Chapter 1

9.8K 186 17
                                    

Maureen Benedicto

"Kainin mo lahat ito. Talagang pinagluto ka ni Nanay noong nalaman niya na uuwi ka"

"Salamat, Tita Betty" pasasalamat ko sabay yakap at umupo na sa hapag-kainan.

"Kailan magsisimula ang shooting mo, Mau?" tanong ni Nanay Weng saakin habang inilalagay pa niya ang ibang ulam na kaniyang niluto.

"Sabi ko naman huwag na kayong mag-abala pa, Nay" haplos ko rito. "Sa susunod na buwan na ho. Kaya po napag-pasyahan ko na umuwi na muna dahil paniguradong matatagalan bago ulit ako makapasyal dito"

"Tutal bakasyon naman ni Tina, ayaw mo bang magpasama muna sakanya?" tanong ni Tita Betty patungkol sa anak nito na mas bata saakin.

"Naku, okay lang po. Kasi may mga naga-assist naman na po doon kapag may taping na ganyan. Para narin po ma-enjoy ni Tina yung bakasyon niya" ngiti ko rito at sabay-sabay kaming kumain.

Napatingin naman kaming lahat sa pintuan nang narinig namin ang maingay kong Tita Baby na pamangkin ni Nanay.

"Nasaan na ba ang artista at pinaka-maganda kong inaanak?" atsaka ito lumakad palapit saakin with open arms pa.

Inabot ko ang kamay nito para mag-mano pero yakap ang binigay niya saakin. "Ano kaba hindi pa naman ako matanda" pabirong komento nito.

Tulad nga ng nabanggit ko kanina kay Nanay, umuwi ako ng probinsya dahil sa susunod na buwan ay magsisimula na ang pagsho-shoot namin para sa isang pelikula.

Noong isang araw ko natanggap ang balita tungkol rito kaya binanggit ko kaagad sa aking pamilya na uuwi muna ako bago maging busy ulit. Pero wala silang alam na detalye tungkol sa pelikula dahil alam kong madadaldal ang mga ito at isa pa doon ay pumirma kaming lahat ng NDA or Non-disclosure Agreement.

Dumating din ang iba naming kamag-anak na taga rito lang din sa kapitbahay kaya hanggang labas ay rinig na rinig ang maiingay at masisigla kong kapamilya. Mamamalagi muna ako rito ng isang linggo bago bumalik sa siyudad.

Kinabukasan ay tinulungan ko si Nanay sa palengke at namili sa grocery para sa aming maliit na sari-sari store.

Si Nanay Weng ang kumupkop saakin simula nang isilang ako ng kaniyang anak. Ang Mama ko ay nag-asawa ng iba at iniwan ako sa pudar ng aking Lola. Simula noong ipinanganak ako ay hindi ko siya nakita sa personal at sa mga letrato lang. Hindi nga din namin alam kung buhay pa ba siya o wala na. Siya lang din ang nagiisang anak ni Nanay kaya tutol ito nang malaman niya na balak akong ipaampon ng tunay kong Mama dahil nabuntis lang siya noong karelasyon niya noong dalaga siya.

"Mau! Wala ka pabang boyfriend?" Tanong ng isang tindera sa palengke na kumare ni Nanay.

"Naku, wala po. Focus lang po muna sa career at sa pagpapagawa ng bahay" ngiti ko rito dahil kasalukuyan naming pinapaayos ang bahay namin ngayon.

"Yung kapartner mo noon sa isang teleserye, akala ko boyfriend mo? Ano nga pangalan non? Joe?"

"Naku, hindi ko po 'yon kasintahan" at ako ay natawa ng kaunti.

Madami namang nanliligaw saakin. Karamihan sakanila ay nakakasama ko sa trabaho, ang iba may pangalan sa industriya habang ang iba naman ay kakilala ng mga may-ari sa mga produktong ine-endorse ko. Karamihan din sakanila ay lalaki at may mangilan-ngilan na babae. Kaso ewan ko ba, iniingatan ko lang ang image ko at parang wala pa sa isip ko ang pakikipag-relasyon.

Naglalakad kami nang may itanong saakin si Nanay. "Mau, diba kasama ninyo sa channel x yung si Victoria Lu?"

"Opo nay, bakit?"

"Wala naman. Nabasa ko kasi sa dyaryo na bumalik na pala siya ng bansa at parang may bagong proyekto. Gustong gusto ko yung batang 'yon noong kapanahunan niya.. siya ang pinaka-magaling sa mga kabataan na kasabayan niya" lintaya naman nito.

Napangiti ako dahil totoo ang kinukwento ni Nanay. Si Victoria Lu ang isa sa mga pinakamagaling na artista noong kapanahunan niya. Kaso noong nakaraang ilang taon ay nag-migrate siya sa ibang bansa.

Ang totoo niyan e crush na crush ko talaga 'yon. Hay.

Pagka-uwi ko ay nakatanggap ako ng tawag sa manager ko. "Good afternoon, Mau. Inform lang kita na may changes sa casting natin dahil nagka-conflict sa contract ni Miss Patricia"

"Hala, lead role ang sakanya diba?" tanong ko rito.

"Yes. Pero luckily, nakahanap kaagad ng kapalit. Atsaka mas better ang nakuha nila. No offense meant kay Miss Pat. Bale si Miss Vic Lu ang papalit sakanya. May schedule narin pala tayo for table reading next week. I'll send it to you nalang. Arrange your calendar narin"

Gulat man pero hindi ko nakalimutang magpasalamat sa aking manager.

Parang na-pressure ako ng bongga sa role ko sa pelikulang ito. Parang kanina lang ay pinaguusapan namin ni Nanay si Miss Vic tapos ngayon makaka-trabaho ko pala!

-

Hello! I'm back with a new story!

Silver Screen (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon