CHAPTER 3
HAWAK HAWAK ni Gwen ang mga kamay ni Tristan habang namamasyal sila sa Mall. Kauuwi niya lang galing school at mabuti na lang ay maaga ang dismissal niya para maipasyal pa ang anak.
Una niyang pinakain ito sa isang pambatang fast food chain, pinakain ng ice cream, at binilhan ng mga bagong laruan.
"Anak, nag-enjoy ka ba?" Tanong niya kay Tristan na kasalukuyang kumakain ng ice cream. Tumango ito atsaka masayang dinilaan ang sorbetes na hawak. Sinimulan niya ding kainin ang kanya nang mapansin niyang nakatingin si Tristan sa malayo.
Nang tingnan niya ang tinitingnan ng anak ay parang nagkaroon ng pira-pirasong karayom sa puso niya. Isang bata na masayang kasama ang tatay nito habang kumakain ng sorbetes.
Lumingon siya sa anak at sakto etong nagtanong sa kanya. "Mommy, nasaan po si Daddy?"
Alam niyang darating ang araw na magtatanong ang anak niya tungkol sa ama nito pero parang tinatakasan siya ng paghinga kapag pinaintindi niya kay Tristan ang tunay na kalagayan nila ng ama niya.
"Anak... hindi na natin makakasama ang Daddy mo e. Malayo siya sa'tin." Sagot niya sa anak dahil ayaw niyang magsinungaling dito.
"Bakit po?" Bakas ang lungkot sa boses nito. "Ayaw niya po ba sa'kin?"
Gusto niyang umiling pero naalala niya ang sinabi ni Theo sa kanya noon na gusto niyang ipalaglag ang bata sa sinapupunan niya noon. Ayun ang dahilan kung bakit hindi niya magawang mapatawad ang binata dahil hindi niya kayang sumagot ng maayos at totoo sa anak tulad nalang ngayon.
Huminga siya ng malalim bago niya ibinuka ang bibig. "Anak, hindi man natin kasama si Daddy mo, at least masaya tayo na tayong dalawa lang 'di ba? Kasama si Lala. Atsaka hindi naman natin kailangan si Daddy mo e. Ako, pwede mo 'kong maging Daddy din."
Hindi nagbigay ng reaksyon ang anak niya kung kaya't niyakap niya nalang ito at hinalikan sa ulo.
Bilang pambawi sa anak ay pinagbigyan niya itong maglaro sa mga children play store sa mall.
"One hour po sila pwedeng magstay dito Ma'am. Sasamahan niyo po ba ang bata?" Tanong ng staff.
Sinulyapan niya muna ang anak na mukhang nag-eenjoy makipaglaro. "Uhm, iiwan ko muna ang anak ko. Saglit lang naman."
"Sige okay lang po Ma'am. Paki-fill up nalang 'yong pangalan ng bata at number niyo po."
Tumango siya at sinunod iyon. Pagkatapos niyang magsulat ay tinawag niya si Tristan. Lumuhod siya upang makapantay ang anak.
"Anak, habang nagpe-play ka dito aalis lang si Mommy para mag-grocery ah. Dito ka lang at makipagkaibigan. Huwag na huwag kang sasama kahit na kanino hangga't wala si Mommy. Naiintindihan mo ba?"
"Opo Mommy."
Napangiti siya sa sagot ng anak. "Very good." Tumayo siya sa pagkakaluhod at nagtungo na sa grocery para bilhin ang mga kailangan niyang bilhin.
Kinuha niya ang listahan na kailangan niyang bilhin mula sa karne, gulay, ibang kailangan nila sa bahay, at ang iba ding pangangailangan ni Tristan tulad ng gatas at biscuits. Sunod niyang kinuha din ang mga kailangan na ingredients para sa menu na lulutuin niya para sa food bazaar event na nakabukod ang basket para hindi maghalo-halo ang mga ito.
Hindi problema ang pera para kay Gwen pagdating sa budget nila sa bahay dahil may trabaho naman siya bilang virtual assistant na isang online job na mahigit apat na taon niya na ding ginagawa. US dollar based ang sahod niya kaya sa isang buwan ay nagkakaroon siya ng twenty-thousand na sahod na sapat na para may makakain sila araw araw at makapagipon para sa anak.
BINABASA MO ANG
My Single Mom (COMPLETED)
Storie d'amoreGwen was sixteen years old when she got pregnant and become a single mom. Wait, what?!