Maureen
"Ano ba ang magandang pangalan sa ship nila?"
"Actually mayroon nang mga bumuo ng fan group sa social media. I saw it months ago, the time nung lumabas yung picture nila sa wrap-up party"
"Sige sige. Para ma-recognize nilang dalawa on-air"
Kasalukuyan kong binabasa ang mga interview questions ngayon dito sa briefing room. At ang mga writers and hosts naman ay mayroong brief review sa magiging flow ng show.
Ang mga lead actors ng pelikula namin na sina Sir Dan, William at si Vic ay makakasama ko para sa promotional interview ng nasabing pelikula.
Sila ang pinaka-bida ng storya at ako naman ay supporting actress kaya nagulat ako nang sabihan ako na halos sa lahat ng interviews ay kasama nila ako. Malaking parte daw kasi ng pelikula ang character ko.
"Maraming lumabas na ship names. It includes: MauLim, WilReen, LiReen, and LiMau" wika ng isang staff habang nakatingin sa cellphone.
"Ha...LiMau" bulong ni Vic na nasa tabi ko.
Sinuway ko naman ito at pinanlakihan ng mata.
Tinaasan lang nito ako ng kilay dahilan para tawanan ko siya ng kaunti.
"I think WilReen is more easy and mas maganda pakinggan" wika ni Liam sa mga ito na sinang-ayunan naman nila.
"How about for you, Miss Maureen?" tanong nila saakin.
"That's fine by me" ngiti ko sa mga ito.
Maya-maya naman ay pinalabas na kami sa briefing room at pinapunta sa tabi para ready na kami anytime na tawagin kami. Live interview ito kaya dapat prepared kaming lahat.
Isa-isa na kaming tinawag sa entablado at pinakilala.
Sir Dan | Vic | Ako | William. Ganyan ang seatinf arrangement namin sa set.
Inumpisahan ang interview sa kamustahan, kung ano ang experience namin sa taping at ang maka-trabaho ang isa't isa. Sunod naman napunta sa kung tungkol saan ang pelikula without dropping any spoilers syempre. At ang highlight ng interview ay ang pagu-usisa nila sa tambalan naming dalawa ni William.
"So, nabalitaan namin na may dalawa na young celebrities ang nag-date kamakailan" panga-asar ng host dahilan para ngumiti kami ni William kasabay ng tilian ng audience. "Kilala niyo ba 'yon?" tanong nito saamin.
"Parang oo yata" sagot naman ni Sir Dan.
William chucked before answering, "You know it's nice to get to know someone who has the same beliefs in life like you. That's rare"
"I agree!" kinikilig na wika ng host. "Agree ka ba doon, Maureen?"
"Oo naman. It's nice to be surrounded with people who's grounded and as what Liam said, who has the same beliefs and aspirations in life like you" ngiti ko rito.
"Naks! Liam na ang tawag" tukso ng host. "Nasa first name basis na ba?"
"Something like that" ngiti ko ulit at tumingin sa audience dahilan upang mag-tilian silang muli.
BINABASA MO ANG
Silver Screen (GxG)
Storie d'amoreMau Benedicto is an amateur actress and is picked to play a major role in a Filipino film. And on the said project, she was casted with the veteran star of the country, Victoria Lu. From strangers to colleagues, and later on flourished into secret...