Chapter 5

2.5K 140 39
                                    

Mau Benedicto

"This way, Ma'am" wika saakin ng hostess at naglakad patungo sa parte ng restaurant kung saan tanaw ang buong view ng Makati.

"Thank you" wika ko rito nang tulungan ako nito sa aking upuan at siya namang ngumiti.

Ang usapan namin ngayong dinner ay 6:30PM pero 6PM sharp palang ay nandito na ako. Tulad nga ng nakaugalian, ayokong ako ang hinihintay.

Buti nalang ay hindi gaanong traffic at 30 minutes lang ay nakarating na ako. Nag-commute lang ako, dahil tinanggihan ko ang alok niya na sunduin ako sa apartment ko. Nakakahiya.

Napahawak ako sa kwintas na suot ko dahil nakaramdam nanaman ako ng kaba. Black deep v-neck dress ang suot ko ngayon para sa dinner na ito. Not-so-classy and not-so-formal, tama lang.

Hindi naman bago saakin ang ayain ako kumain sa labas ng mga ka-trabaho ko pero ewan ko ba, kinakabahan ako ngayon. Siguro dahil high-profile itong kasama ko.

"Maureen, kanina kapa ba? I'm sorry I was caught in traffic.. I came from the south pa" pag-hingi nito ng pasensya dahilan para mapatayo ako.

I was about to offer my hand pero she insisted na mag-beso kami.

"Okay lang po, halos kadarating ko lang" nahihiya kong sagot rito.

Umupo ito sa upuang nasa harapan ko at ngumiti ng pagkalaki-laki.

"I told you many times, don't address me with po lalo na we're outside our workplace" wika nito at humalukipkip.

"I'm sorry" natawa kaming dalawa. "Nakasanayan lang"

"What would you like to order?" tanong nito saakin.

Nang makita nito ako na nagiisip habang nakatingin sa menu ay nagsalita siyang muli, "Is it okay with you if we order tonight's special para hindi na tayo mahirapan mamili?"

"Yes sure"

"We'll have tonight's special" wika nito sa waiter.

"Okay. Anything else, Miss Tina?" tanong nito sa aking kasama.

"I think I'll have white wine. How about you, Mau?"

"Hm, orange juice?" nahihiyang wika ko.

"Are you sure? The night's still young" ngiti nito saakin na parang nanunukso. Oo nga naman. Siya wine tapos ako juice!

"I'll have white wine as well" ngiti ko sa waiter at nagpasalamat.

"So, is this okay with you?" tanong nito.

"Ha?"

"This place. Okay naman ba? We can change restaurant if you want" alok nito na parang worried pa.

"No" kaagad kong sagot. "I love it here. The  overlooking view of the city.. it's nice" ngiti ko sakanya dahilan upang huminga ito ng malalim.

"I was scared for a second. Akala ko hindi mo nagustuhan" at natawa ito. "How are you?" tanong nito.

"Im good" at natawa din ako. "Nagkita palang tayo kahapon ah"

Silver Screen (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon