Chapter 22

233 9 0
                                    


CHAPTER 22

HINDI MAKATULOG SI Gwen sa pag-iisip. Pinapanood niya lang ang mag-ama niya na natutulog at napanngiti nalang siya kasi kahit nandito pa rin sila... magkakasama.

Hindi talaga siya makatulog. Bumangon siya at humarap sa bintana na may maliwanag na buwan. Inaalala niya ang mga nangyayari. Inaalala niya din ang mga mangyayari sa hinaharap. Kung paano niya mapoprotekatahan si Tristan, at kung paano hindi masisira ang pangalan ni Theo.

Tama ang recording na na-record niya kay Selene. Gagamitin niya iyon laban sa taong nagpakalat ng issue sa kanila. Alam niyang masama ang gumanti pero kung iyon ang magiging dahilan para magtanda ang babaeng 'yon at tigilan na sila ay gagawin niya.

Pero sa ngayon iniisip niya ang kasalukuyan. Kapag maayos na ang lahat, babalikan niya si Selene. Hindi niya 'to hahayaan na nagsasaya dahil ito ang puno't dulo ng mga nangyayari. Sinaktan nito ang damdamin ng anak niya! Hindi siya makakapayag na lagi sila nitong gagantuhin.

"Bakit gising ka pa?" Tanong ni Theo sa kanya at napalingon siya. "Anong iniisip mo baby?"

Ngumiti siya nang nasa likod niya ito at hinalikan sa gilid ng noo niya atsaka niyakap sa likod.

"Nag-iisip lang kung anong mga gagawin natin. Sa totoo lang, oo nag-aalala ako para sa sarili ko, pero mas nag-aalala ako para sa'yo."

"Bakit naman?"

"Kasi alam ng mga tao na pinaako ko lang sa'yo ang anak natin at iba ang tunay niyang ama. Hindi ko alam pero mas gusto kong iyon nalang ang paniwalaan ng mga tao kasi atleast mananatili ang reputasyon mo at ang bandang binuo niyo ng ilang taon."

Gumatla ang noo ni Theo nang humarap siya sa kasintahan. Parang may pagtataka na may iritasyon. "Are you saying na ikahiya ko ang anak natin? Dahil lang sa nagkaanak tayo ng maaga?"

Huminga siya ng malalim. "Hindi naman sa ganoon Theo. Pero paano nalang kung malaman ng mga tao ang totoo? Mas masisira ang pangalan mo at ng banda ninyo."

"No Gwen. I disagree with what you want. Ayokong isipin ng mga tao na hindi ko anak si Tristan. Mahal na mahal ko ang anak natin at gusto ko ako ang kikilalanin niyang ama dahil ako naman talaga."

"Theo..."

"Let's not talk about it Gwen." Wala na siyang nagawa. Ayaw niya namang mag-away sila lalo na't bukas na sila aalis pauwing probinsya at magpapaiwan si Theo nang ilang araw. "Matulog na tayo."

Tumango siya at sumunod rito.

HINALIKAN NI THEO sa noo si Gwen bilang pamamaalam rito. Sunod niyang hinalikan sa pisngi ang limang taong gulang na anak na si Tristan na ngayon ay namumugto ang mga mata at pinipilit tumahan kakaiyak.

"Kiddo, huwag kana umiyak. Susunod si Daddy sa inyo promise." Pag-aalo niya sa anak. Nasasaktan siya kapag nakikita niyang umiiyak si Tristan na ngayon ay nakayakap sa kanya habang buhat buhat niya.

Nagkatinginan silang dalawa ni Gwen na nag-aalala sa anak nila at may pinaghalong lungkot sa mukha.

"I know that face Gwen. Huwag kana din malungkot please?"

Napayuko saglit si Gwen at tumingin sa kanya. "Mamimiss ka lang namin ni Tristan."

Bahadya siyang ngumiti. "Susunod ako sa inyo doon kinabukasan din. May aasikasuhin lang ako sa kompanya namin at susunod ako sa inyo agad. Hindi ko din naman kayang malayo sa akin ng anatin."

Tumango tango si Gwen sa sinabi niya at muli ay hinalikan niya ito pero sa pagkakataong iyon ay sa labi na. "Mag-iingat kayong dalawa ha?"

"Ikaw din." Atsaka niya kinuha si Tristan at siya ang kumarga rito. "Halika na anak, paalis na ang bus natin."

My Single Mom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon