EPILOGUE

551 14 5
                                    

A/N: Gusto ko lang mag-thank you kay Safelyhaven sa suportang binibigay niya sa akin. Sa mga votes, thank you so much! This is the second time I finished My Single Mom. Sobrang laki ng iba ng story na 'to sa naunang My Single Mom but yeah ganoon talaga. 

Anyways, next story is TROUBLEMAKER. Synopsis is already posted. <3 

EPILOGUE

8 YEARS AFTER...

Ang dami ng nangyari sa walong taong pagsasama nila ni Theo. Sa walong taon na 'yon ay walang araw na hindi siya naging masaya sa piling nito at ng mga anak nila. 

Ikinasal sila after 3 years nitong magpropose sa kanya. Naging busy kasi silang dalawa sa trabaho para makapag-ipon sa kasal nila. May sarili na siyang restaurant at si Theo naman ang siyang namamahala no'n. Gusto kasi nilang dalawa na kapag ikinasal sila ay handa sila. May sariling bahay at secured ang future ng mga anak. Ngayon, ang restaurant nilang dalawa mag-asawa ay may sampung branch na nationwide.

Lumipat na sila sa bagong bahay sa isang village. Ang bahay nila ay may tatlong palapag at limang kwarto. May swimming pool, garden at playground para kapag gusto ng mga anak niya na maglaro ay mayroon sila sa loob ng bahay nila.

Sa loob ng walong taon ay madami na din talaga ang nagbago. Hindi na tumutugtog si Theo sa banda pero hindi pa naman sila disbanded. May mga solo activities na din ang myembro ng The Phoenix. Mas nagfocus ito sa negosyo nila at sa pamilya.

Wala na rin siyang balita kay Selene. Matapos ng mga nangyari noon ay hindi niya na ito muling nakita pa. Sa gawa ng haba ng panahon ay nagawa niya na itong patawarin sa mga nagawa nito noon.

Si Ate Azaleah naman, ang Ate ni Theo, ay kasal na at kasalukuyang nasa ibang bansa kasama ang pamilya nito. Nakikita niya na masaya na rin ang buhay nito.

Ang ina niya naman ay namalagi sa probinsya kasama ang kapatid nito. Gumaling na kasi si Tita Maridel sa sakit nitong cancer. Pero kapag naman ay umuuwi ito sa Maynila ay sa kanya ito umuuwi at nags-stay.

"Tristan, anak, how's your first day of school?" Tanong niya sa panganay niyang anak na si Tristan. Kauuwi lang nito galing school at maaga itong umuwi dahil orientation palang naman daw nila. "bakit umuwi ka kaagad? Hindi ka ba muna nag-enjoy kasama ang mga kaibigan mo?"

Tipid na ngumiti sa kanya si Tristan. "I'm fine Mom."

"Ikaw talaga. Pupwede ka pa naman sumama kina Louise at Angel kung may plano kayo. Basta hindi ka lang lalagpas ng curfew mo."

Naglalambing na yumayakap sa kanya ang panganay niyang anak. "Louise and Angel has a plan, Mom. Birthday ng Daddy nila. Miko is busy with the student council. Drake is with his girlfriends. Hans will help her mother for grocery and Vincent is still in Canada. So yes, I am fine Mom."

Napangiti naman siya sa haba ng sinabi ng anak niya. Magaling na ang anak niya pero nasanay ito na matipid ang sinasabi at kung madalas ay tanging ulo niya lang ang sagot bilang oo at hindi sa mga tanong. Nung huling punta niya nga sa school nito ay binansagan pa nga itong 'cold prince' dahil sa lamig ng pakikitungo nito sa mga tao. Hindi ito palasalita at hindi din palakibo. Maliban syempre sa kanya.

"How about Aubrey? Hindi mo ba siya kasama?" May supilpil na ngiti sa labi niya na ikinataas ng kilay ni Tristan. Mahina tuloy siyang natawa.

"Mom, hindi ko naman siya kaibigan para makasama."

Dito na sa Manila nanirahan si Abby at ang anak nitong dalaga na si Aubrey. Magda-dalawang taon palang sila rito at kung saan nag-aaral si Tristan ay doon din nag-aaral ang dalaga. Nagtataka nga siya at hindi niya mapagkasundo ang dalawa. Napakabait at napakamasayahing bata naman ni Aubrey, binabati nito si Tristan ng magiliw pero ang anak niya lang talaga ang bukod tanging kung magsuplado sa anak.

My Single Mom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon