Chapter 18

1.6K 68 24
                                    

Mau

"Good Morning, Ma'am Mau" ngiti ni Ate Rosa saakin nang makita niya akong naglalakad patungo sa kusina.

"Magandang umaga po, Ate" ngiti ko rin dito. "Nasaan po si Vic?" tanong ko at sunod na tinignan kung ano ang niluluto niya.

Napansin kong nagluluto ito nang agahan para saamin.

"Umalis sandali. Ang bilin po ay may pipick-upin daw para sa susuotin po ninyong dalawa mamayang gabi"

Mamayang gabi na ang premier night na pinagbibidahan naming dalawa. Kagabi ay sakaniya ako sumabay pauwi at sinuggest nito na dito ako sa bahay niya matulog. Hindi ako nag-reklamo dahil pabor iyon saakin. Na-miss ko ang girlfriend ko.

Matagal bago kami nakatulog kagabi dahil nag-usap muna kami. Binanggit ko sakaniya ang pag-bisita ni Merly saakin sa apartment noong nakaraang araw.

Seryoso ang pakikinig nito saakin at nag-iisip. Natuwa ang puso ko na pinapakinggan niya ako. Hindi ko pinalampas ang oras at tinanong kung anong totoong nangyari sakanya nitong mga nakaraang linggo.

"Nahihirapan man akong sabihin sa'yo.. May importante akong inasikaso na nakasalalay ang future ko. Future ko na kasama ka. Future nating dalawa. Hindi ako bumalik sayo hangga't hindi ko nasisigurado na hindi pa okay kaya natagalan ako. Ayoko kasi na dumagdag pa iyon sa iniisip at problema mo sa araw-araw, mahal ko. I promise na I will tell you the full details after the premier week. I already booked us a flight to Europe so we can a full week together" ngiti nito.

Natulog akong magaan ang loob.

Natulog akong panatag ang loob kong ako lang ang mahal ni Vic.

Natulog akong alam ko na pinaninindigan na ako.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ulit si Vic habang nakasunod sakaniya ang assistant niya na dala-dala ang mga night dress namin para mamayang gabi.

She kissed me, "Good morning" ngiti nito.

"Good morning" bati ko rin matapos tugunin ang halik niya. "Kumain ka naba?"

"Hindi pa.. hinihintay kita magising. Gusto ko kasi sabay tayo" ngiti nito saakin at hinawakan ako sa kamay.

Madalas, out of nowhere nalang ay napapatitig ako sakaniya. Sobrang nakakapanibago ang lahat.

Pagdating nang hapon ay dumating na ang dalawang make-up artist na hinire nito para ayusan kami. Panaka-naka nito akong tinititigan sa salamin dahilan upang mamula ako.

Nauna itong nag-bihis saakin dahil nauna siyang natapos. Maya-maya rin naman ay kinailangan ko narin mag-palit. Pumunta ako sa kwarto niya dahil nandoon ang dress naming dalawa. Napatigil ako sa may pintuan nang makita ko siyang nakaupo sa may kama at tila hinihintay ako habang suot nito ang kaniyang maroon na dress na may mataas na slit sa legs. Shet.

"Ang tagal mo naman" mahinang wika nito at nginisian ako.

"Eh, kasi.. ano.."

"Strip" nagulat ako sa sinabi nito.

"Ha?"

"Strip so you can get dressed na. Male-late na tayo" at ramdam ko ang pang-aasar sa tono nito.

Silver Screen (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon