Victoria
"Nasa parking lot po ako ng station" wika ko and lowered the volume of the car stereo.
"Okay. Pababa na ako" sagot nito.
Kinuha ko ang paper bag na nasa passenger seat nang makita kong naglalakad na papalapit sa sasakyan si Mau.
Sunod itong sumakay. "Thank you for waiting" ngiti nito at niyakap ako.
"No need to thank me. Alam mo naman na gustong-gusto ko na sinusundo kita" and handed her favorite mint chocolates.
She looked at me with those beautiful brown eyes and hugged me again. "Thank you for remembering" ngiti nito at parang maluluha pa.
Nginitian ko lang ito, "You are always welcome. Let's go naba?"
Kagagaling lang nito sa isang brand commercial shoot. Alam kong pagod na pagod na ito dahil kanina pa siyang madaling araw nandito sa set. Mau being Mau, ayaw na ayaw niya na siya ang hinihintay kaya lagi siyang maaga sa mga lakad at appointments niya.
It's one of the many qualities that I adore about her. One of the many reasons why I fell in love with her.
Panaka-naka ko siyang sinusulyapan habang bumabyahe kami pauwi sa apartment niya.
Maureen is different among the women that I dated. Marami kaming pagkaka-tulad. Madalas na nagkaka-sundo sa mga bagay-bagay.
Nakarating na kami sa apartment niya and I helped her with her bags. Magpapaalam na sana ako nang niyakap niya ako.
"Thank you for today. Thank you for being patient with me" bulong niya.
"You are always welcome, Mau. Kahit ano pa 'yan" ngiti ko rito.
Hinatid niya ako hanggang sa sasakyan ko at nagka-paalamanan na kami.
Noong isang araw napag-usapan namin ang force of habit na laging nagso-sorry kahit hindi naman talaga kailangan. We talked about it and decided to change our phrases. Instead of saying, "Sorry I'm late", say "thank you for waiting". In that way, positive ang emotions instead of negativity or unnecessary guilt.
Ilang buwan na ang nakakalipas simula nang inumpisahan kong ligawan si Maureen. Sinabi ko rito na hanggang pinapayagan niya akong ligawan siya, maghihintay ako. Kasi alam kong worth it siya hintayin.
Ika nga ng nakararami: Kapag gusto, may paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan.
Dumiretso ako at umuwi na sa bahay. Maaga ang call time ko bukas para sa shoot ko sa isang noontime show.
Kinabukasan, bago ako umalis ng bahay ay tinawagan ko muna si Mau. Luluwas kasi siya ng probinsya ngayong araw dahil nakakuha siya ng day-off sa mga susunod na araw. Nagkaroon yata ng sakit si Nanay Weng. Nagbabalak nga rin akong sumunod pagkatapos ng guesting ko.
Nang makarating ako sa set ay sinalubong ako ng assistant ko. "Ate, nabasa mo naba yung latest issue kay Miss Mau?" tanong nito saakin. Aware kasi siya na nililigawan ko ito.
Nagtaka naman ako at mabilis na kinuha ang cellphone ko. Nasa tabloid ito at kasalukuyang inuusisa ang pamilya niya: ang tungkol sa mga tunay niyang magulang.
BINABASA MO ANG
Silver Screen (GxG)
RomanceMau Benedicto is an amateur actress and is picked to play a major role in a Filipino film. And on the said project, she was casted with the veteran star of the country, Victoria Lu. From strangers to colleagues, and later on flourished into secret...