Maureen.
"Yung blocking po, paki-check" turo saakin ng AD o assistant director.
Agad ko namang tinignan ang markings na nasa paanan ko. Tumingin din ako sa paligid at minemorize kung saan naka-pwesto ang mga camera para kahit ma-carried away ako sa eksena ay kitang-kita parin ako at ang ka-eksena ko.
Huling scene ko na ito at huling linggo narin ito ng shooting naming lahat. Ang bilis dumaan ng panahon dahil ilang buwan na nga kaagad ang nakalipas nang simulan namin ito. Nakakatuwa dahil sa buong pagsasama ay maayos ang relasyon namin at professional ang lahat ng nagta-trabaho sa set.
"Sana hindi ito ang huli" ngiti saakin ni William nang matapos namin ang aming eksena.
"It was great working with you, Liam" ngiti ko naman dito.
"Have you asked your manager about the dinner?" tanong nito habang naglalakad kami palayo sa set.
Hindi ako agad nakasagot dahil ang sagot ay hindi pa. "Hala sorry hindi ko pa naitatanong. Nawala kasi sa isip ko" pagdadahilan ko. Pero ang totoo niyan ay sinadya ko dahil narin sa kadahilanang nalilito ako.
Nalilito ako sa nararamdaman ko. Sigurado naman akong papayag ang manager ko dahil lately mataas ang engagement ng movie poster at mga pictures namin ni Liam sa social media. Mayroon naring mangilan-ngilan na gumawa ng fan accounts para saaming dalawa. So alam na alam ko na ang dinner namin ni Liam ay maaaring maging publicity stunt sa image naming dalawa.
Nakakatawa dahil sa mundo ng showbiz, on and off cam man ay kadalasan scripted ang lahat. Hindi na bago na didikit ka sa isang personalidad para ikaw rin ay mahatak pataas.
"That's okay. I can wait naman" ngiti nito bago kami pumunta sa kanya-kanya naming tent.
Habang nagpapalit ako ng damit ay hindi ko naiwasang mapatingin sa pouch na binigay saakin ni Vic noong una kaming nagkasama sa set. Organizer pouch ito para sa mga gamit ko tulad ng make-up at necessities.
Napailing ako nang maalala ko ang pag-amin nito saakin habang kumakain kami ng dinner last week. Tanging ngiti lang ang naisagot ko sakanya at pagkatapos noon ay pakiramdam ko naging awkward kami sa isa't isa.
Hindi ko naman sinasadya na maging ganoon ang reaksyon ko rito pero hindi ko alam kung bakit mas nangibabaw ang takot sa puso ko dahil sa pag-amin niya.
At dahil doon, isang linggo ko nang hindi sinasagot ang mga text niya saakin. Hindi dahil sa ayaw ko itong makausap pero dahil sa hindi ko alam ang isasagot ko.
Malinaw naman saakin na gusto ko siya. Masaya ako kapag kasama siya. Kalmado ako tuwing magka-dikit kami. Napapasaya niya ako sa simpleng mga tingin niya tuwing nasa set kami.
Pero ngayong nalaman ko na siya rin ay may gusto saakin, bigla akong natakot.
Nang mailigpit na namin ang mga gamit ko ay sunod na akong umuwi. Bukas pa ang huling araw ng shooting para sa pelikula at bukas din gaganapin ang wrap-up party.
Pagod akong humiga sa kama at pumikit. Ang bigat ng loob ko ngayon.
Binuksan ko ang cellphone ko para tignan kung may missed calls ba or text messages. Pero nadismaya ako nang makita kong wala.
BINABASA MO ANG
Silver Screen (GxG)
RomanceMau Benedicto is an amateur actress and is picked to play a major role in a Filipino film. And on the said project, she was casted with the veteran star of the country, Victoria Lu. From strangers to colleagues, and later on flourished into secret...