Kinabukasan maaga akong gumising para sabayan sina Mommy at Daddy. Dito din natulog si Kuya Derick, pinuntahan niya pa ako sa room ko kagabi. Nagtaka pa siya kung bakit namamaga ang mga mata ko at hindi ako pumunta sa reception nina Kuya Hendrick.
Dinahilan ko na lang na bigla akong inatake ng migraine kaya ako umuwi. Gusto niya pa sana akong dalhin sa hospital kagabi pero sabi ko ayos na ako.
Ngayon ko din sasabihin sa kanila na aalis ako sa makalawa. Gusto ko nga sana bukas na din kaso ayoko din namang makisabay kina Kuya Hendrick at Ava dahil tiyak na malulungkot si Mommy kung bigla kaming magsabayang umalis lahat.
Aalis sila bukas buong pamilya kasama ang kambal para sa honeymoon nila. Si kuya Derick hindi rin naman naglalagi dito sa mansion, kaya palipasin ko na lang kahit isang araw.
Mamayang gabi na din pala ng gabi ang dinner na sinasabi ni Mommy. Dinner kasama si Tita Divine at Tito Nathan. Ayoko sanang sumama sa kanila pero nahihiya akong tumanggi dahil sabi ni Mom gusto akong makita ng mama niya.
"Princess, breakfast is ready, c'mon" si Kuya Derick sa labas ng pintuan ko.
Hindi ko alam kung may nalaman si Kuya Derick dahil kagabi pa ito tanong ng tanong kung ayos lang ba ako. Gusto ko sanang magsumbong sa kanya pero wala namang silbi pa. Hindi na magbabagong nagkasakitan na kami.
"I'll come in, princess." sabi nito ng hindi ako sumagot. Nakangiti ang mukha nitong naglakad palapit sa akin. Nasa harap ako ng salamin at nag-aayos sa aking sarili dahil pupunta ako mamaya pagkatapos ng breakfast sa bahay ampunan.
I will visit them bago man lang ako bumalik ng Paris. Dadaan ako sa mall para mabilhan ng laruan ang mga bata, pati na rin groceries nila buong buwan. Magpapadala na lang ulit ako sa kanila kapag nasa Paris na ako.
"Where are you going, princess?" tanong niya sa akin na nakatingin sa salamin.
Ibinaba ko muna ang suklay bago ako humarap sa kanya. " May bibistahin lang akong kaibigan Kuya." nakangiti kong sagot. Still I want to keep it secret. Masaya na akong nakatulong sa ganitong paraan.
"Napapadalas ata ang pag-alis mo dito sa mansion , bunso, may problema ba?" masuyong tanong ni Kuya. Agad akong umiling dahil alam kong kapag nalaman ni Kuya Derick ang nangyari sa pagitan namin ni Nathaniel hindi ito magdadalawang isip na ipagtanggol ako.
"Binibisita ko lang mga dati kong kaibigan, Kuya." pagsisinungaling ko. Ayoko ng dagdagan ang problema ni Kuya Derick. Noong nakaraan narinig ko siyang kausap ang private investigator niya. Di ko sinasadyang marinig na hinahanap niya pala si Fyre hanggang ngayon.
"Basta kung may nang-aaway sayo bunso sabihin mo sa akin ha, si Kuya bahala rumesbak para sa yo." ginulo niya pa ang buhok ko na parang bata. Kaya napanguso ako. "Did you know what happened to Calyx, yesterday?"
Bigla akong natigilan dahil hindi ko rin napansin si Villegas kahapon. Sa pagkakaalam ko isa siya sa grooms men ni kuya.
"Why kuya, did something wrong happen to Calyx?"
Huminga muna ito ng malalim bago ako sinagot kaya kinabahan ako bigla. " He was shot." kinuyom ni Kuya ang kanyang kamao." in the parking area near your car."
Oh my ghad.."near my car kuya? why?" kinakabahan kong tanong.
"We don't know the reason, mabuti na lang at may tauhan si Gaden doon sa area naligtas si gago." he sighed. Calyx is Kuya's friend since college, mas naging close sila after nung nangyari kay Kuya at Hugo.
"...He's fine now, daplis lang yong tama niya, malayo sa bituka." tumawa pa ito ng mahina." swerte pa rin ni gago, malakas pa rin sa Taas"
"Kuya!" saway ko sa kanya kaya muli niya namang ginulo ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 2: The Broken Billionaire (Nathaniel Devon Castillo) COMPLETED
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Tainted Series#2: THE BROKEN BILLIONAIRE ( Nathaniel Devon Castillo & VERONICA CHRYSTELLE VALDERMA) When you truly love someone, mistakes will never change your feelings because t...