Chapter 3

2.5K 151 13
                                    

Mau Benedicto

"Good take!" Sigaw ni Direk Carlo.

"Good job" wika saakin ni William, ang partner ko sa pelikula na ito. Mas matanda siya saakin ng ilang taon at mas naunang nag-umpisa sa larangan ng showbiz kaya tinitingalaan ko ito.

"Salamat po" ngiti ko dito at sabay kaming naglakad palabas ng bahay kung saan kami nagsho-shooting ngayon.

"Huwag ka naman mag-po" at natawa ito. "You can call me Liam"

"Okay Liam" sagot ko. Nag-hiwalay kami ng daan kasi magka-iba ang tent namin. Magkaiba kasi ng tent ang mga babae sa lalake para mayroong privacy at para hindi awkward kapag nagbibihis.

Umupo ako sa harapan ng vanity mirror at nag-ayos ng kaunti. Hindi padin kasi tapos ang part ko. Yung kaba ko simula kaninang umaga pagka-gising ko ay nararamdaman ko. Isang buwan na kaming nagfi-film sa iba't ibang lugar pero eto ang unang beses na makaka-eksena ko si Miss Victoria Lu. Simula noong huli kaming nagkasama sa table reading ay hindi ko na muli siyang nakita.

Mas lalo kong naramdaman ang kaba nang may pumasok na may dala-dalang mga damit na naka-hanger.

"Make sure you have everything. Paki-iron narin ang iba para hindi lukot-lukot" rinig kong wika niya sa kaniyang assistant.

"Yes Ma'am"

Noon palang nito napansin na nakatingin ako sakanya. Naka-suot pa siya ng sunglasses at naka-summer straw hat. Grabe ang ganda talaga.

"Hey! Mau, right?" naka-ngiting tanong nito saakin at lumapit.

"Hello, Miss Vic. Yes po I'm Mau" ngiti ko naman dito at tinanggap ang kamay nito. Napakalambot.

Siguro hindi naman halata na fuma-fangirl ako sa batikang aktres na ito.

"I'm happy to see you again" sagot niya at hindi pa nagbibitaw ang aming mga kamay.

"Likewise" pigil kilig kong sabi.

"So, this is our first night" ngisi nito saakin. "Hanggang bukas tayo, diba?" tanong niya at naglakad sa kaniyang vanity mirror.

"Ah, yes po. Yung big scene po na dinner isho-shoot narin daw po today"

"I see" sagot niya habang naga-ayos.

Tumayo ito at dahan-dahang naga-alis ng damit na ikinagulat ko. Agad akong tumalikod at pakiramdam ko ay nanlamig ang mga kamay ko.

"Mau" wika nito habang nakatalikod padin ako. "Look at me"

"Po?" anxious kong tanong sakanya.

"I have something for you" rinig ko pang wika nito habang papalapit saakin. Pakiramdam ko ay nagpa-palpitate ako.

Hinawakan nito ako sa akong balikat at pinaharap sakanya.

Narinig ko itong natawa dahilan para buksan ko ang aking mga mata. Naka-damit naman na pala ito.

"These are for you" pag-abot nito saakin ng isang malaking brown paper bag. "We had a scene in Ilocos few weeks ago and I thought about buying you these things" pag-ngiti nito saakin.

Silver Screen (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon