Victoria
"Our relationship is stronger than before"
"Nakakatuwa namang marinig 'yan! Grabe hindi talaga hadlang ang panahon ano?"
Nag-tinginan kami ni Carlos at ngumiti sa interviewer.
Sunday guesting naming dalawa ngayon sa isang Talk Show. Naimbitahan kami dahil naging success ang pelikula niya at pati narin ang pagka-nominate saakin bilang Lead Actress habang siya naman ay Best Director.
Carlos and I are colleagues wayback when I was just starting my career as an actress. Siya ang unang sumugal sa talento ko at siya ang unang naniwala sa kakayahan ko.
Simula noon ay inaakala ng lahat na kami ay mag-kasintahan dahil lagi kaming magkasama at laging ako ang dinadala niya sa mga awards night niya.
Natapos ang interview at hinatid niya ako sa bahay. Nakita kong pinost na sa Official Social Media Pages ng show ang interview nila saamin at napatitig nang makita ang in-announce nilang guest for next week.
Si Mau at si Liam.
Nagkaroon nang kasunduan ang management namin na as much as possible ay hindi na muna kami ipagsasama sa mga guestings. Noong sinabi 'yon ng kampo ni Mau ay hindi ako sumang-ayon pero kalaunan ay wala akong nagawa dahil narin sa umuusbong na issue naming dalawa.
Disoras na ng gabi dahil late night show ang dinaluhan namin ni Carlos kanina. Pero kahit anong gawin ko, hindi ako makatulog. Kahit na alam kong wala na akong kailangang gawin at kahit na alam kong pagod na pagod na ako, hindi ko kayang matulog.
Minabuti ko nalang na lumabas ng subdivision at mag-ikot. At dahil malalim na ang gabi, wala nang gaanong tao sa daan.
Hindi ko namalayan na sa tagal kong nagmamaneho ay hindi naman pala tumutugtog ang radyo ng sasakyan. Hindi ko din namalayan na nasa harapan na ako ng apartment building ni Mau.
Huminga ako ng malalim at sumandal sa upuan habang tinititigan ang bintana ng kaniyang apartment. Bukas pa ang mga ilaw.
Sana okay lang siya. Sana kumakain siya ng maayos.
Paalis na sana ako kaso nanlamig ako noong nakita ko siya na palabas ng building kasama si Liam habang may hawak na maleta.
Para akong lumulutang habang pinapanuod ko silang naga-ayos ng mga gamit sa kotse na naka-park lang sa harapan. Nakita ko rin na pinagbuksan pa talaga siya ng pintuan nito.
Tangina. Ako dapat 'yon.
Tatlong linggo na ang nakalipas nang malaman niya na naging mistress ako ng tatay niya.
Tatlong linggo na kaming hindi nag-uusap dahil nirerespeto ko ang desisyon niya. Ayaw muna raw niya akong makausap at nanghihingi siya ng space saakin.
Sa totoo lang noong una ay gusto na niyang makipag-hiwalay. Pero hindi ako pumayag. Dalawa kami sa relasyon kaya dapat dalawa kaming magde-desisyon. Oo sige nandoon na tayo sa puntong gusto na niyang humiwalay saakin.. pero hindi ibig sabihin noon ay wala akong gagawin para mapatawad niya ako.
Nanghingi siya saakin ng panahon para mapag-isa. Para makapag-isip isip bago kami makapag-usap ulit.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa manibela habang nakatitig sakanila.
BINABASA MO ANG
Silver Screen (GxG)
RomanceMau Benedicto is an amateur actress and is picked to play a major role in a Filipino film. And on the said project, she was casted with the veteran star of the country, Victoria Lu. From strangers to colleagues, and later on flourished into secret...