Chapter 24

21.1K 743 270
                                    

"I miss you so much, Hon." Bulong niya at muli akong niyakap. Dama ko ang pangungulila sa paraan ng pagyakap niya sa akin. Hindi man lang niya alintana kung may nakatingin man sa amin o wala. Tila ba kaming tatlo lang ng anak ko ang tao dito sa airport.

Parang napako ang mga paa ko. Biglang nablangko ang aking isipan. Hindi ako nakasagot o nakagalaw man lang dahil hanggang ngayon hindi pa rin ma proseso ng utak ko ang bumungad na sorpresa sa akin.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko na tila ninanamnam nito ang amoy ko. " I miss you so much, wife. I've been praying for this day to come." bulong nito sa akin.

My heart melted after hearing what he said. Magkahalong kaba at excitement ang aking nararamdam. I won't deny that he still has that effect on me. 

Isang malaking sorpresa para sa akin ang pagsundo niya sa amin. Nagtataka pa ako kung paano niya nalaman na uuwi kami.

Ang pamilya ko lang ang nakakaalam na uuwi kami ngayon. Ibig sabihin ba sila Nathaniel pa rin ang nagbabantay para sa seguridad ng pamilya namin? But it's been some time.

Muling gumalaw si Natasha dahil naipit ito sa pagkakayakap niya sa akin. Isa pa sa ipinagtataka ko dahil parang hindi man lang siya nagulat na may bitbit na akong bata.

"Let's go home, Hon." Sabi niya sabay kuha kay Natasha sa bisig ko. My baby Natie looks so small in his arms.

Hindi ko mapilaiwang ang kasiyahang nadarama ko habang nakatingin sa kanyang maingat na nilalagay ang ulo ni Natasha sa balikat niya. Pagkatapos niyang maayos ang pagkakarga kay Natasha ang isang kamay niya ay umalalay sa bewang ko. Dama ko ang mainit niyang palad kahit na may damit ako.

Looking at him right now in flesh makes my heart go wild. Parang may nakakarerang mga daga dito sa sobrang lakas ng pagtibok nito.

He's only wearing a plain white shirt na hapit sa kantawan niya at may kwintas na may dog tag na nakalabas. Pinaresan ito ng maong na pantalon at black leather shoes.

Malinis ang pagkagupit ng buhok niya ngayon. May maliliit na balbas ang tumubo pero hindi ito nakabawas sa kagwapuhan niya. He looks hotter on it. Feeling ko ang sarap hawakan. Oh sh*t what am I thinking? Talaga ba Veronica yon talaga ang naisip mo? Kastigo ko sa aking sarili. Feeling ko tuloy namumula ako bigla.

Kahit simple lang ang kanyang suot hindi ko maikakailang ang gwapo niya pa rin. It's been three years pero feeling ko mas bumabata pa ata siya kumpara sa tunay niyang edad. Hindi rin papakabog si Nathaniel.

He looks young and fresh. Ang gwapo niya pa rin. Walang sinabi ang mga kasamahan kong modelo sa Paris kung pormahan lang din ang pag-uusapan. Hindi magpapahuli ang isang Nathaniel Castillo.

And look at the muscles, all are in the right places. Ang mga ugat sa kamay niya ay parang may sariling buhay na gumagalaw kahit simpleng paggalaw niya lang sa braso niya. Parang sarap magpakarga. Oh gosh! Ang halay ng utak ko.

What a pleasant surprise from a drop dead gorgeous and handsome creature? I can't deny it. Ang gwapo niya at mukhang mas lumaki ang...katawan niya.

"Staring is rude, Hon. But if it's you... I'm totally fine." Nakangising saad niya sa akin.

Naguguluhan ang mga mata kong tumingin sa kanya. Ang dami kung gustong itanong pero ni isang salita walang gustong lumabas sa aking bibig. Kita ko ang pagkislap ng mga mata niya. Iba't ibang emosyon ang pinapakita ng mukha niya pero isa lang ang sigurado ako bakas ang kasiyahan dito.

"C'mon, Hon. Mom and Dad...I mean Tito and Tita are waiting for you."

Bago ko pa maihakbang ang mga paa ko isang malakas na tikhim ang pumigil sa amin.

Tainted Series # 2: The Broken Billionaire (Nathaniel Devon Castillo) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon