Chapter 31

20.6K 669 208
                                    

"The fuck Montenegro?!"

"...I mean babies ni..."

"Tito Lucassss!"

Tili ni Natasha na halatang tuwang-tuwa itong makita si Gaden. I didn't know that they are this close. Gusto niya pa ngang lumipat sa harapan para doon umupo pero hindi ako pumayag.

Nagtataka ako kung paano sila naging magkasundo? Dati kasi nung nasa mansion pa kami, minsan lang naman bumibisita si Montenegro doon.Kung bibisita naman ito hindi din naman buong araw.

Malawak ang ngiti nito sa aming dalawa ng anak ko. I noticed that he looked darker now. Parang kagagaling niya lang sa mission o parang kaggaling niya lang sa sakahan. Ano na naman kayang pakulo ang pinasok nito ngayon at lalong nangitim ang balat niya? Driver? Hardinero? Delivery guy?

Inabot niya ng ulo ni Natasha at hinaplos niya ito. Ang anak ko naman ay nagpapa-cute din sa kanya.

"Hi my cutie patotie, Natie girl." Nakangiting tanong ni Gaden sa kanya. "How are you? Did you miss your favorite Tato?"

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Kelan pa siya naging favorite tito ni Natasha? Nang tiningnan ko ang anak ko halata ang kasiyahan sa mukha nito.

It felt Weird. Nakakapanibago ang pagiging close nilang dalawa.

"I'm fine po, Tato Lucas." Masayang sagot ni Natasha sa kanya. "Tato, Where is my Dad—"

Bigla nitong tinutop ang kanyang bibig at nag-iwas ng tingin pero huli na dahil narinig ko ng gusto niyang itanong kung saan ang daddy niya.

"Ahm, Mommy please fix my seatbelt." Pagbabago agad nito sa usapan. I'm quietly observing her, parang bigla itong nataranta. Ano to De javu?  After hearing what she said to her friends about her dad, napaisip ako na baka talga sekreto na namang nagkita ang mga ito. 

Knowing Nathaniel and his previous job, kung gugustuhin talaga nitong makipagkita sa anak niya ng hindi ko alam ay magagawa niya. Sa lawak ba naman ng hacienda hindi ko rin naman maisa-isa ang mga tauhan doon.

Nang tumingin naman ako kay Gaden, naiiling at natatawa ito sa harapan ng manibela. Sumilip pa ito sa salamin sa uluhan niya, siguro inoobserbahan nito ang reaksyon ko but I remained stoic. Nang mapansin niyang hindi ako umiimik nakakaloko itong ngumiti sa akin. Gago lang?

Gustong-gusto ko na siyang irapan pero nagpipigil ako dahil kararating ko lang. Time out muna ako sa pagmamaldita tsaka nakaharap ang anak ko sa akin. Hindi magandang halimbawa na makikita niya akong nagtataray sa 'peborit tato' niya.

"The Queen and the Vixen are with me now." Biglang sabi nito. Hindi ko alam kung sinong kausap niya pero dinig kong binanggit niya ang mga salitang yong bago nito sinimulang magmaneho.

Nakita kung inabot niya ang salamin sa uluhan niya at inayos niya ito para makita niya kami ng anak ko habang nagsasalita siya sa unahan.

May naunang itim na van sa harapan namin at ganun din sa likuran. Gaya ng dati, mahigpit pa rin ang seguridad para sa kaligtasan namin.Meron pang isang itim na sasakyan sa pinakadulong likuran pero hindi ako sigurado kung kasama pa ito sa escort namin. Parang over naman ata kung ganun,ang dami naman ata nila. 

May maliit na screen sa harapan niya na parang nakakabit sa cctv na tila minomonitor nito ang mga madadaanan.

Napapansin kong alerto din ang mga mata niya sa pagtsi-check sa magkabilang side mirror at paulit -ulit itong sumusulyap sa maliit na screen. Para tuloy akong biglang kinabahan. 

I can feel that Gaden's body is relaxed but at the same time I can feel the that his eyes are alert na parang hindi ito pwedeng magkamali ng tingin. Bawal may makaligtaan.

Tainted Series # 2: The Broken Billionaire (Nathaniel Devon Castillo) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon