Chapter 8

2.2K 135 58
                                    

Maureen.

"So, uulitin ko ha. What is noun?"

"Uhm, it is a a word used to identify any of a class of people, places, or things, or to name a particular one of these." putol putol na sagot nito dahil sa haba ng definition.

"Okay. Very good" ngiti ko rito at tinatakan siya ng stamp na may good job!

Pagkatapos noon ay tinignan ko ang cellphone ko at siniguradong hindi ito naka-silent.

"Ate Mau, may hinihintay ka ba?" tanong ni Troy saakin habang nililigpit niya ang kaniyang mga libro.

"Ha? Wala naman" agad kong sagot. "Bakit?"

"Kanina kapa kasi tingin ng tingin sa cellphone mo e" inosenteng sagot naman nito.

Natawa naman ako dahil pakiramdam ko ay nahuli ako. Hindi ko napansin na kanina ko pa tinitignan ang cellphone ko. Pero kung papansinin ko ng mabuti, tatlong araw ko na ito ginagawa. Hindi ako mapakali.

Nandito ako ngayon sa kabilang unit, tabi lang mismo ng apartment unit ko. Tinuturuan ko si Troy para sa kaniyang lesson sa English. Si Troy ay anak ng nangungupahan sa kabila at nasaksihan ko ang paglaki nito dahil halos magkasing-edad siya at ang bilang ng taon na ako'y naninirahan dito. 8 years old na si Troy at napaka-bibo. Naging gawain na namin na tuwing wala akong ginagawa ay tutulungan ko ito sa kaniyang mga projects o assignments.

"Tinitignan ko lang kung oras na ba para mag-meryenda" sagot ko rito at tumayo. "Anong gusto mo?"

"Spaghetti" agad niyang sagot.

Binuksan ko kaagad ang ref nila para tinignan kung kumpleto ba sila sa sangkap. At buti na lang ay kumpleto. Madali lang naman lutuin ang spaghetti.

"Favorite ko yung spaghetti mo, Ate" kaagad na sunod nito sa kusina. "Yung kay Mommy, di masarap" bulong nito na akala mo ay maririnig siya ng kaniyang nanay.

"Hala lagot ka" natawang panga-asar ko rito dahilan para sumimangot ito.

Single Mom ang nanay ni Troy na kasalukuyang nasa trabaho ngayon kaya din lagi akong nagpi-prisinta na tulungan ito lalo na kung wala naman akong ginagawa. Lumaki ako sa isang magulang lang—kay Nanay Weng na Lola ko. Kaya alam na alam ko ang hirap ng pagpapalaki sa isang bata lalo na at ikaw lang mag-isa. Malapit kami ng Mama ni Troy at ipinagkakatiwala nito ang kaniyang anak saakin pati nadin ang unit nito. Nakakatawa nga dahil minsan ay papapuntahin pa talaga nila ako dito para lang mag-luto ako.

Wala sa isang oras ay natapos ko ang pag-luluto. Ihuhulog ko na sana ang pasta sa strainer nang bigla kong narinig ang cellphone ko. At dahil doon, muntikan ng mawalan ng meryenda si Troy. Hehe.

Napatakbo kaagad ako at tinignan kung kanino galing ang text message.

From 09*********

kmsta kau, I2 na new roaming # ko nsimblock kc ung dati ko #, nga pla may ipa2dala me jang pa2kage at kunting pera bhala na kau mgkkptid, meron ding cp meron ka dun. Kanyakanya nem kau dun.sya bka pwd loadan nyo ako ng 300 para mkatxt ako jan. Ms na ms ko na kau. Godbless.

Nang mabasa ko ang text message na 'yon ay natawa ako sa reaksyon ko.

Ako na wala namang kapatid: 👁👄👁

Dinelete ko nalang ang message. Natawa ako dahil sa paraan ng pagte-text nito at ang paraan ng pangbu-budol. Napaisip tuloy ako kung pang-ilang hula ng numero bago nito napadala ang mensahe saakin.

Tinuloy ko nalang yung pag-sangkap sa spaghetti at hindi nalang inisip yung telepono ko dahil sa totoo lang ay nadismaya ako.

Tatlong araw na ang nagdaan noong huling usap namin ni Vic. Hanggang ngayon ay hiyang hiya ako.

Silver Screen (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon