Chapter 2

2.9K 142 23
                                    




Mau Benedicto

Hingang malalim. Kaya mo 'to, Mau.

"This way po" wika ng isa sa mga staff at tinuro saakin ang conference room kung saan gaganapin ang unang table reading para sa pelikula.

Kinurot ko ang sarili ko bago pumasok dahil pakiramdam ko lumulutang ako. Last month ay tinawagan ako ng handler ko at sinabihan na may audition daw para sa isang pelikula. Ang role na binabalak kong makuha ay isa sa mga major roles at hindi ako nag-dalawang isip dahil gusto ko rin naman subukan.. wala namang mawawala. Ayoko namang pag-sisihan na pinalampas ko ang oportunidad na ito. Laking gulat ko noon nang tawagan nila ako kinabukasan na nakuha ko daw ang role.

Ilang taon nadin ako sa industriya pero hindi pa ako nagkaroon ng big break kumbaga. Madalas e puro side characters lang. Yung pangalan ko e hindi pa din naman ganoon kakilala kaya noong una ay hindi ako naniwala na ako nga ang kinuha nila lalo na't ang mga makakasama ko ay may pangalan na.

"Good morning po" bati ko

"Good Morning, Miss Mau" ngiti ni Direk Carlo. "I'm so excited to work with you"

"Isang malaking pribilehiyo po" nahihiyang wika ko sakaniya at nakipag-kamay.

Umupo na ako sa bakanteng upuan na may naka-sulat na Mau Benedicto as Kelly Trinidad sa harapan nito.

Luminga-linga ako sa silid at mukhang isa ako sa mga maagang dumating. Mas gusto ko kasi na ako ang nag-hihintay kesa sa ako ang hinihintay.

Hindi din nag-tagal ay unti-unti nang nagsi-datingan ang mga ibang aktor at aktres na ang iba ay nakatrabaho ko na sa mga nagdaang projects.

Lahat kami ay napalingon nang pumasok sa silid ang iniidolo kong artista. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya sa personal dahil nakikita ko din naman siya minsan kapag nasa building ako ng channel 9, naggu-guest siya sa isang entertainment show habang ako ay dumadaan para mag-shoot sa kabilang studio.

"Good morning, Vic. It's nice to see you again" paglapit ni Direk at hinalikan sa pisngi ang babae.

Luminga-linga naman ito habang naka-ngiti at binati kaming lahat.

Umupo ito sa pwesto sa harapan ko at nginitian ako. Pakiramdam ko ay nakakatawa ang itsura ko dahil na starstruck ako.

Nang nakumpleto nakami ay nagsimula na ang table reading at isa-isang in-explain ng mga direktor at scriptwriter ang flow ng pelikula. Sinubukan din naming basahin ang mga linya ng mga karakter namin.

Namamangha ako sa mga ideas ng mga taong nakapaligid saakin. Nagsu-suggest din kasi ang mga kasama kong aktor sa kung anong pwede pa nilang gawin sa mga karakter nila para mas maging effective at relatable ang mga ito. Kahit papaano din ay may sinusuggest ako.

Nang dumating ang tanghalian ay nag lunch break muna. Mayroong inihanda na mga pagkain ang management sa kabilang silid para saaming lahat.

"Saan po ang CR dito?" tanong ko sa isang staff.

"Down the hallway po Ma'am then turn right" wika nito saakin.

Nag-pasalamat ako rito at naglakad patungo sa CR para mag-ayos ng kaunti. Pakiramdam ko kasi ang oily ko na. Atsaka iba ang pakiramdam ko sa ibaba. Parang may mali.

Silver Screen (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon