PROLOGUE

821 16 7
                                    

PROLOGUE

KINAKABAHANG naglalakad papunta sa parke si Gwen para makipagkita sa kanyang boyfriend na si Theo. Bitbit niya ang isang bagay na tiyak na magbabago sa buhay nilang dalawa.

Malakas man ang kabog ng dibdib ay hindi iyon naging hadlang para lakasan ang loob niya na sabihin ang gusto niyang sabihin.

Malayo palang ay nakikita niya na si Theo na nakaupo at nag-aantay sa ilalim ng puno na madalas nilang pinagkakakitaan noon. Hindi ito nakatingin sa kanya bagkus sa pangalang iniukit nilang dalawa sa sanga ng puno.

Tila ba parang nauubusan ng lakas ng loob si Gwen sa bawat hakbang nilalakaran pero nandito na siya. Ilang araw din ang nagdaan bago niya pinag-isipan ng maigi kung ano ang mga dapat niyang sabihin sa nobyo.

"Theo..." Tawag ni Gwen sa kanya. Lumingon sa kanya ang binata at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit.

"God, I thought we were breaking up." Anito na punong puno ng takot habang yakap siya. "Five days kang walang paramdam Gwen. Tinatawagan kita pero nakapatay ang phone mo palagi. Ni hindi naman kita mapuntahan sa inyo dahil sabi ng Mama mo hindi daw maganda ang pakiramdam mo." Humiwalay ng yakap si Theo sa kanya at sinapo ang noo at leeg niya. "Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? I was sick worried of you do you know that?"

Napayuko si Gwen. "Sorry kung napag-alala kita."

"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo? Ano bang nangyari?"

Sinalubong ni Gwen ang mga matang nagtatanong ni Theo. Huminga siyang malalim at sa bawat ihip ng hangin ay mas lalong hindi siya makapagsalita. Bagkus, ang mga mata niya ang nagsasalita para sa kanya.

"Gwen, you look pale. Gusto mo magpahinga ka muna? Ihahatid kita sa inyo."

Umiling si Gwen. "Hindi. A-ayos lang ako. May kailangan ako sabihin sa'yo."

Bumagsak ang isang butil ni Gwen sa mga mata niya pero wala nang atrasan. Eto na ang dapat niyang gawin at dapat harapin.

Muli niyang sinalubong ang mga mata ng kasintahan at naglakas loob na magsalita. "Theo... buntis ako."

Nakita ni Gwen ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha ni Theo. Ang kaninang malambing na hawak nito sa kanya ay unti-unting bumitaw sa kanya at natulala sa mga sinambit niya. Mas lalo siyang kinakabahan hindi dahil sa pagbubuntis niya kung hindi sa magiging reaksyon ng lalaking pinakamamahal niya... ng ama ng anak niya.

"Gwen a-ano bang sinasabi mo?"

Nilabas ni Gwen ang pregnancy test na kanina niya pa bitbit. "Last last week dapat ang menstruation ko pero na-delay ako. Nagsusuka din ako at walang gana kumain. Nag-take ako ng pregnancy test tapos two lines ang lumabas. I-ibig sabihin daw non buntis ako." Nanginginig niyang sabi kay Theo na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Hindi niya malaman kung ano ang tumatakbo sa isip ng kasintahan niya. Hindi niya malaman kung gusto niya ba ang nangyayari o disgusto.

Nang tahimik lang si Theo ay si Gwen na mismo ang nagsalita ulit. "M-magkakaanak na tayo, Theo. Nagbunga na 'yong pagmamahalan natin." Hinawakan niya ito sa kamay na para bang kinukumbinsi na maging masaya ang kasintahan sa balitang dinala niya. "Hindi kaba masaya? A-ako kasi masayang masaya, e. K-kahit kinakabahan ako kasi hindi ko pa nasasabi kina Mama at Papa e. P-pero alam kong maiintindihan nila ako. Nandito na ang baby natin e." Ani Gwen habang pinipigilang humagulhol.

Alam niya na. Nahulaan niya na kung ano ang mangyayari.

Naisip na ni Gwen na baka ayaw ni Theo maging ama ng maaga dahil bata pa silang dalawa. Pero masyado siyang umaasa sa mga sinasabi nito na mahal na mahal siya nito at hindi siya nito iiwan. Pero sa reaksyon ni Theo? Alam niyang kabaliktaran ang inaasahan niya.

"Theo b-bakit hindi ka nagsasalita? Ayaw mo ba? H-hindi kaba masaya?" Umiiyak na sabi niya ngunit pinipigilan ang humagulhol. "D-diba mahal mo 'ko? Sabi mo m-mahal mo 'ko diba, e-eto na 'yong---"

"Gwen..." Sa wakas ay nagsalita din si Theo at nagkaroon ng emosyon ang mukha nito. Umiling iling ito. "hindi ko siya matatanggap."

Parang pinira-piraso ang buong katawang lupa ni Gwen sa narinig niya. Pakiramdam niya ay nabuhusan siya ng malamig na tubig at hindi gumana ng maayos ang utak niya sa narinig. Hindi siya makapagsalita.

"Let's abort the baby."

Bumagsak nang tuloy tuloy ang mga luha ni Gwen. Isang napakasakit na salita para sa isang ina na na marinig na gustong patayin ng ama ng anak niya ang sarili niyang anak. Halos manghina siya sa kinatatayuan. Gusto niyang ibagsak ang sarili sa lupa pero ni kumilos hindi niya magawa.

"A-anong sinabi m-mo?" Tuluy tuloy pa rin ang agos ng luha niya. Sinusubukan siyang hawakan ni Theo pero winawaksi niya ang mga kamay nito. "P-patayin ko ang bata sa tiyan ko?"

"Gwen, please... pakinggan mo muna ako."

Umiling siya. "Hindi Theo. Napakinggan kita. Gusto mong ipalaglag ang anak natin. Ang anak ko."

"Gwen, mga bata pa tayo."

Hindi na nagkomento pa si Gwen. Lumayo siya at humakbang paatras mula kay Theo. Sinubukang hawakan ni Theo ang mga kamay ni Gwen pero bigo ito dahil mabilis na umiwas si Gwen.

Huminga ng malalim si Gwen. "Masama sa baby ang ma-stress ang mommy niya." Pinipigilan ni Gwen ang hindi masaktan alang-ala para sa kanyang anak sa tiyan niya. "Eto na ang huling pagkikita natin Theo. Sana maging masaya ka sa buhay mo."

Hindi niya na hinintay pa ang sasabihin ni Theo dahil tumalikod na siya at tumakbo papalayo. Hindi na siya sinundan pa ng lalaki kaya mas lalo siyang nasaktan,

Napahinto siya sa isang tabi atsaka niya hinawakan ang isang buwan na sanggol sa sinapupunan niya.

"Anak, tayong dalawa nalang ang magkasama. Simula ngayon wala na ang Daddy mo. Ako lang ang makakasama mo anak."

My Single Mom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon