si Nathaniel sa sasakyan tsaka niya kinarga si Natasha na agad namang pinulupot ang mga kamay sa leeg ni Nathaniel na parang ayaw mapahiwalay dito. Hindi ako nakagalaw agad. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Ang dami-daming tanong sa utak ko.
"C'mon, Hon." inilahad ni Nathaniel ang kamay niya sa akin. Nag-alalangan pa akong abutin ito pero ng makita kung nakatingin si Natasha sa akin wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang kamay ng 'daddy' niya.
Hindi ko man lang namalayan na dumating na pala kami sa mansion. Ang daming nangyari na hindi ko maintindihan.
"Please don't be mad, Hon. I will explain everything." bulong niya sa akin ng makita niyang matalim ang mga tinging pinukol ko sa kanya. Sinubukan niya pang halikan ako sa ulo pero umiwas ako. Isang malakas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. "I'm sorry, wife."
Hawak niya sa isang braso si Natasha habang ang isang kamay naman ay nakaalalay sa bewang ko. Paano akong hindi magagalit? Lahat na lang ata kakuntsaba niya. Dinamay niya pa ang anak ko.
"Daddy, is Mommy mad?"
Mahinang tanong ni Natasha sa kanya pero dahil halos nakayakap na siya sa akin dinig ko ang tanong ng bata sa kanya. Siguro nararamdaman nito ang talim ng mga titig ko sa ama-amahan niya.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 2: The Broken Billionaire (Nathaniel Devon Castillo) COMPLETED
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Tainted Series#2: THE BROKEN BILLIONAIRE ( Nathaniel Devon Castillo & VERONICA CHRYSTELLE VALDERMA) When you truly love someone, mistakes will never change your feelings because t...