Chapter 12

2K 122 39
                                    

Maureen

"SURPRISE!!" sabay sabay naming sigaw nang pumasok sa event's hall si Nanay.

"Happy Birthday, Tita!!" bati ng mga pamangkin niya at nilapitan siya.

Ngayon ay ang 60th birthday ni Nanay Weng at ginanap namin ito sa isang function hall dito sa bayan.

Ang buong akala niya, dadalo kami ng kasal ng kaibigan ko. Ayaw pa kamo niyang mag-suot ng gown kaso sabi ko, hindi pwede dahil strict ang dress code sa party.

Ito yung pina-plano namin na magpi-pinsan at pati narin ng mga tito at tita ko noong nakaraang buwan. Lahat ng kamag-anak ay invited pati narin ang mga kaibigan o ka-marites niya.

Nag-simula ang program at hinayaan kona na ang host ang mag-handle. Habang ako naman ay nagvi-video sa tabi. Nandito din si Yumi dahil siya ang kinuha kong photographer. Sobrang g naman ang bading.

Hindi ko mapigilang hindi maiyak sa tuwa dahil deserve ito ni Nanay. Kahit sa ganitong paraan man lang ay maiparamdam ko sakanya kung gaano ako nagpapasalamat sa pagpapalaki niya saakin kahit apo lang niya ako.

Maikli lang naman ang program dahil gusto namin, ma-enjoy ito ni Nanay kasama ang mga mahal niya sa buhay at mga kaibigan. Kumbaga get together talaga.

"Reen, anak, bakit kapa gumastos?" pag-lapit nito saakin dahil nandito ako sa may buffet at inaalalayaan ang mga bisita.

Niyakap ko ito. At ayun, nag-iyakan kaming dalawa.

"Huwag mong alalahanin ang pera. Ang pera, pwedeng palitan 'yan. Pwede ulit kitain. Yung birthday, once a year lang" sagot ko sakanya habang dahan-dahang pinupunasan ang mga luha niya. Kahit papaano kasi kanina ay na-convince ko siya na mag make-up kahit kaunti lang.

"Salamat, anak ko" wika niya at sunod kaming nag-yakapan ulit.

"Ilabas ang Oscars!" dinig naming banggit ng Tito ko dahilan para matawa ang lahat.

"Kumain kana, sumabay kana doon kila Loli" sabi ko sakanya at hinatid siya sa table ng mga kapatid niya.

"Miss Mau, may naghahanap po sainyo sa labas" banggit saakin ng isang staff na kasama ng host.

Nagtaka naman ako at lumabas. Nakita ko si Vic na naka-upo sa may receiving area at nagce-cellphone.

Nanlamig ang katawan ko at hindi alam ang sasabihin kaya nilapitan ko nalang ito. "Vic"

Kaagad naman itong tumayo nang marinig ako. "Mau" naka-ngiting sabi nito.

"Bakit ka nandito?" hindi ko mapigilang itanong.

Nakita kong parang nabigla ito. "Tita Baby and your cousins invited me. You also did, remember?" nagtatakang tanong nito.

Napaisip ako at biglang na-guilty. "I'm sorry.. yes yes" sagot ko at inaya siya papasok sa event's hall. Ngayon ko lang din napansin na may dala-dala itong paper bag at bouquet of flowers.

Nilapitan namin si Nanay at nag-mano sakanya si Vic.

"Happy Birthday po, Tita" magalang na wika nito at iniabot ang paper bag at bouquet of flowers sakanya.

Silver Screen (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon