Chapter 11

21K 715 251
                                    

The next thing I know is that Nathaniel is calling someone in the middle of the night. Ako naman ay tahimik lang na nakaupo sa passenger seat, nakapikit at pilit nilalabanan ang antok. Ngayon pa ata tumalab yong alak na ininom ko kanina. Madami dami din yon, malapit ko na nga maubos ang isang bote ng Macallan kanina kung di lang dumating si Nathaniel plus nakainom pa ako doon sa reunion.

"Yes Tito...we're on the way...yeah...I know po,Tito...Yes..." he said while driving. Naka-airpods siya kaya hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila at kung sinong Tito ang kausap niya.

Wala akong naiintidihan sa mga pinagsasabi ni Nathaniel kaya pinikit ko na lang ulit ang aking mga mata dahil inaantok na ako. Ilang minuto na rin kaming nasa kalsada , hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ang sabi niya magpapakasal kami.

Sira ulo lang? Paanong magpapakasal gabing-gabi na? May bukas pa bang munispyo o simbahan ngayon? Loko din ang lalaking 'to eh, akala ko seryoso lang itong si sungit may pagka-joker din pala. 

Akala niya siguro lasing talaga. Excuse me lang...hekhek..Lasing nga ako pero...konti lang?..oo konti lang.

Pinikit ko ulit ang aking mga mata hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa byahe.

A light and feathery kisses awaken me. "Hon, we're here."

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata dahil inaantok at nasusuka ako. "I'm still sleepy, Nate. Karga please." Iniangat ko ang aking kamay para magpakarga sa kanya. Para kasi akong nahihilo at gustong bumaliktad ng sikmura ko.

"What is this Devon, magpapakasal ka sa lasing?" tinig na siyang nagpabalik sa aking ulirat.

Pilit kong idinilat ang aking mga mata kahit na ang bigat bigat ng talukap ko. Behind Nate is a man, not that old siguro mga kaedad ni Daddy. He's looking at me na parang natatawa na hindi alam.

"Wait lang po, Tito." Naramdaman kung inaayos ni Nathaniel ang damit ko sa bandang dibdib dahil sa design nito na isang galaw ko lang baka luluwa na ang aking dibdib. Hinila niya pa ang damit ko pababa dahil umangat na ito sa hita ko at konti na lang makikita na ang aking panloob. 

Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang daliri tsaka inipit sa likod ng  aking tenga. May nagkalat din sigurong lipstick dahil pinunasan niya pa gamit ang kanyang daliri ang gilid ng aking labi. Gusto kong matawa sa kanya dahil panay ang reklamo niya ngunit patuloy parin na man sa pag-ayos sa akin.

"Your brothers will really kill me, Hon." mahinang bulong niya. 

Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Bakit naman siya papatayin ng mga kuya ko? Takot pala siya kina Kuya? Akala ko ba walang kinatatakutan ang isang Nathaniel Castillo?

Napatitig ako sa kanya. Ang lapit ng gwapong mukha ni Nate sa akin kaya hindi ko napigilang haplusin ito."Ang gwapo mo talaga, sungit. " sabi ko sabay hagikhik, narinig ko pang tumawa yong tinawag niyang Tito. "..Pero sabi mo sa akin noon di mo ako type...hmp! pakipot ka pa, if I know crush mo ako eh. Maganda na ba ako ngayon? Type mo na?"

"F*ck, Hon, stop...you're embarassing me." sabi niya sabay patak ng halik sa labi ko kaya muli akong napahagikhik. Ang hilig talaga manghalik ni Nathaniel pero di bale malambot naman yong labi niya tsaka masarap.

"Isa pa please..." biro ko pero muli niya naman akong hinalikan.

"Sabi ko na nga ba e, patay na patay ka talaga sa akin. Ang ganda ko kasi diba?" mahina kong tinampal ang kanyang kanang pisngi. "C'mon say it...Veronica Valderama you're so pretty..." dahan dahn kong binigkas ang bawat sa salita...." c'mon, say it.. di ako bababa dito."  hamon ko pa sa kanya na parang bata.

"Sigurado ka ba dito, Nathaniel?" muling tanong ng Tito niya." Anak ba ni Architect Valderama 'to?"

Hala kilala ng Tito niya si Daddy? Patay ako neto, baka isumbong ako. 

Tainted Series # 2: The Broken Billionaire (Nathaniel Devon Castillo) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon