Chapter 9

277 12 1
                                    


CHAPTER 9

NAKANGITING BINIBIHISAN ni Gwen ang anak mula sa pagpupunas niya dito para makatulog ng mahimbing. Sinuklayan niya ito ng buhok at pinulbuhan na din.

"Mommy, bakit mukhang masaya po kayo ngayon?" Tanong ng anak at doon niya lang napansin na nakangiti nga siya.

Tumikhim siya at umayos. "Uhm, wala naman anak. Gusto ko lang ngumiti. Kasi ang cute cute cute mo." Pinanggigilan niya ang pisngi ng anak. 

Hindi na nagsalita pa ang anak niya. Nang matapos siyang asikasuhin ang anak ay nakatanggap siya ng text message mula kay Theo.

'Sleeping?' - Theo

Mabilis siyang tumipa. 'Hindi pa. Ikaw?' Then hit send.

Nakatanggap din siya agad ng reply. 'Hindi pa. Still practicing for our new song. Miss na kita agad.'

Hindi niya mapigilan ang ngiting bumabalatay sa mukha niya. Kinikilig siya sa huling sinabi nito sa text! Sa sobrang kilig ay napayakap siya sa unan na katabi.

Hinatid kasi siya nito sa bahay nila. Iyon na sana ang pagkakataon niya para ipakilala sa kanya ang anak nilang si Tristan pero bigla nalang tumawag ang manager nito para sabihing magpa-practice sila. Hinayaan niya nalang ito umalis dahil siguradong may iba pa silang pagkakataon.

"Mommy..." Tawag ni Tristan sa atensyon niya. May hawak itong papel na binibigay sa kanya.

"Yes, baby?" Kinuha niya ang papel. "Ano ito?"

"Binigay po ni Teacher Odette sa amin. Sabi po niya ibigay ko daw po sa inyo."

Binuksan niya ang papel at bumungad doon ang salitang 'Family Day' na gaganapin sa susunod na buwan. Napatingin siya sa maamong mukha ng anak na para bang gusto niyang um-attend sa Family Day.

"Bakit ganyan ka tumingin baby? Pupunta naman tayo e. Alam kong gusto mo 'yon." Sambit niya at niyakap ang anak sa bisig niya.

"Mommy, makakapunta din po ba si Daddy? Kasi sabi po ng mga kaklase ko may Daddy dapat na kasama." Malungkot nitong sabi na nagpalambot ng puso niya.

Tumango siya. "Oo baby. Kasama natin si Daddy mo sa Family Day."

Nakita niyang nagliwanag ang itsura ni Tristan sa sinabi niya. "Talaga po Mommy?"

"Talagang talaga baby. Kaya huwag kana sad. Kasama natin si Daddy mo sa Family Day."

Niyakap siya ng anak ng napakahigpit. "Thank you Mommy!" Anito at humiwalay sa kanya saglit. "Makikilala ko na siya Mommy? Makikilala ko na ang Daddy ko?"

"Oo anak. Makikilala mo na ang Daddy mo. Kasi love ka niya," naalala niya ang sinabi ni Theo sa kanya kanina lang. "Love na love ka niya at gusto ka niyang makasama."

"Love ko din siya Mommy. Gusto ko na din po siyang makasama."

Napangiti si Gwen sa sinabi ng anak, kapagkuwa'y pinatulog niya na ito at nang makatulog na ito ay siya naman ang sumunod.

Nakapagdesisyon na si Gwen. Tatanggalin niya na ang anumang takot sa puso't isipan niya para sa anak niya... at para na rin sa puso niya.

Kinabukasan, maaga niyang pinapasok ang anak at siya din ay pumasok na din sa eskwelahan. Ganoon pa rin ang routine nila, ang magbenta sa food bazaar event nila. Limang araw kasi ang kompetisyon nila at nakakadalawang araw palang sila.

"Guys," tawag ni Gayle sa atensyon nila. "yesterday was a blast, at marami tayong nabenta kahapon all thanks to our group cooperation. Starting from culinary team to marketing team. Good job, Jessica and Gwen. Though nakakapagod magpa-cute kahapon sa mga customers natin."

My Single Mom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon