Chapter 13

287 11 0
                                    


CHAPTER 13

TOTOO NGA ang sinabi ni Theo sa kanya at sa ina niya, babawi ito at ipapakita sa lahat na mali ang iniisip ng ina niya sa kanya. Pero kahit tatlong araw ng nag-e-effort si Theo sa kanila na maglinis ng bahay, mag-alaga ng bata, tulungan siya sa pamamalengke, at halos maging alila sa bahay nila ay hindi pa rin lumalambot ang puso ng ina para rito.

Napabuntong hininga nalang siya sa naiisip. Ano pa kaya ang pwedeng gawin ni Theo para matanggap na ulit ito ng ina niya?

"Bakit ka ba bumubuntong hininga d'yan? Ang lalim ng iniisip mo." Anang Jessica na katabi niya sa paborito nilang tambayan kapag nag-aantay sila ng susunod na klase. "Iniisip mo si Theo no?"

Tumingin siya sa kaibigan. Oo nga pala hindi niya pa nasasabi rito na kasintahan niya ng muli si Theo. Paano ba naman kasi, naging busy ito noong nakaraang araw kaya ngayon nalang sila ulit nagkita.

"Paano kung sabihin ko sa'yong oo?" Medyo nagaalinlangan pa ang tono ng boses niya. Kinakapa niya kung ano magiging reaksyon ng kaibigan niya.

Napatitig sa kanya saglit si Gwen pero tumawa din ito agad na parang 'di naniniwala. "Ikaw? Sus. E halos isumpa mo nga 'yon dati e. Tapos iisipin mo siya? Ano 'yon? In love ka ulit sa kanya?"

Nanatili siyang walang imik habang nakatitig pa rin sa kaibigan. Nang mapansin ni Jessica na nakatitig lang ito sa kanya at hindi nagsalita ay unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Omg! Huwag mong sabihin..." hindi talaga ito makapaniwala, "omg Gwen! Are you for real?!"

"Oo." Simpleng sagot niya sa mga itatanong palang ni Jessica. Tumingin muna siya sa paligid para masiguradong walang nakakarinig sa kanila. "Atsaka kami na ulit." Mahina niyang sambit.

"Oh my holy cow!" Napatakip ito ng bibig. "binibiro lang naman kita kung siya ba ang iniisip mo, pero kayo pala talaga?" Pabulong pero gulat na gulat ang bakas ng boses nito. Mahina siya nitong pinalo sa braso. "kailan pa? Ba't di mo sinabi sa akin?"

Ngumiti lang si Gwen at isinarado ang librong kanina ay binabasa niya. "Busy ka kasi masyado."

"Well yeah, na-busy talaga ako dahil binigyan kami ng incentive ng professor namin noong nanalo tayo sa Food Bazaar Event. Sobrang nakakapagod talaga lalo na't ina-apply mo na sa totoong buhay ang mga inaral mo," umikot pa ang mga mata nito sa hangin. "pero girl! I-kwento mo nga sa akin at paanong naging kayo netong si Papi Theo!" Mahina at pabulong nitong sabi na may kinikilig.

Napakurap kurap siya sa tinawag ni Jessica kay Theo. "Papi?"

"Yep, Papi commonly tawag sa kanilang magbabanda ng mga Eagles, and Eagles is the fandom name of Phoenix." Pagpapaliwanag nito sa kanya pero hindi niya 'yon inintindi. 

"Tigil tigilan mo nga kakatawag sa boyfriend ko ng Papi at matadyakan kita d'yan. Kahit sino nalang tinatawagad mong Papi."

"Eto naman nagseselos agad. Oh dali, i-kwento mo nalang kasi."

Ikinuwento niya naman kay Jessica ang buong buong pangyayari. Wala siyang itinira sa pagkw-kwento sa kaibigan. Sinabi niya lahat rito ang nangyari mula noong nalaman ni Theo na buhay ang anak nila hanggang sa tinanong siya nito kung pwede bang maging sila ulit. Sinabi niya din sa kaibigan ang nangyari sa kanila ng ina niya at kung paano sila nito pinagsabihan.

Bumuntong hininga si Jessica. "Well, may point naman kasi si Tita Glenda. Simula ng mamatay si Tito Lito, ang Papa mo, mas naging protective siya sa'yo. Hindi mawawala sa kanya ang mag-alala at matakot na masaktan ka na naman."

Tumango si Gwen. "Naiintindihan ko naman 'yon. Sana nga lang mas humaba pa ang pasensya ni Theo ipakita kay Mama na hindi niya na ulit ako iiwan at sasaktan. Lalo na at may Tristan na kami."

My Single Mom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon